Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai
Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai | |
俺の妹がこんなに可愛いわけがない | |
---|---|
Dyanra | Drama, Romantikong komedya |
Nobelang magaan | |
Kuwento | Tsukasa Fushimi |
Guhit | Hiro Kanzaki |
Naglathala | ASCII Media Works |
Takbo | 10 Agosto 2008 – 7 Hunyo 2013 |
Bolyum | 12 |
Manga | |
Kuwento | Tsukasa Fushimi |
Guhit | Sakura Ikeda |
Naglathala | ASCII Media Works |
Magasin | Dengeki G's Magazine |
Demograpiko | Seinen |
Takbo | Marso 2009 – Mayo 2011 |
Bolyum | 4 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Hiroyuki Kanbe |
Estudyo | AIC Build |
Inere sa | Tokyo MX, TV Saitama, Chiba TV, MBS |
Takbo | 3 Oktubre 2010 – 19 Disyembre 2010 |
Bilang | 12 |
Laro | |
Tagapamanihala | Bandai Namco Games |
Tagalathala | Bandai Namco Games |
Genre | Visual novel |
Platform | PlayStation Portable |
Inilabas noong | 27 Enero 2011 |
Original net animation | |
Direktor | Hiroyuki Kanbe |
Estudyo | AIC Build |
Inilabas noong | 22 Pebrero 2011 – 31 Mayo 2011 |
Haba | 24 minuto kada isa |
Bilang | 4 |
Manga | |
Ore no Kōhai ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai | |
Kuwento | Tsukasa Fushimi |
Guhit | Sakura Ikeda |
Naglathala | ASCII Media Works |
Magasin | Dengeki G's Magazine |
Demograpiko | Seinen |
Takbo | Hulyo 2011 – kasalukuyan |
Bolyum | 3 |
Laro | |
Ore no Imōto ga Konnani Kawaii Wake ga Nai Portable ga Tsuzuku Wake ga Nai | |
Tagapamanihala | Bandai Namco Games |
Tagalathala | Bandai Namco Games |
Genre | Nobelang biswal |
Platform | PlayStation Portable |
Inilabas noong | 17 Mayo 2012 |
Teleseryeng anime | |
Ore no Imōto ga Konnani Kawaii Wake ga Nai. | |
Direktor | Hiroyuki Kanbe |
Prodyuser | Hiroyuki Kanbe |
Iskrip | Hideyuki Kurata |
Estudyo | A-1 Pictures |
Takbo | 7 Abril 2013 – 30 Hunyo 2013 |
Bilang | 13 |
Original net animation | |
Direktor | Hiroyuki Kanbe |
Iskrip | Hideyuki Kurata |
Estudyo | A-1 Pictures |
Inilabas noong | 18 Agosto 2013 |
Bilang | 3 |
Laro | |
Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai Happy End | |
Tagapamanihala | Namco Bandai Games |
Tagalathala | Namco Bandai Games |
Genre | Nobelang biswal |
Platform | PlayStation 3 |
Inilabas noong | 26 Setyembre 2013 |
Ang Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai (俺の妹がこんなに可愛いわけがない, sal. Ang Aking Nakababatang Babaeng Kapatid ay Hindi Maaring Ganitong Kakyut), na kilala rin bilang Ore no Imōto (俺の妹) o Oreimo (俺妹)[1], ay isang nobelang magaan na Hapones na isinulat ni Tsukasa Fushimi at ang mga ilustrasyon ay ginawa ni by Hiro Kanzaki. Sampung bolyum na ang nailathala simula noong Agosto 2008. Isang adapsiyong manga ay idinirowing ni Sakura Ikeda at ininuran sa isang magasin ng ASCII Media Works na Dengeki G's Magazine. Isang adapsiyong anime na may labing-dalawang kabanata ay ginawa ng AIC na ipinalabas sa bansang Hapon noong Oktubre hangang Disyembre 2010. May ipinalabas na apat na karagdagang kabanata sa opisyal na websayt at iba pang bidyo sa mga sayt na nilalaman ang isang alternatibong katapusan sa seryeng anime. Ipinalabas muna ang mga kabantang ito sa mga websayt ng anime noong Pebrero at Mayo 2011 bago ito inilabas sa Blu-ray at DVD Disc noong Hunyo at Hulyo ng 2011. Ipinalabas ang pangalawang seryeng anime na ginawa ng A-1 Pictures, na itatawag na Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai. (na may tuldok sa dulo), mula Abril hanggang Hulyo 2013. Ipinalabas ang karagdagang tatlong kabanata sa online noong 18 Agosto 2013.
