Neve Shalom

Oasis ng Kapayapaan

נווה שלום
واحة السلام
pamayanang pantao, intentional community
Mga koordinado: 31°49′04″N 34°58′47″E / 31.81767°N 34.97981°E / 31.81767; 34.97981
Bansa Israel
LokasyonMateh Yehuda Regional Council, Jerusalem District, Israel
Itinatag1983
Populasyon
 (31 Disyembre 2015)[1]
 • Kabuuan265
Websaythttps://wasns.org/

Ang Neve Shalom (Ebreo: נווה שלום, Nwe Shalom; Arabo: واحة السلام, Wāhat al-Salām; lit. Oasis ng Kapayapaan) ay isang kooperatibang nayon sa Israel, sa pagitan ng Jerusalem at Tel Aviv-Yafo sa rehiyon ng Latrun, na itinatag ng mga Hudyo at Arabong taga-Israel upang subukang maipakita na maaaring mamuhay nang mapayapa ang dalawang kulturang ito.

Nakuha ang pangalan nito mula sa sa Isaías 32:18 na nagsasabing “Maninirahan ang bayan ng Diyos sa isang oasis ng kapayapaan”.[2] Unang iminungkahi ang ideya para sa Oasis ni Bruno Hussar, isang Hudyong Ehipsyo na paring Katoliko, na nagpatayo ng bahay noong 1972 sa papuntahan ng bagong nayon sa lupang inupa mula sa Monesteryo ng Trappist Latrun sa halagang $ 25 para sa upa ng 100 taon at naghintay para samahan siya ng mga iba.[3]

Ang nayon ay kasalukuyang may populasyon ng 184 at may waitlist o talang-hintayan ng 300 na nagnanais na manirahan dito kapag pinayagan na ito ng pamahalaan na lumawak.

Sa paaralan ng nayon, tinuturo ang mga klase sa Ebreo at Arabo. Mataas ang bilang ng mga nais magmatrikula dito at taon-taon itong tumatanggap ng daan-daang mga mag-aaral mula sa mga karatig-pook.

Nanomina na ang nayon nang apat na beses para sa Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.

Mga sanggunian

  1. http://www.cbs.gov.il/ishuvim/reshimalefishem.pdf.
  2. Gavron 2008, pp. 57–72.
  3. Gavron 2008, p. 58.