Patente sa sopwer
Ayon sa Foundation for a Free Information Infrastructure, ang software patent ay patent sa kahit anong naisasagawa ng isang kompyuter sa pamamagitan ng isang programang pangkompyuter o software.
Patent
Ang patent ay isang uri ng intellectual property right na prumoprotekta sa mga imbensiyon at pagpapunlad sa mga imbensiyon sa loob ng limitadong panahon. Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno ng isang bansa sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensiyon niya sa nasabing bansa kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kanyang imbensiyon. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para magkaroon ng inobasyon at pag-unlad.
Para magkamit ng patent, kinakailangang ng patent application sa bawat bansa kung saan gusto ng imbentor na maprotektahan ang kanyang imbensiyon. Gayunman, may mga rehiyunal na tanggapan tulad ng European Patent Office (EPO) na may kapangyarihang magkaloob ng mga patent sa mga bansang miyembro nito. Mayroon ding single international application sa ilalim ng Patent Cooperation Treaty (PCT). Ang bawat bansa at rehiyunal na tanggapan ay may iba't ibang patakaran at pamantayan sa pagkakaloob ng mga patent. Iba-iba rin ang tagal ng proteksiyon sa bawat bansa. Sa Pilipinas, ang proteksiyon ng patent ay tumatagal ng 20 taon.
Kailangang magbayad ng maintenance fees ng patent holder upang hindi magwakas ang proteksiyon ng patent bago pa man matapos ang termino nito.
Ayon sa Foundation for a Free Information Infrastructure, ang software patent ay patent sa kahit anong naisasagawa ng isang kompyuter sa pamamagitan ng isang programang pangkompyuter o software.
Patentability ng mga Imbensiyon
- Hindi maaaring magkaroon ng patent ang isang ideya. Kailangan mayroon itong implementasyon.
- Ang imbensiyon ay dapat bago upang pagkalooban ng patent. Dapat hindi pa ito kilala, nagamit, naibenta, o nailathala.
- Ang imbensiyon ay dapat orihinal na gawa ng imbentor.
- Dapat mayroong inventive step sa pagkakalikha ng imbensiyon. Hindi dapat ito obvious.
- Dapat ang imbensiyon ay kapaki-pakinabang.
Sa Estados Unidos, laganap ang mga software patents.
Sa Europa, ang mga software na pinagkakalooban ng mga patent ay tinatawag na computer-implemented invention (CII). Ang mga CII ay dapat nakakalutas ng problemang teknikal.
Sa Japan, upang magkamit ng patent ang imbensiyong may kinalaman sa software ay dapat mayroon itong “creation of technical ideas”, at ang "information processing" nito ay dapat "concretely realized by using hardware resources". Ibig sabihin, ang software at hardware ay dapat nagtutulungan sa pagsagawa ng aritmetikong operasyon o manipulasyon ng impormasyon.
Sa South Korea, ang software ay maaaring magkaroon ng patent.
Sa India, ang software ay hindi kinokonsiderang imbensiyon kaya't hindi ito maaaring bigyan ng patent.
Ayon sa Intellectual Property Code ng Pilipinas, ang mga software ay hindi maaaring protektahan ng patent. Ito ay sumasailalim sa proteksiyong copyright.
Kaibahan ng Software Patent sa Copyright
Ang copyright ay isa ring intellectual property right na pinoprotektahan ang mga akda, mga dibuho at iba pang malikhaing gawa, at mga gawang may kinalaman sa musika mula sa pangongopya o paggamit ng iba nang walang pahintulot ng may-ari. Ito ay automatic. Hindi na kinakailangang magrehistro ng copyright.
Sa Pilipinas, ang panahong itinatagal ng proteksiyong dulot ng copyright ay ang buhay ng may-ari at 50 taong dagdag pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Ang software copyright ay pinapagbawalan ang iba mula sa pangongopya, paggamit at pagbebenta ng software ang walang pahintulot ng may-akda.
'Di tulad ng software copyright, sakop ng software patent ang mga metodolohiyang napapaloob sa software, pati na rin ang function na layon nitong ihatid. Ibig sabihin, hindi maaaring gumawa o gumamit ng software na katulad ng isang patented software, kahit na ito'y independently developed mula sa nasabing patented software at walang pangongopyang naganap.
Debate sa Software Patents
- Ano ba ang klasipikasyon ng software? Ituturing ba itong akda o imbensiyon?
- Ano ang mas mainam-software patent o copyright?
- Sa dami ng gastos, tagal ng aplikasyon at hirap na pagdaraanan ng isang imbentor, sulit nga ba ang proteksiyon ng software patent?
- Ano ang depinisyon ng "inventive step"? Kailan mo masasabi kung "obvious" ang isang imbensiyon?
- Humihimok nga ba ang software patents ng inobasyon o hindi?
Mga Kawing Panlabas
- United States Patent and Trademark Office (USPTO)
- European Patent Office (EPO)
- Intellectual Property Office of the Philippines
- Japan Patent Office
- Korea Intellectual Property Rights Information Service
- Controller General of Patents Designs and Trademarks
- World Intellectual Property Organization
- Foundation for a Free Information Infrastructure (FFII)