Balangkas
Si Kyousuke Kosaka, isang pangkaraniwang 17-taong gulang na nagaaral bilang hayskul sa lungsod ng Chiba,[2] ay hindi magkasundo sa kanyang nakababatang kapatid na babae na si Kirino sa matagal nang panahon. Sa kanyang pagkaalala, si Kirino ay hindi man lang pinapansin ang kanyang kuya. Tila ang relasyon sa pagitan ni Kyousuke at ang kanyang kapatid, ngayong 14 taong gulang na, ay mananatili sa kasalukuyan nitong estado. Isang araw, napulot ni Kyousuke ang isang DVD case ng isang magical girl anime na nahulog sa harapan ng pasukan ng kanilang bahay. Ikinagulat ni Kyousuke, na may nakatagong eroge (isang larong pangmatanda) sa loob ng DVD case at nalaman na ang parehas na ang laro at DVD ay pagaari ni Kirino. Sa gabing iyon, Niyaya ni Kirino si Kyosuke sa kanyang silid at ibinunyag niya na siya ay isang otaku at mayroon siyang malaking koleksiyon ng moe anime at younger sister-themed na eroge na itinatago niya bilang sikreto. Naging katiwala si Kyosuke ng sikretong libangan ng kanyang kapatid.
Mga Tauhan
- Kyosuke Kosaka (高坂 京介 Kosaka Kyosuke)
- Binigyan ng boses ni: Yuichi Nakamura
- Si Kyosuke ang 17-taong gulang na pangunahing tauhan ng Oreimo. Hindi magkasundo si Kyouske sa kanyang kapatid na sa kanyang pananaw ay hindi na magbabago. Nagbago ang kanyang pananaw nang nakita nita ang isa sa kanyang mga eroge at nakipagusap sa kanya at nalaman na siya ay isang otaku. Sa pamamagitan nito, sinusubukan niyang maging isang mabuting kuya ngunit nalaman niyang wala siyang gaanong kaalam-alam sa kanyang kapatid, na siya ay napaka-magaling na mag-aaral hanggang sa pagiging isang modelo. Ipinangako niya na siya na siya ay magiging mas mabuting kuya at mabatid kung ano ang kanyang iniisip o kanyang nais sabihin sa kabila ng kanyang pagiging tsundere. Sa kabila nito mas dominante ang kanyang kapatid sa kanilang relasyon, ipinagtatangol lamang ang kanyang kapatid sa mga seryosong sitwasyon. Sinasabi ni Kyosuke nais niyang mabuhay na mapayapa at simple ngunit napalalim pa ang relasyon niya sa kanyang kapatid sa puntong hinahanap niya ang kanyang kapatid pag siya ay wala sa paligid. Sa Ika-pitong bolyum, Ibinunyag ni Kyosuke ang kanyang pagmamahal kay Kuroneko at nagsimulang magdate, ngunit humiwalay sila sa ika-walong bolyum.
- Kirino Kosaka (高坂 桐乃 Kosaka Kirino)
- Binigyan ng boses ni: Ayana Taketatsu
- Si Kirino ang 14-taong gulang na nakakabatang kapatid na babae ni Kyosuke. Siya ay matuturing may personalidad na tsundere. Mayroon siyang sikreto na siya ay isang otaku na may obsesyon sa mga "little sister"-themed eroge at sa pambatang seryeng anime na sa ngalang Stardust Witch Meruru. Nagtatrabaho siyang bilang photoshoot model at naging manunulat ng nobela, para matustus ang kanyang libangan. Sa kabila ng kanyang pagkalibang, sinabi niya na hindi siya tiyak kung bakit niya itong nagustuhan at itinangi ang pagkakaroon ng isang brother complex, na sanyang pananaw na ang mundong 2D at 3D ay dapat manatiling magkahiwalay. Gayon pa man, ipinakita na siya ay naiinis pag nakikita si Kyousuke kasama ang ibang babae o kung may pinapakita silang interest sa kanyang kapatid, katulad ni Manami, na inaakusa niyang "nakakagusto" kay Kyosuke. Gayon din naman, palagi niyang ipinipilit ang kanyang kuya na samahan siya sa paglalaro ng mga larong bidyo o sa pamamsyal, ngunit itinatangi niyang masaya siya pag kasama niya ang kanyang kuya. Sa kabila ng kanyang pagtutungo sa kanyang kuya, siya ay nagpapasalamat sa kanyang kuya at maging ipinapahin niya pa ang kanyang sariling loob sa publiko para lamang mapatunayan na siya ay hindi lamang makasarili at ibingyan niya pa ang kanyang kuya niya ng regalo bilang pasasalamat. Iginigiit niya na nagustuhan niya ang mga eroge dahil lamang sa mga kyut na karakter ng mga ito. Gumagamit siya ng bansag na Kiririn pag kasama niya ang mga otaku niyang kaiibigan. Sa ika-pitong bolyum, nagpanggap siya na may boypren para maselos si Kyosuke.
