Paghihintay kay Godo

Isang eksena sa Paghihintay kay Godo, na nagpapakita ng pagbuno ng tatlong lalaki kay Lucky (nasa gitna), isang tauhan sa dula, pagkaraan ng kanyang monologo.

Ang Paghihintay kay Godo[1] o Pag-aabang kay Godo (maaari ring Naghihintay kay Godo o Nag-aabang kay Godo), mula sa orihinal na pamagat sa Ingles na Waiting for Godot (/'gɒdoʊ/) ay isang dulang pangtanghalan ni Samuel Beckett, kung saan dalawang tauhan, sina Vladimir at Estragon, ang naghihintay sa isang taong nagngangalang Godo o Godot. Humantong sa maraming iba-ibang mga pag-unawa o interpretasyon ang hindi lumilitaw na si Godo, hindi paglitaw o hindi pag-iral ni Godo, maging ang iba pang maraming mga aspeto ng dula, mula pa noong unang pagpapalabas nito sa tanghalan. Nahalal ito bilang isa sa pinakamahalagang dula sa wikang Ingles ng ika-20 daang taon[2], isang pagsasalinwika ni Becket ang Waiting for Godot ng kanyang sariling orihinal na bersyong nasa wikang Pranses, ang En attendant Godot. Sa Ingles lamang matatagpuan ang pagkakaroon ng kabahaging pamagat o subtitulong "a tragicomedy in two acts" o isang trahedya-komedyang may dalawang akto o isang trahikomedyang may dalawang akto.[3] Nilikha ang orihinal na tekstong Pranses sa pagitan ng 9 Oktubre 1948 at 29 Enero 1949.[4] Una itong naipalabas noong 5 Enero 1953 sa tanghalang may pangalang Théâtre de Babylone (Tanghalan ng Babilonya). Nasa ilalim ng direksiyon ni Roger Blin ang produksiyon, na siya rin gumanap ng gampanin bilang Pozzo.

Sa Pilipinas, si Rolando S. Tinio ang nagdisenyo ng entablado at mga kasuotan ng pagtatanghal ng Paghihintay Kay Godo at ibang pang mga pagtatanghal ng Teatro Pilipino.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Pagbabaybay ng pangalan, salin ng pamagat, at kabatiran mula sa artikulong tungkol kay Rolando S. Tinio.
  2. Berlin, N., "Traffic of our stage: Why Waiting for Godot?" Naka-arkibo 2007-08-04 sa Wayback Machine. sa The Massachusetts Review, Taglagas 1999
  3. Ackerley, C. J. at S. E. Gontarski, (mga patnugot). The Faber Companion to Samuel Beckett (Londres: Faber at Faber, 2006), pahina 620.
  4. Ackerley at Gontarski 2006, pahina 172.