Oktano
Ang oktano[1] ay isang salitang nagmula sa iso-octane, isang likidong idrokarbono na ginagamit bilang pamantayang sukatan ng kalidad ng gasolina, partikular ang kung gaano kadaling magsiklab ang gasolina (tinatawag na knock). Karamihan sa mga regular na gasolina ang may ranggong 90 sa pagbasa ng antas ng oktano: nangangahulugang katumbas sila ng isang halo ng 90 bahagdang iso-octane na may 10 bahagdang N-heptane.
Sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.