- Manami Tamura (田村 麻奈実 Tamura Manami)
- Binigyan ng boses ni: Satomi Satō
- Si Manami ay matagal ng kaiibigan ni Kyosuke simula pa ng kanilang pagkabata. Nakasuot siya ng salamin at inilalarawan siyang "simple", na sa tingin niya ay isang papuri mula kay Kyousuke. Mayroon siyang pagkagusto kay Kyousuke at ang mukha niya ay namumula sa mga papuri ng kanyang kaibigan. Dahil sa matagal na panahon na silang nagsasama, sa iniisip ng marami na sila ay nagdedeyt; kahit ang lolo at lola ni Manami, na sa tingin nila na dapat na silang magpakasal dahil itinuturi na siyang parte ng kanilang pamilya. Ayon kay Kyousuke, kahit na matalik lamang na kaibigan ang tingin niya kay Manami, ayaw niya ang ideya na may boypren si Manami sa anumang dahilang hindi sinabi. Hindi alam ni Kyousuke na si Manami ay sinusubukang mapalapit sa kanya sa paggawa ng mga bagay na ang mga mag-asawa at na handa siyang gumawa ng mga bagay tulda ng pagluluto at paglilinis para makalugod kay Kyousuke. Ayon kay Kyousuke, ang kanyang pamamaraan ng pagsasalita ay kapara ng isang matandang babae o lola. Ang matagal na pagkakaibigan ni Kyousuke kay Manami ay nagdulot sa kanya na magkaroon lamang ng kaunting oras para sa kanyang kapatid na si Kirino bago ang simula ng serye, ito ang nagpapaliwanag sa pagsuspetsya ni Kirino kay Manami, na sa tingin niya ay isa siyang kapalit na kapatid kay Kyousuke. Sa ika-walong bolyum ng magaang nobela, ibinunyag ni Manami ang kanyang nararamdaman kay Kyousuke.
- Saori Makishima (槇島 沙織 Makishima Saori) / Saori Bajeena (沙織・バジーナ Saori Bajīna)
- Binigyan ng boses ni: Hitomi Nabatame
- Si Saori ang lider ng grupong "Anime Girls Unite!" sa Internet, na siyang nakita ni Kirino sa isang meet-up. Siya ay nakusuot na isang makapal na salamin (ipinapakita bilang mga "swirl") at nagsasalita sa malabis na pamamaraan. Siya ay isang taghanga ng Gundam (ang kanyang bansag ay base sa karakter na si, Quattro Bajeena) at isa ring kolektor ng kanilang model kits. Sa kabila ng kanyang pangkaraniwang paglabas sa publiko, Si Saori ay galing sa isang mayamang pamilya, at nagsasalita na napakapormal pag hindi kasama ang kanyang mga kaibigan. Siya ay napakatangkad at karaniwang kailanga niyang magpatahi para sa cosplay. Ayon kay Kyousuke, malaki ang pinagkaiba kung paanong nakikipag-ugnayan si Saori sa Internet, sa telepono o sa personal, na tilang nagbabago sa pagitan ng repinado at sopistikadong persona. Ayon kay Kyouske sa maagang nobela, na ang kanyang bihis ay tipikal para sa mga otaku sa telebisyon ngunit may katawan ng isang supermodel. Sa kabila ng kanyang pagiging kasing tanda ni Kirino at Kuruneko, kasing-tangkad niya si Kyousuke, na ikinagulat ni Kyousuke sa una nilang pagkita. Sa kabila ng kanyang pagiging masayahain, Si Saori ay nalulumbay, namumuhay na magisa, at nagaalala na sa isang araw , iiwanin siya ng kanyang mga tunay na kaibigan (Kirino, Kyousuke at si Ruri) tulad nang iniwan siya ng kanyang ate, na nagpakasal.
