Pigsa

Pigsa
Pigsa
EspesyalidadDermatology Edit this on Wikidata

Ang pigsa (Ingles: boil kapag isahan, boils kapag maramihan, furuncle, sty) ay isang uri ng impeksiyon sa balat na nagsisimula sa ugat ng isang piraso ng buhok o ugat ng piraso ng balahibo (polikula ng isang buhok). Karaniwang lumilitaw ang pigsa sa mukha, leeg, bisig, balakang, at sa talukap ng mata. Kapag ang pigsa ay nasa talukap ng mata, ito ay tinatawag na guliti (kuliti o I love you).[1]

Mga sintomas

Sa una, nagkakaroon muna ng pamumula ang pook ng impeksiyon. Pagkatapos ay magkakaroon ng pamamaga, umbok, o bukol. Ang bukol na ito ang mismong nabuo at namuong "pigsa". Pagkalipas ng tatlo hanggang pitong mga araw, ang bukol na pigsa ay namumuti o naninilaw, na ang sanhi ay ang pagkakaroon ng nana sa loob ng bukol.[1]

Mga sanhi

Kabilang sa mga karaniwang nagdudulot ng pagtubo ng pigsa ay ang mga mikrobyo (mga germ), katulad ng bakteryang Staphylococcus. Nakakapasok sa katawan ang bakterya sa pamamagitan ng pagsuot sa napakaliliit na mga hiwa o mga butas ng balat, partikular na kapag nasugatan ang balat. Maaari ring maging dahilan ng pagkakaroon ng pigsa ang sumusunod na mga karamdaman o kalagayan: ang diyabetes, kakulangan sa pagkain (malnutrisyon), pagiging madumihin o hindi malinis sa katawan, at kahinaan ng sistemang imyuno ng katawan.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 PIGSA O BOILS, KALUSUGAN PH