Microelectronics engineering
Ang inhinyeriyang pangmikroelektroniks o inhinyeriyang pangmikroelektronika (Ingles: microelectronics engineering o microelectronic engineering) ay ang larangan ng mga inhinyerong pangmikroelektroniks o inhinyerong pangmikroelektronika. Nakatuon ang inhinyeriyang pangmikroelektroniks sa pagpapaunlad ng mga aparato, mga mikrotsip, at mga sirkitong mikroelektroniko na ginagamit sa pagdidisenyo ng bagong mga teknolohiyang biyomedikal, elektroniko, pang-aeroespasyo, at pang-impormasyon. Ang mikroelektroniks ay isang subdibisyon ng elektroniks, subalit nakatuon sa pagdidisenyo ng maliliit na bahaging elektroniko, katulad ng mga semikonduktor, mga pisara ng sirkito at mga mikrotsip. Ang mga inhinyerong pangmikroelektoniks ang bumubuo ng mga prototipo ng bagong mga disenyo. Nagsasagawa rin sila ng mga natatanging pagsubok at nagtatala at umuunawa ng mga dato hinggil sa pagganap ng bagong mga modelo ng produkto.[1]
Tingnan din
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.