- Ruri Goko (五更 瑠璃 Gokō Ruri) / Kuroneko (黒猫, lit. Itim na Pusa)
- Binigyan ng boses ni: Kana Hanazawa
- Si Ruri ay isang pang otaku na nakatira malapit kay Kirino at mamayang nag-enrol sa paaralan ni Kyousukeis another otaku girl who lives near Kirino and later enrolls into Kyosuke's school. Kaaraniwan siyang nakasuot ng gothic lolita na pananamit base sa isang karakter sa kanyang paboritong anime, kahit sa mainit na panahon at minsan dadagdagan pa ng tenga at buntot ng pusa. Dahil sa parehas sila ni Kirino na may pagkatypong tsundere na personalidad, pinag-aawayan nila ang halos lahat ng bagay. Mapgmalaki si Kuroneko tulad ni Kirino ngunit handang ipasatabi ang kayabangan upang matamo ang isang hangarin. Si Kurneko ay mahilig sa teen-centered na anime na pantasya, hindi katulad ni Kirino na mahilig sa little sister-themed na eroge at magical girl na anime. Binabangit niya ang "dark magic", na iginigiit niyang meron siya ito, karaniwan kay Kirino o kay Kyousuke. Kilala siya sa kanyang malawak na bokabularyo, na ayon kay Kirino na kailangan niya pa ng diksyunaryo upang maiintidihan ang kanyang nobela. Nakasuot talaga si Kuroneko ng mga pulang contact lense para gawing pula ang kanyang bughaw na mata. Si Kuruneko ay mayroon ring mga nakababatang kapatid na babae na sina Hinata (日向) at Tamaki (珠希) na pinahahalagaan ni Kuroneko, ngunit ang kanyang mga kapatid at nanay ay nagaalala kapag si Ruru ay nasa kanyang "otaku mode". Sa paaralan, Si Kuroneko ay nakasuot ng uniporme at sa bahay, inaalagaan ang kanyang mga kapatid. Sa malapit sa bandang huli ng anime, tinawag niya si Kyousuke na "Nii-san" dahil sa kanyang hiling na magkaroon ng kuya at tila para mapaiinis si Kirino, habang ipinapakita na may apeksiyon siya para kay Kyousuke. Pagkatapos niyang pumasok sa paaralan ni Kyousuke, sumali siya sa isang klub ng mga larong bidyo. Magaling siya sa paglalaro ng mga larong bidyo. Hinalik ni Kuroneko si Kyousuke sa pisnge sa mamayang bahagi ng serye. Siya ang unang mangliligaw ni Kyousuke sa ika-pitong bolyum ng magaang nobela ngunit sila ay naghiwalay sa ika-walong bolyum.
- Ayase Aragaki (新垣 あやせ Aragaki Ayase)
- Binigyan ng boses ni: Saori Hayami
- Si Ayase ay kaibigan at kaklase ni Kirino na nagtatrabaho rin bilang model katulad niya. Siya ang pinakamatalik niyang kaibigan. Si Ayase ay isang pala-kaibigan, mabait at repinadong dalaga, ngunit siya ay naiinis at minsan nagiging biolente sa kaisipang pinag-sisinungalingan siya, na ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Madali siyang mapaniwala sa mga nakikita niya sa mga balita, kaya hindi niya pinahihintulutan ang anime at manga, na isang walang kuwentang libangan, lalo na ang eroge dahil sa pagpapalabas ng medya na ang mga otaku ay magiging mga kriminal. Dati, mayroon siyang simpleng pagkagusto kay Kyousukem na iniisip niya bilang isang mabait na kuya kay Kitino. Ang lahat na iyon ay nagbago nang nalaman niya ang libangang otaku ni Kirino at kung gaanong sinusuportahan ni Kyousuke ang libangan niyang ito. Sa kabila ng mga nangyaring pagbubunyag, lumapit si Ayase kay Kyousuke kapag kailangan niya magtanong ukol sa libangan ni Kirino at humingi pa ng tulong si Ayase makipagbati kay Kirino. Masama pa rin ang loob ni Ayase kay Kyousuke, na siya ang kanyang pinaniniwalaang dahilan ng pagiging otaku ni Kirino. Magkakaibigan rin si Ayase kay Manami at nakipagpalitan pa sila ng number.
