Pambobomba sa Lakki Marwat noong 2010

Pambobomba sa Lakki Marwat noong 2010
LokasyonShah Hasan Khel, Lakki Marwat District, North-West Frontier Province, Pakistan
Coordinates32°25′52″N 70°58′2″E / 32.43111°N 70.96722°E / 32.43111; 70.96722
Petsa1 Enero 2010
Uri ng paglusobsuicide bomb
Sandataunknown explosives
Namatay105[1][2]
Nasugatan+100[3]
MotiboTerrorism

Ang Pambobomba sa Lakki Marwat noong 2010 pambobomba sa pamamagitan ng pagpapasabog ng sarili na naganap noong 1 Enero 2010, sa nayon ng Shah Hasan Khel, Distrito ng Lakki Marwat, sa Lalawigan ng North-West Frontier ng Pakistan.[4] Hindi bababa sa 105 katao ang namatay at mahigit isangdaan pa ang sugatan, karamihan ay malubha, nang pasabugin ng lalaki ang kanyang sasakyang pangpalakasan na puno ng mga pampasabog sa gitna ng mga taong manunuod ng volleyball.[1][2][3] As of 3 Enero 2010, it is the deadliest bombing in Pakistan since the Peshawar bombing in October 2009.[5]

Pag-atake

Inisip na ang puntirya ng pag-atake ay ang mga mamamayan dahil nagbuo sila ng mga militia na ayon sa pamahalaan laban sa Taliban. Ilang linggo bago ang pagsabog, tinatakot ng mga militante na papatayin ang sinumang sasali sa militia.[6] Minaneho ng tsuper ang sasakyang Mitsubishi Pajero pickup trak patungo sa kalagitnaan ng palaruan, sa abalang kapitbahayan,[7] samantalang nagaganap ang laro sa pagitan ng mga lalaking lokal na mamamayan[8] at duon ito pinasabog.[9] There were up to 400 people present.[10] Tumilapon ang mga katawan ng mga manlalaro sa himpapawid dahil sa pagsabog.[3] Tinatayang aabot sa 600 libra (270 kg) ng pasabog ang ginamit.[11] Aabot sa 300 katao ang nanunuod ng laro ng mangyari ang pagsabog.[12] Kasama sa namatay ang anim na bata at limang sundalong paramilitary.[13] Inaasahang mga tin-idyer ang mga natitira pang biktima ng pagsabog.[8] Ayon sa mga nakakita lumipad paitaas ang apoy at nagkaroon pa ng matinding liwanag bago marinig ang pagsabog.[3]

Bumuo na ng komitiba ng kapayapaan ang mga mamamayan na nagsasagawa ng mga pagpupulong sa mga moske nang nangyari ang pagsabog. Nasira ang bubong ng moske subalit wala namang nasugatan sa mga dumalo sa pagpupulong.[6] Mahigit sa dalawampung bahay na nakapalibot ang nawasak.[3] Mayroon pang mga nakulong ang ibang tao sa mga gumuhong gusali.[14][15] Nang gumabi na, ginamit na ang ilaw ng mga sasakyan para sa paghahanap ng mga biktima.[5] Naramdaman ang pagsabog mula sa layong 11 milya (18 kilometro).[8]

Nang sumunod na arap, wala pa ring grupong umako sa pambobomba. Ayon sa mga tagaanalisa, ito ang kalimitang tagpo kapag maraming biktimang sibilyan ang pag-atake.[16] Sinabi naman ng tagaanalisa ng seguridad at retiradong tenyente heneral na si Talat Masood ang pag-atake ay malamang ginawa ng Taliban bilang paghihiganti.[17]

Sinabi ng mga nakatatanda sa nayon na patuloy pa rin nilang kokontrahin ang Taliban.[18]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Lakki blast death toll hits 105 Naka-arkibo 2020-08-31 sa Wayback Machine., The News International, 2010-01-03
  2. 2.0 2.1 Marwat, Ghulam Mursalin (2 Enero 2010). "Bomber rams car into volleyball venue". The Nation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-03. Nakuha noong 2 Enero 2010.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Hussain, Zahid (1 Enero 2010). "Slaughter on the volleyball field as Taleban wreak revenge on villagers". The Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  4. "Death toll in Laki Marwat blast climbs to 47". Geo TV. 1 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010. Naka-arkibo 3 January 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  5. 5.0 5.1 "Pakistan suicide bomb kills scores at volleyball match". BBC News. 1 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  6. 6.0 6.1 Khan, Ismail (1 Enero 2010). "Heavy Toll at Sports Event in Pakistan After Bomb Blast". The New York Times. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  7. "Bomber Kills 88 At Pakistan Volleyball Game". Sky News. 1 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  8. 8.0 8.1 8.2 "Death toll rises in Pakistan game blast". CNN. 2 Enero 2010. Nakuha noong 2 Enero 2010.
  9. Mark Magnier; Zulfiqar Ali (2 Enero 2010). "Pakistan suicide bombing kills at least 75". Los Angeles Times. Nakuha noong 2 Enero 2010.
  10. "Death toll from Pakistan suicide attack reaches 90". Xinhua News Agency. 2 Enero 2010. Nakuha noong 2 Enero 2010.
  11. "Terror attack kills 75 at Pakistan volleyball match". CNN. 1 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  12. "90 killed in Lakki Marwat bombing". Daily Times. 2 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-13. Nakuha noong 2 Enero 2010..
  13. "Toll in Laki Marwat suicide blast reaches 89". The News International. 2 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.[patay na link]
  14. "Up to 88 have died in Pakistan blast". RTÉ News. 1 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010.
  15. "Dozens killed in Pakistan suicide bombing". Euronews. 1 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2010. Naka-arkibo 3 January 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  16. "Pakistan volleyball bomb toll climbs to more than 90". BBC. 2 Enero 2010. Nakuha noong 2 Enero 2010.
  17. Pakistan village mourns bomb deaths, Al Jazeera English, 2010-01-02
  18. Village bloodied by bomb vows revenge on Taliban, Toronto Star, 2010-01-03

Mga kawing panlabas