Pagkakaibang pangkasarian sa tao

Ang anatomiya ng lalaki at ng babae. Unawain na ang mga modelong ito ay inahitan ng buhok sa katawan at ng panlalaking buhok sa mukha at binawasan ang buhok sa ulo.

Ang pagkakaibang pangkasarian o kaibahang pangkasarian ay isang kaibahan ng mga katangiang pambiyolohiya at/o pisyolohikal na may kaugnayan sa kalalakihan o sa kababaihan ng isang espesye. Maaari itong ilang mga uri, kabilang na ang tuwiran at hindi tuwiran. Ang tuwirang uri ay ang tuwirang resulta ng mga pagkakaiba na inaatas ng kromosomang Y, at ang hindi tuwiran ay ang katangiang hindi tuwirang naimpluwensiyahan (iyong sa pamamagitan ng hormon) ng kromosomang Y. Ang Dimorpismong seksuwal ay isang kataga para sa penotipikong kaibahan sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae ng magkatulad na mga espesye.

Ang tuwirang kaibahang pangkasarian ay sumusunod sa isang distribusyong binaryo. Sa pamamagitan ng proseso ng meiosis at pertilisasyon (na may bihirang mga eksepsiyon), ang bawat indibidwal ay nalilikha na may wala o may isang kromosomang Y. Ang resultang kumplementaryo para sa kromosomang X, na maaaring dalawa o mag-isang X. Kung gayon, ang tuwirang pagkakaiba ng kasarian ay karaniwang binaryo o dalawahan sa paglalahad (bagaman ang mga paglihis sa masasalimuot na mga prosesong biyolohikal ay nakagagawa ng isang kalipunan ng mga pagliliban o eksepsiyon). Kabilang dito, na pinaka kapuna-puna, ang mga gonad ng lalaki (laban sa ng babae).

Ang hindi tuwirang mga pagkakaibang pangkasarian ay pangkalahatang kaibahan sa klase, na tiniyak ang dami ng datong empirikal at analisis na pang-estadistika. Ang mga pinaka kakaibang mga katangian ay aalinsunod sa pagpapamudmod na kurba ng kampana (iyong tinatawag na normal) na maaaring malawakang mailalarawan sa pamamagitan ng mean o panggitnang (karurukan ng pagkakapamudmod) at pampamantayan o saligan paglihis (debyasyon, palatandaan ng sukat o laki ng sakop). Sa kadalasan, tanging ang mean o kaibahan ng kagitnaan lamang sa pagitan ng mga kasarian ang ibinibigay. Maaari o hindi ito maaaring magpauna sa pagpapatung-patong (pagsasalabat-salabat) ng mga pagpapamahagi. Halimbawa, sa pangkaraniwan, ang mga lalaki ay mas matangkad kaysa sa mga babae,[1] ngunit ang isang babaeng indibidwal ay maaaring mas matangkad kaysa sa isang lalaking indibidwal.

Ang pinaka halatang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae ay kinabibilangan ng lahat ng mga tampok na may kaugnayan sa gampaning pangreproduksiyon, natatangi na ang mga sistemang endokrin (hormonal) at ang kanilang mga epektong pampisyolohiya at pangkaasalan, kasama na ang mga kaibahang panggonad, panloob at panlabas na mga pagkakaibang panghenitalya at pangsuso (pangdibdib), ang pagkakaiba o diperensiyasyon ng masa (bunton o salansan) ng mga masel, taas, at pagkalat ng buhok.

Mga sanggunian

  1. Gustafsson A & Lindenfors P (2004). "Human size evolution: no allometric relationship between male and female stature". Journal of Human Evolution. 47 (4): 253–266. doi:10.1016/j.jhevol.2004.07.004. PMID 15454336.