- Kanako Kurusu (来栖 加奈子 Kurusu Kanako)
- Boses ni: Yukari Tamura
- Si Kanako ay kapwang kaibigan, kaklase at modelo nina Kirino at Ayase, na siyang may pakyut na personalidad o namang mahamak na personalidad depende sa sitwasyon. Isa siyang magaling na tagapagawit at hinahangad niyang maging isang idol kaya palaging pumupunta sa mga audition. Dahil kumakanta siya palagi sa karaoke, may kakayahang siyang lubusang maalala ang isang kanta kahit isang beses lamang niya itong narinig. Wala siyang alam sa libangan ni Kirino at sa kanyang tingin na pangbata lamang ang anime at ang pagiging otaku ang hindi katangap-tangap, ngunit sa isang okasyon siya ay pinilitang mag-cosplay bilang Meruru, ang paboritong karakter ni Kirino, para sa isang paligsahan at siya ay nanalot. Sa kabila ng kaniyang pagkapanalo, hindi niya matanggap ang kanyang pinagdaanan ngunit gusto niya ang ideya na siya ay pinupuri at ang paligsahan ay tumulong pa sa kanyang kareer.
- Daisuke Kosaka (高坂 大介 Kōsaka Daisuke)
- Binigyan ng boses ni: Fumihiko Tachiki
- Siya ang dominanteng tatay nina Kirino at Kyosuke. Siya ay isang mataas na opisyal sa polisya at siya ay napaka-istriktong tatay sa bahay. Hindi niya nais ang pagiging modelo ni Kirino, ngunit pinahihintulutan siya kung siya ay magaaral ng mabuti sa paaralan. Higit niyang tinututol ang otaku, na sa kanyang paniniwala ay isang malaking aksaya ng panahon kaya nang nalaman niya na isang otaku si Kirino, inutusan niya agad si Kirino na itapon ang kahit anong mag kinalaman sa otaku sa kanyang kuwarto. Pagkatapos sinagot ng kanyang anak na si Kyousuke, pinayagan niyang itago ni Kirino ang kanyang mga gamit maliban lamang sa mga eroge, ngunit naipagtangol ni Kyousuke ang eroge ni Kirino at iginiit na sa kanya ito. Sa kabila ng kanyang pagkasungit, tunay na may pakialam siya kay Kirino at sa katunayan mayroon siyang koleksiyon ng bawat isang artikulo at litrato ng lahat ng mga kaganapan ni Kirino.
- Yoshino Kosaka (高坂 佳乃 Kōsaka Yoshino)
- Binigyan ng boses ni: Akeno Watanabe
- Siya ang nagmamahal na ina nina Kirino at Kyosuke. Alam na alam niya ang libangan ng kanyang babaeng anak, at itinatawag pa siyang "ang aking otaku na anak". Alam niya ang mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan at tumutulong mapanatili ang kapayapaan sa bahay.
- Iwao Tamura (田村 いわお Tamura Iwao)
- Boses ni: Hiromi Ohtsuda
- Ang nakakabatang kapatid na lalaki ni Manami, na palaging sinusubukang makibagay sa uso. Mayroon siyang buzzcut na gupit ngunit kombinsado siya na mayroon siyang gupit na skinhead.
- Kouhei Akagi (赤城 浩平 Akagi Kōhei)
- Boses ni: Junji Majima
- Ang kaklase ni Kyosuke, na katulad ni Kyousuke, sinusuportahan ang libangan ng kanyang nakababatang kapatid na babae sa eroge. Mas malapit si Kohei sa kanyang kapatid kumpara kina Kyousuke at Kirino ngunit kinokonsidera sila ni Kyousuke na siscon.
- Gennosuke Miura (三浦 絃之介 Miura Gennosuke)
- Boses ni: Go Inoue
- Ang pangulo ng Games Research club sa paaralan ni Kyosuke, kung saan kasapi sina Kyousuke at si Ruri. Tagasunod siya ng mga little sister-themed na eroge. Nakita siya ni Kyosuke nang humiram si Kyousuke ng bisikleta sa kanya para makauwi si Kyousuke sa isang hatinggabi na pagpapalabas ng eroge.
