Marduk-apla-iddina II
Marduk-apla-iddina II Merodach-Baladan | |
---|---|
Hari ng Babilonya
| |
Merodach-Baladan, Hari ng Babilonya enfeoffs, Altes Museum, Berlin | |
Panahon | 722–710, 703–2 BC |
Sinundan | Shalmaneser V (722 BCE), Marduk-zakir-shumi II, (703 BCE) |
Sumunod | Sargon II (710 BCE), Bel-ibni (702 BCE) |
Kamatayan | circa 694BCE |
Si Marduk-apla-iddina II (Wikang Akkadiyo: DMES.A.SUM-na; ayon sa Tanakh ay Merodach-Baladan, also called Marduk-Baladan, Baladan and Berodach-Baladan, literal. "Binigyan ako ni Marduk ng tagapagmana") ay isang pinuno ng Chaldea mula tribong Bit-Yakin na nagtatag ng teritoryo na minsang naging Dagatlupa sa katimugang Babilonya. Sinunggaban niya ang trono noong 722 BCE mula sa konrol ng Imperyong Neo-Asirya at naghari mula 722 hanggang 710 BCE.[1] Ang kanyang paghahari ay itinuturing ng mga ilang historyan na hindi lehitimo sa loob ng Dinasitiyang IX ng Babilonya o Asirya.[2]
Sinupil ni Sargon II ang mga kaalyado ni Marduk-apla-iddina II sa Elam, Aram at Kaharian ng Israel (Samaria). Siya ay pinalayas ni Sargon II sa Lungsod ng Babilonya noong 710 BCE ngunit muling nabawi ang trono mula sa isang maharalikang Babilonyo at naghari ng 9 na buwan mula 703-702 BCE. Bumalik siya mula sa Elam at nagsimula ng himagsikan sa Babilonya at naging hari muli. Siya ay natalo sa Kish ng mga Asiryo ngunit tumakas sa Elam.[3]
Sa isang silindro ni Marduk-apla-iddina II na natagpuan sa Uruk, inilarawan dito ang muling pagtatayo niya ng templo para kay Ningishzida na itinayo ng pinuno ng Ur III na si Shulgi kasama ng ziggurat ni E-Anna.[4][5]
Ayon sa Aklat ni Isaias, nagpadala siya ng mga sugo kay haring Hezekias ng Kaharian ng Juda upang makiusyoso dahil sa paggaling nito sa karaamdaman.
Mga sanggunian
- ↑ American-Israeli Cooperative Enterprise, Merodach-Baladan, Jewish Virtual Library, acceded 12 May 2018
- ↑ "2. The Sealand I in Babylonian historiography", The First Dynasty of the Sealand in Mesopotamia, Berlin, Boston: De Gruyter, pp. 20–59, 2018-03-19, ISBN 978-1-5015-0782-3, nakuha noong 2020-10-12
- ↑ Jean-Jacques Glassner, Mesopotamiam Chronicles, Atlanta, 2004, p. 197.
- ↑ Gadd, C. J. “Inscribed Barrel Cylinder of Marduk-Apla-Iddina II.” Iraq, vol. 15, no. 2, 1953, pp. 123–34
- ↑ Lenzen, H. “The Ningišzida Temple Built by Marduk-Apla-Iddina II at Uruk (Warka).” Iraq, vol. 19, no. 2, 1957, pp. 146–50