Molefi Kete Asante
- Huwag itong ikalito sa Aprikanong Amerikanong manlalaro ng beysbol na si Lee Arthur Smith. Para sa iba pang paggamit, tingnan ang Leigh Smith at Lee Smith (paglilinaw).
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2a/Molefi_Asante_2011.jpg/220px-Molefi_Asante_2011.jpg)
Si Molefi Kete Asante (isinilang noong Agosto 14, 1942) ay isang kontemporaryong Aprikanong Amerikanong iskolar sa larangan ng mga pag-aaral na Aprikano at mga pag-aaral na Aprikanong Amerikano. Kasalukuyan siyang isang propesor ng Kagawaran ng Aprikanong Amerikanong mga Pag-aaral sa Pamantasan ng Temple,[1][2] kung saan itinatag niya ang unang[3] PhD programa o palatuntunang pangedukasyon sa mga pag-aaral na Aprikanong Amerikano. Kilala si Asante dahil sa kaniyang pilosopiya ng Aprosentrisidad (Afrocentricity o "nakatuon o nakagitna sa Aprikano") at mapaglipat-lahi, mapag-ugnayang kalinangan, at pandaigdig na pakikipag-ugnayan.[4][5] Siya ang tagapagtatag na patnugot ng Journal of Black Studies ("Dyaryo ng mga Pang-Itim [na kulay ng balat] na Pag-aaral")[6] at ang may-akda ng mahigit sa 65 mga aklat.
Ipinanganak si Asante bilang Arthur Lee Smith Jr.[7] sa Valdosta, Georgia, Estados Unidos, at isa sa labing-anim na anak ng mga manggagawang sina Arthur at Lillie Smith.
Sanggunian
- ↑ "Molefi Kete Asante, Professor, Department of African American Studies". Temple University faculty page. Inarkibo mula sa orihinal (html) noong 2009-08-13. Nakuha noong 2009-01-07.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jon Spayde (1995). ""Utne Visionaries: People Who Could Change Your Life."" (html). Utne Magazine.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Molefi Kete Asante". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-21. Nakuha noong 2009-01-07.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ronald Jackson at Sonja Brown Givens, Black Pioneers in Communication Research. Thousand Oaks, CA: Sage, 2007.
- ↑ Dhyana Ziegler, ed. Molefi Kete Asante: In Praise and Criticism. Nashville, TN: Winston Derek, 1995.
- ↑ Molefi Kete Asante sa Sage Publications.
- ↑ Diane D. Turner. "An Oral History Interview: Molefi Kete Asante" (html). Journal of Black Studies, Tomo 32, Blg. 6 (Hulyo 2002) pp. 711-734 (Buod).
{cite web}
: Italic or bold markup not allowed in:|work=
(tulong)