Panitikan ng New Zealand

Tunay lamang na panitikang Ingles ang anyo ng panitikan ng Bagong Selanda (Ingles: Literature of New Zealand), na isinulat ng mga taga-Bagong Selanda (mga Bagong Selandero), o mga mandarayuhan o migrante, na tumatalakay sa mga tema o pook na may kaugnayan sa Bagong Selanda. Ang Maori ay isang kulturang umiiral bago pa sumapit ang edukasyon at isang kalinangang nabubuhay sa panahon ng bato, hanggang sa makatagpo nila ang mga Europeo noong kaagahan ng ika-19 daang taon.

Sa loob ng kaagahan ng ika-19 daang taon, nagpaunlad ang mga misyonerong Kristiyano ng mga nasusulat na anyo ng mga wikang Polinesyo upang makatulong sa kanilang mga gawaing pang-ebanghelyo. Nakaligtas at umiiral pa ang mga tradisyong pasabi ng pagkukuwento at kuwentong-bayan, at nag-ipon ang maaagang mga misyonero ng mga kuwentong-bayan. Sa panahon ng bago sumapit ang pananakop o pangungoloniya, walang panitikan; pagkaraan ng pagtatagpo ng mga Maori at mga Europeo at pagkalipas din ng pagpapakilala o introduksiyon ng literasiya o kakayahan at kalaamang bumasa at sumulat, nagkaroon ng mga lathalaing nasa wikang Maori.

Walang mga akdang pampanitikang nasa wikang Maori ang naisalinwika at naging malawakang nabasa. Umiiral hanggang sa kasalukuyang panahon ang wikang Maori, at bagaman hindi malawakang sinasalita, ginagamit ito bilang midyum o tagapaghatid ng pagtuturo sa edukasyon sa isang maliit na bilang ng mga paaralan. Sa kahinatnan ng panitikang Maori bilang umiiral na panitikan, pangunahin itong isang panitikang nasa wikang Ingles na tumatalakay sa mga temang Maori. PanitikanBagong Selanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Bagong Selanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.