Pagpapalaki ng suso

Ang hitsura ng isang babaeng sumailalim sa operasyon ng pagtatanggal ng isang suso o mastektomiya; ang babaeng ito ay kandidato upang sumailalim naman sa operasyon ng pagpapalaman sa kanang suso upang magmukhang normal muli ang kanyang dibdib.
Palaman sa suso: ang wangis ng mga suso ng isang babae bago operahan (kaliwa) at ang anyo ng mga suso ng isang babaeng naoperahan na at may mga pampuno sa suso na yari sa gulamang silikon (500 cc).

Ang pampalaki ng suso (Ingles: breast implant, literal na "implantang suso", "pantanim sa suso", "pampalaman ng/sa suso", o "pampuno ng/sa suso") ay isang pangmedisinang prostesis na ginagamit upang maitama ang sukat, anyo, o pandama ng mga suso ng isang babae pagkaraan ng mastektomiya at ng rekonstruksiyon ng suso; para sa pagtatama ng depektong konhenital at depormidad (konhenital na abnormalidad ng dingding ng dibdib); para estetikong augmentasyon ng suso (pagpupuno ng suso); at para sa paglikha ng mga suso sa pasyenteng sumailalim sa siruhiya ng pagtatakda o pagpapalit ng kasarian (tanseksuwal na lalaking naging babae). Mayroong tatlong pangkalahatang mga uri ng kasangkapang pampuno ng suso (breast implant device), na batay ang kahulugan sa pampunong materyal: salina, silikon, at komposito. Ang implantang salina o pampunong salina ay may balamban na silikong elastomer na pinuno o pinalamanan ng isterilisadong solusyong salina; ang implantang silikon ay mayroong balot na silikong elastomer na puno ng malapot na gulamang silikon; at ang implantang may alternatibong komposisyon o pamalit na kabuuan o pampalit na kalamnan ay may tampok na mga pampunong samu't sari, katulad ng langis ng balatong (may langis ng soy), polypropylene (polipropilina), at iba pa. Sa gawaing pangsiruhiya, para sa muling pagbubuo ng isang suso, ang kasangkapang pambanat ng tisyu ay isang pansamantalang prostesis na suso na ginagamit upang bumuo at magtatag ng isang bulsa para sa palaman para sa permanente o pangmatagalang palaman sa suso. Para sa pagtatama ng suso ng lalaki at mga depekto at kapansanan (depormidad) ng dingding ng dibdib, ang implantang pektoral ay ang prostesis na susong ginagamit para sa rekonstruksiyon at pagkukumpuning pang-estetiko ng dibdib ng isang lalaki. (Tingnan ang gynecomastia at mastopexy).

Tingnan din

Mga sanggunian