Pambansang Lupong Olimpiko
Palarong Olimpiko |
---|
Main topics |
Games |
Ang Pambansang Lupong Olimpiko (NOC) (Pranses: Comité national olympique; Ingles: National Olympic Committee) ay mga pambansang konstituwensiya ng kilusang Olimpiko sa buong daigdig. Sa ilalim ng mga paghawak ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko, sila ay may tungkulin ukol sa pagsasaayos ng kanilang paglalahok ng bansa sa Palarong Olimpiko. Maaari silang magnomina ng mga lungsod sa loob ng kani-kanilang bansa bilang mga kandidato ukol sa Palarong Olimpiko sa kinabukasan. Ang mga NOC ay nagtataguyod ng kaunlaran ng mga manlalaro at pagsasanay ng mga tagasanay at opisyal sa isang pambansang antas sa loob ng kanilang bansa.
Ang mga NOC na pumapangkat sa lupalop
Ang mga NOC ay mga kasapi ng Kapisanan ng mga Pambansang Lupong Olimpiko (ANOC), kung saan hinahati rin sa limang kapisanang panlupalop:
Lupalop | Kapisanan | Mga NOC | Pinakamatandang NOC | Pinakabagong NOC | |
---|---|---|---|---|---|
Amerika
|
Pan-Amerikanong Organisasyon sa Palakasan | 42 | Estados Unidos (1894) | Dominika (1993) San Cristobal at Nieves (1993) Santa Lucia (1993) | |
Aprika
|
Kapisanan ng mga Pambansang Lupong Olimpiko ng Aprika | 53 | Ehipto (1910) | Eritrea (1999) | |
Asya
|
Sangguniang Olimpiko ng Asya | 44 | Hapon (1912) | Silangang Timor (2003) | |
Europa
|
Mga Europeong Lupong Olimpiko | 49 | Pransiya (1894) | Montenegro (2007) | |
Oseanya
|
Mga Pambansang Lupong Olimpiko ng Oseanya | 17 | Australya (1895) | Tuvalu (2007) |
Tingnan din
Sanggunian
- Mga Pambansang Lupong Olimpiko sa websayt ng IOC (sa Ingles) (sa Pranses)