Pala (panghukay)
Ang isang pala ay isang kagamitan para sa paghukay, pagbuhat, at paglipat ng mga tumpok na materyales, tulad ng lupa, uling, graba, niyebe, buhangin o mineral.
Karamihan sa mga pala ay kagamitan pangkamay na binubuo ng malapad na talim o ulo na nakakabit sa isang hawakan na may katamtamang haba. Ang talim nito ay kadalasang yari sa pilas ng metal o matigas na plastik at napakatibay. Kadalasang yari sa kahoy ang hawakan nito (lalo na ang partikular na ash o maple) o plastik na pinatibay ng salamin (fiberglass).
Kasaysayan
Noong panahong Neolitiko at mas maaga pa, kadalasang ginagamit ang isang iskapula bilang pawarde-wardeng pala o ispada.[1]
Tingnan din
- Pandakot, isang anyo ng pala
Mga sanggunian
- ↑ Concise Oxford Dictionary of Archaeology, p. 304 (sa Ingles).