Parirala
Ang parirala ay mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap.
Uri ng Parirala
Pariralang pandiwa
Ito ay pariralang binubuo ng pandiwa at pang-uri o lipon nito.
Pariralang Pang-ukol
Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.
- Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.
Pariralang Pawatas
Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.
- Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.
Parirala sa Pangngalang Diwa
Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito.
- Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap.
Pariralang Pandiwa
Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito. Tumutukoy sa aksyon.
- Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral.
Gamit ng Parirala sa Pangungusap
Pariralang Pangngalan
Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.
- Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Mayie ay "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan."
Simuno
Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.
- Halimbawa: Laging' tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan
ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis
Kaganapang Pansimuno
Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno
- Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.
Pamuno sa Simuno
Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
- Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.
Pariralang Pang-uri
Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.
- Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukuhan.
Pariralang Pang-abay
ang parirala ay sumasagot sa tanong na saan at kailan.
- Halimbawa: Ang bata ay pupunta sa parke.
Tingnan din
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.