- Sena Akagi (赤城 瀬菜 Akagi Sena)
- Boses ni: Mariya Ise
- Ang nakababatang kapatid na babae ni Kouhei at miyembro ng Games Research club, at kaklase rin ni Ruri. Katulad ni Kirino, mahilig rin siya sa eroge, ngunit mas nais niya ang hardcore yaoi genre hangang sa puntong pinagiisipan niya ang kanyang mga kamiyembro sa klub, na ipinapares niya ang kanyang kuya kay Kyousuke na may homosekwal na relasyon at halatang nadidismaya pag iginigiit ni Kyousuke na siya heterosekwal. Ang relasyon niya sa kanyang kuya ay matibay ngunit hindi rin malinaw. Sumali siya sa Games Research club para malaman kung paano maging game designer. Siya ay magaling rin sa mga larong bidyo, na siya ang may pinakamataas na puntos sa isang laro bago ito natalo ni Ruri.Bihasa siya sa programing, na may kakayahang mag-debug ng walang masyadong pagsisikap.
- Kaede Makabe (真壁 楓 Makabe Kaede)
- Boses ni: Yoshitsugu Matsuoka
- Si Kaede ay isang second year na miyembro ng Games Research club, at ang pinaka-pangkaraniwang miyembro klab. Nagdate kay Sena sa bolyum 12 at tinawag si Kōhei na"Aniki".
- Iori Fate Setsuna (伊織・フェイト・刹那 Iori Feito Setsuna)
- Boses ni: Shizuka Itō
- Si Iori ang patnugot na naglathala ng gawa ni Kirino. Sa nobelang magaan, ninakaw niya ang gawa ni Kirino at ipinalabas niya ito bilang kanyang sariling gawa.
- Misaki Fujima (藤真 美咲 Fujima Misaki)
- Boses ni: Yū Asakawa
- Si Misaki ang presidente ng Eternal Blue na sinubukang hikayatin si Kirino na ipagpatuloy niya ang trabaho niya bilang model sa ibang bansa.\
- Kōki Mikagami (御鏡 光輝 Mikagami Kōki)
- Boses ni: Yūichi Iguchi
- SI Kōki ay isang model na isang sikretong otaku. Pinakausapan siya ni Kirino na maging pekeng kasintahan niya para iparamdam kay Kyousuke ang nararamdaman niya kung siya ay kasama ng ibang babae. Mamaya, naging magkaibigan sila nina Kyousuke at tinulungan siya ng maraming beses katulad ng pagbibigay ng payo sa pag-date. Ngunit siya ay naging pabigat kay Kyosuke, katulad ng isang pagkakataon na binigyan niya si Kyousuke ng mga mahal na pigurin mula sa mga larong pangmatanda bilang regalo.
- Hinata Gokō (五更 日向 Gokō Hinata)
- Boses ni: Kana Hanazawa
- Ang panganay sa dalawang nakakabatang babaeng kapatid ni Ruri. Kahit sa kanyang batang edad, alam niya ang pinagdadaanan ng kanyang ate. Akala niya na ang kasintahan ng kanyang ate, na si Kyousuke, ay isa lamang produkto ng haraya ng kanyang ate, at siya ay nagulat na nalaman niya na totoo si Kyousuke. Nauunawaan niya rin ang mga pangyayaring may kinalaman sa pag-break nila Kyousuke at ng kanyang ate na si Ruri.
- Tamaki Gokō (五更 珠希 Gokō Tamaki)
- Boses ni: Yui Ogura
- Ang bunsong kapatid ni Ruri. Natakot siya sa kay Kirino dahil sa sister complex ni Kirino. Mahal niya ang kanyang mga ate at kasundo niya si Kyousuke.
- Bridget Evans (ブリジット・エヴァンス Burijitto Evuansu)
- Boses ni: Misaki Kuno
- Si Bridget ang nanalo sa unang Meruru cosplay event. Ngunit natalo siya kay Kanako sa pangalwang edisyon ng kompetisyon. Nagkasundo sila nila Kanako.
