Ortodoksong Siryang Katedral ng Santo Tomas, Mulanthuruthy
Ortodoksong Katedral ng Santo Romas | |
---|---|
11°10′30″N 75°55′07″E / 11.1750°N 75.9187°E | |
Lokasyon | Mulanthuruthy, Distrito ng Ernakulam, Kerala |
Bansa | India |
Denominasyon | Simbahang Oartodoksong Sirya |
Tradisyon | Siriaco, Malayalam |
Kasaysayan | |
Itinatag | 1100 AD |
Dedikasyon | Santo Tomas |
Pamamahala | |
Diyosesis | Diyosesis ng Kochi |
Ang Ortodoksong Siryang Katedral ng Santo Tomas ng Mulanthuruthy ay matatagpuan sa Mulanthuruthy sa Distrito ng Ernakulam ng Kerala. Ang Simbahan ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Simbahang Ortodoksong Sirya at ito ay isang sentro ng peregrinasyon para sa parehong miyembro ng Simbahang Orthodokso ng India at Simbahang Kristiyanong Sirya.[1] at ito ang tahanan ng parokya ni San Gheevarghese Mar Gregorios ng Parumala, isang pinuno ng relihiyon ng Simbahang Ortodoksong Sirya at noong 10 Disyembre 1876, isinulong ng Patriyarko ng Antioquia, na si Ignatius Peter III, ang 28-taong gulang na Gregorios upang maging isang obispo, sa puntong iyon ang kaniyang opisyal na pangalan ay naging Geevarghese Mar Gregorios. Ang kaniyang kabataan ay dahilan upang siya ay tukuyin bilang Kochu Thirumeni (Batang Obispo).
Ang simbahan ay itinayo noong 1550 ng Knanaya Tharakan (ministro) na Kunchacko ng pamilya Kunnassery. Dahil sa isang pagtatalo sa pagitan ng mga Siryanong Kristiyano at ng Kaharian ng Vadakkumkur, tinipon ni Kunchacko ay ang Knanaya ng Simbahang Kaduthuruthy pati na rin ang lahat ng mga Kristiyanong Siryano na mahahanap niya sa loob ng Vadakkankur at inilipat sila sa Mulanthuruthy. Pagdating ni Kunchacko ay pinahintulutan ang pagbuo ng Simbahan ng Mulanthuruthy. Nang maglaon ang Knanaya ay tinawag pabalik sa kanilang sariling simbahan ng Kaduthuruthy ng mga inapo ni Haring Vadakkumkur, na iniwan ang Simbahan ng Mulanthuruthy sa pangangalaga ng mga Kristiyanong Syriano na nanatili doon.[2][3]
Ang isang kapansin-pansin na tampok ng simbahang ito ay isang relikya ni Tomas ang Alagad, na dinala mula sa Mosul at ibinigay bilang regalong noon ng Patriyarko ng Antioquia, ang pinuno ng mga Simbahang Ortodoksong Sirya.[2]
Ang Simbahan ng Mulanthuruthy ay ang pook ng Mulanthuruthy Sunnahados na isinagawa noong taong 1876.[kailangan ng sanggunian] Matatagpuan 32 kilometro (20 mi) mula sa Paliparang Pandaigdig ng Cochin, bumibisita ang mga peregrino upang tingnan ang mga mural at libingan ng iba't ibang mga Banal na Ama mula sa simbahan ng Antioquia, na naglakbay mula sa iba't ibang bahagi ng mundo patungo sa Simbahang Ortodoksong Sirya sa Kerala sa ilalim ng utos ng mga patriarko noon ng Antioquia . Ang simbahang ito ay binubuo ng higit sa 3500+ Kristiyanong Jacobitang Ortodoksong Siyrang pamilya.[kailangan ng sanggunian] Ang Katedral ng Marthomnan ay mayroon ding mga kaso na nauugnay sa pagtatalo sa pagitan ng mga opisyal at rebeldeng grupo ng Simbahang Malankara. Sa ngayon ang simbahan ay nasa ilalim ng napakalaking kaso ng korte na may ilang miyembro ng Simbahang Ortodoksong Indiano na mayroong mas mababa sa 120 mga miyembro ang nakikipaglaban upang makuha ang awtoridad ng sinaunang simbahan mula sa mga miyembro ng Jacobita na higit sa 3500+ pamilya, na humantong napakalaking pagpuna mula sa lipunan at iba pang mga pandaigdigang larangan.
Galeriya
-
Loob
-
Harapan
-
Simbahang Pallimeda Mulanthuruthy
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ Thomas Joseph. "Marthoman Church,Mulanthuruthy". sor.cua.edu. Nakuha noong 2014-06-06.
- ↑ 2.0 2.1 Karukaparambil 2005, p. 150.
- ↑ Whitehouse 1873, p. 125.
- Karukaparambil, George (2005). Marganitha Kynanaitha: Knanaya Pearl. Deepika Book House. ASIN B076GCH274.
- Whitehouse, Richard (1873). Lingerings of Light in a Dark Land: Being Researchs Into the Past History and Present Condition of the Syrian Church of Malabar. Kessinger Publishing. ISBN 116492317X.