Paywall

Pakunwaring "mahigpit' na paywall sa isang kathang-isip na websayt ng balita

Ang paywall ay isang paraan ng paghaharang sa pag-akses sa nilalaman sa pamamagitan ng pagbili o pagbabayad ng suskripsiyon, lalo na sa balita.[1][2] Simula sa kalagitnaan ng d. 2010, nag-umpisang maglagay ng paywall ang mga pahayagan sa kani-kanilang mga websayt bilang pampataas ng kita pagkatapos ng ilang taon ng pagbabawas sa mga nagbabasa ng mga imprenta at paghihina sa kita mula sa pagpapatalastas, bahagyang dahil sa paggamit ng mga ad blocker.[3] Sa akademika, kadalasang may paywall ang mga papeles sa pananaliksik at maaakses sa mga akademikong aklatan na nagsusukribe.[4][5]

Nagagamit din ang mga paywall para pataasin ang bilang ng mga suskritor sa imprenta; halimbawa, nag-aalok ang ilang pahayagan ng akses sa nilalamang onlayn pati paghahatid ng pan-Linggong edisyon sa mas mababang presyo kaysa sa onlayn na pag-akses lamang.[6] Ginagamit ng mga websayt ng pahayagan tulad ng sa The Boston Globe at The New York Times ang taktikang ito dahil pinapataas nito ang kani-kanilang onlayn na kita at ang kani-kanilang sirkulasyon ng imprenta (na nagpapataas naman sa kita mula sa mga ad).[6]

Mga uri

Lumitaw ang tatlong pangunahing modelo ng paywall: mga hard paywall ("mahigpit"), kung saan walang libreng laman at uudyukin ang tagagamit agad na magbayad para makabasa, makarinig o makanood ng nilalaman; mga soft paywall ("maluwag"), kung saan may kaunting laman na libre, tulad ng abstrakto o buod; at mga metered paywall ("nakametro") kung saan may itinakdang bilang ng libreng artikulo na maaakses ng mambabasa sa isang tiyak na yugto ng panahon, kung saan mas makapipili ang mga taggamit ng titingnan nila nang walang suskripsiyon.[7]

Mga sanggunian

  1. Tom Felle (2016-03-04). "Are paywalls saving journalism?" [Inililigtas ba ng mga paywall ang pamamahayag?]. City, University of London (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2020. Nakuha noong 2017-05-03.
  2. Joseph Lichterman (2016-07-20). "Here are 6 reasons why newspapers have dropped their paywalls" [Narito ang 6 na dahilan kung bakit tinanggal ng mga pahayagan ang kanilang mga paywall]. NiemanLab (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2019. Nakuha noong 2017-05-03.
  3. Preston, Peter (7 Agosto 2011). "A Paywall that pays? Only in America" [Paywall na nagbabayad? Sa Amerika lamang]. The Guardian (sa wikang Ingles). London. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2021. Nakuha noong 22 Oktubre 2011.
  4. McWilliams, James (12 Marso 2019). "Why Should Taxpayer-Funded Research Be Put Behind a Paywall?" [Bakit Dapat Lagyan ng Paywall ang Pananaliksik na Pinondohan ng Nagbabayad ng Buwis?]. Pacific Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2021. Nakuha noong 2021-05-27.
  5. "Skirting Around Paywalls: How Scientists Quickly Get the Articles They Need" [Pag-iiwas sa Mga Paywall: Paano Nakukuha nang Mabilis ng mga Siyentipiko ang Mga Kinakailangan Nilang Artikulo] (sa wikang Ingles). 3 Marso 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2021. Nakuha noong 5 Hulyo 2017.
  6. 6.0 6.1 Rosen, Rebecca (12 Setyembre 2011). "Can a Paywall Stop Newspaper Subscribers From Canceling?" [Maaari bang Pigilan ng Paywall ang mga Suskritor ng Diyaryo sa Pagkakansela?]. The Atlantic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 March 2021. Nakuha noong 12 Oktubre 2011.
  7. Pickard, Victor; T. Williams, Alex (2014-04-03). "Salvation or Folly? The Promises and Perils of Digital Paywalls" [Kaligtasan o Katangahan? Ang Mga Pangako at Panganib ng Mga Dihital na Paywall]. Digital Journalism (sa wikang Ingles). 2 (2): 195–213. doi:10.1080/21670811.2013.865967. S2CID 143335698. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 July 2020. Nakuha noong 2017-05-03.