- Ria Hagry (リア・ハグリィ Ria Haguryi)
- Boses ni: Ibuki Kido
- Si Ria ang ka-roomate ni Kirino habang ang kanyang pagpapanatili niya sa Estados Unidos na nilaan ang kanyang buong buhay sa pagtatakbo. Tinaguriang pinakamabilis na mananakbo na grade school. Naunahan siya ni Kirino ng isang beses nang sinundo ni Kyousuke si Kirino mula sa Estados Unidos. Pumunta si Ria sa bansang Hapon upang bumawa sa kanyang huling talo at upang malaman kung paanon naging mabilis si Kirino. Tagumpay niya itong nagawa.
- Kaori Makishima (槇島 香織 Makishima Kaori)
- Boses ni: Houko Kuwashima
- Si Kaori ang ate ni Saori, ang naggawa ng samahang Pretty Garden, na nilahukan ni Saori. Ngunit nagiwan siya ng masamang bakas kay Saori nang umalis siya sa ibang bansa, na nagdulot ng pagbuwag ng Pretty Garden. Ito ay kinalungkot ni Saori, at nag-impluwensiya kay Saori na gumawa ng sariling grupo. Ibinuyag na matapos na mawakasan ang di-pagkaunawaan sa pagitan ng magkakapatid, sila ay naging mas-magkasundo.
- Kanata Kurusu (来栖 彼方 Kurusu Kanata)
- Boses ni: Rie Kugimiya
- Ang ate ni Kanako. Isang awtor ng manga at isang prominenteng miyembro ng Pretty Garden. Siya ang pinakamalaking impluwensiya sa pagiging otaku ni Saori.
- Shinya Sanada (真田 信也 Sanada Shinya)
- Boses ni: Masayuki Katō
- Si Shinya ay isa pang prominenteng miyembro ng Pretty Garden.
- Sayaka Kakei (筧 沙也加 Kakei Sayaka)
- Si Sayaka ang may-ari ng fan blog ni Ayase na lihim na sumusumbabay kay Ayase. Humahanga si Sayaka kay Ayase. at siya ay nalungkot mapagkamalan niya na sinumulan ni Ayase na mag-date kay Kyousuke dahil araw-araw si Ayase na bumibisita sa bahay ni Kyousuke habang nagaaral si Kyousuke para sa kanyang mock-exam. Inayos ni Kyousuke ang relasyon sa pagitan ni Sayaka at at Ayase at sinabi ni Sayaka na gusto niya maging isang potograpo.
- Akimi Sakurai (櫻井 秋美 Sakurai Akimi)
- Si Akimi ang dating kaklase ni Kyousuke na ayaw pumunta sa paaralan noong nasa middle school sila. Pagkatapos ng ilang beses na pagkumbinsi, nagkumbinsi ni Kyousuke na siya ay pumunta sa paaralan at pineke pa ang lagda ng kanyang magulang para lamang maisama siya sa field trip. Ngunit noong field trip, Nasaktan si Akimi pagkatapos na mahulog mula sa isang puno sa isang pinagbabawalang lugar, kung saan siya dinala ni Kyousuke. Dahil doon, nilipat si Akimi ng paaralan ng kanyang mga magulang at pinagbawalan siyang makipagsalamuha kay Kyousuke muli, na nagdulot sa pagbabago ng personalidad ni Kyousuke. Tatlong taong nakakalipas matapos ang insidente, nahanap ni akimi si Kyousuke, at nagtapat siya ng kanyang nararamdaman kay Kyousuke, ngunit binusted siya ni Kyousuke.
Talababa
- ↑ "「俺妹」×「禁書」コラボ広告 掲載" [Oreimo x Kinsho Collaboration Ad is Published] (sa wikang Hapones). Aniplex. 27 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-25. Nakuha noong 12 Pebrero 2011.
{cite web}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-10-25 sa Wayback Machine. - ↑ Fushimi, Tsukasa. "3". Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai. Bol. 3. p. 150.
「いちいち感想呟かなくていいからね? 黙ってればカッペだってことはバレないんだからさー、もうあんた一人で千葉に帰れば?」
Mga kawing panlabas
- Opisyal na websayt Naka-arkibo 2018-10-14 sa Wayback Machine. (sa Hapones)
- Opisyal na websayt ng Anime (sa Hapones)
- Opisyal na websayt ng nobelang biswal (sa Hapones)
- Oreimo (anime) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles)