Pagdidiyeta

Ang pagdidiyeta ay ang kasanayan sa pagkain na isinasaayos at pinamamahala upang bawasan, panatalihin o dagdagan ang bigat ng katawan. Sa ibang salita, ito ang sinadyang pagpigil o kontrol sa diyeta. Kadalasan ginagamit ng mga taong labis ang timbang o napakataba ang pagdidiyeta na sinasamahan minsan ng ehersisyong pisikal upang mabawasan ang timbang. May mga tao na sinusunod ang isang diyeta upang madaragdagan ang timbang (kadalasan sa anyo ng kalamnan). Ginagamit din ang pagdidiyeta upang mapanatili ang tamang timbang ng katawan.

Nauuri ang mga diyeta na nagsusulong sa pagpapayat sa: mababang-taba, mababang-karbohidrata, mababang-kalorya, masyadong mababang kalorya at pagdidiyeta na nababagay sa pangyayari.[1] Napag-alaman sa isang pasusuring meta ng anim na wala-piling kontroladong pagsubok na walang pagkakaiba sa pagitan ng mababang-kalorya, mababang-karbohidrata, at mababang-taba na mga diyeta na kasama ang isang 2-4 kilogramo na bawas sa timbang sa loob ng 12-18 na buwan sa lahat ng mga pag-aaral.[1] Sa dalawang taon, lahat ng mga diyeta na binabawasan ng kalorya ay nagdudulot ng parehong pagbawas sa timbang kahit na di isaalang-alang ang pagbibigay-diin sa mga macronutrient.[2] Sa pangkalahatan, ang pinaka-epektibong diyeta ay pagbabawas ng pagkonsumo ng kalorya.[3]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Strychar I (Enero 2006). "Diet in the management of weight loss". CMAJ (sa wikang Ingles). 174 (1): 56–63. doi:10.1503/cmaj.045037. PMC 1319349. PMID 16389240.
  2. Sacks FM, Bray GA, Carey VJ (Pebrero 2009). "Comparison of Weight-Loss Diets with Different Compositions of Fat, Protein, and Carbohydrates". N. Engl. J. Med. (sa wikang Ingles). 360 (9): 859–73. doi:10.1056/NEJMoa0804748. PMC 2763382. PMID 19246357. {cite journal}: Unknown parameter |displayauthors= ignored (|display-authors= suggested) (tulong)
  3. Guth, Eve (3 September 2014). "Healthy Weight Loss". JAMA (sa wikang Ingles). 312 (9): 974. doi:10.1001/jama.2014.10929. PMID 25182116. Nakuha noong 29 Nobyembre 2014.

Mga kawing panlabas