Pilosopiya ng relihiyon

Ang pilosopiya ng relihiyon o pilosopiya ng pananampalataya ay isang sangay ng pilosopiya na nakatuon sa mga katanungan hinggil sa relihiyon, kabilang na ang kalikasan at pag-iral ng Diyos, sa pagsusuri at pagsisiyasat sa karanasang panrelihiyon, pagsusuri ng talasalitaan (bokabularyo) at mga tekstong panrelihiyon, at sa ugnayan ng relihiyon at ng agham.[1] Isa itong sinaunang disiplina, na natagpuan sa pinakamaagang nakikilang mga manuskrito hinggil sa pilosopiya, at nakaugnay sa marami pang ibang mga sangay ng pilosopiya at pangkalahatang kaisipan, kabilang na ang metapisika, lohika, at kasaysayan.[2] Ang pilosopiya ng relihiyon ay kadalasang tinatalakay sa labas ng akademiya sa pamamagitan ng mga aklat at mga pagtatalo (debate), na ang karamihan ay patungkol sa pag-iral ng Diyos at ng suliranin ng kasamaan.

Kaiba ang pilosopiya ng relihiyon magmula sa pilosopiyang panrelihiyon o pilosopiyang relihiyoso dahil sa nilalayon nitong talakayin ang mga tanong hinggil sa kalikasan ng relihiyon bilang isang kabuuan, sa halip na siyasatin ang mga suliraning dala ng isang partikular na sistema ng paniniwala. Dinisenyo ito upang maisagawa na walang simbuyo o walang kinikilingan ng mga tao na kumikilala sa kanilang mga sarili bilang mga naniniwala at mga hindi naniniwala.[3]

Mga sanggunian

  1. Alston, William P. "Problems of Philosophy of Religion." Encyclopedia of Philosophy. New York: Macmillan Publishing Co., 1967.
  2. Stanford Encyclopedia of Philosophy, "Philosophy of Religion."
  3. Evans, C. Stephen (1985). Philosophy of Religion: Thinking about Faith. InterVarsity Press. pp. 16. ISBN 0-87784-343-0.


PilosopiyaRelihiyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.