Pilosopiya ng matematika
Ang pilosopiya ng matematika ay ang sangay ng pilosopiya na nag-aaral sa pampilosopiyang mga pagpapalagay, mga saligan o mga pundasyon, at mga implikasyon o kahihinatnan ng matematika. Ang layunin ng pilosopiya ng matematika ay ang makapagbigay ng isang pagtalakay sa kalikasan at metodolohiya ng matematika at upang maunawaan ang lugar ng matematiksa loob ng mga buhay ng mga tao. Ang panglohika at pangkayariang kalikasan ng matematika mismo ay nakagagawang ang pag-aaral na ito bilang kapwa malawak at natatangi sa piling ng mga katumbas nitong pampilosopiya rin.
Ang mga katagang pilosopiya ng matematika at pilosopiyang pangmatematika ay madalas na ginagamit bilang magkasingkahulugan.[1] Subalit, ang panghuli ay maaaring gamitin bilang pagtukoy sa ilang iba pang mga pook ng pag-aaral. Ang isa ay tumutukoy sa isang proyekto ng pagpopormal ng isang paksang pampilosopiya, katulad ng estetika, etika, lohika, metapisika, o teolohiya, na nasa isang pagpapahiwatig ng mas tumpak at mas mahigipit na kaanyuan, katulad halimbawa na ng mga gawain ng mga teologong iskolastiko, o ang masistemang mga layunin nina Leibniz at Spinoza. Ang isa pa ay tumutukoy sa pilosopiyang panggawain ng isang indibiduwal na praktisyunero (tagapagsagawa) o ng isang pamayanan ng mga matematikong gayon din kung mag-isip. Mayroon din namang mga pangkat ng tao na inuunawa ang katagang "pilosopiyang pangmatematika" bilang isang pagtukoy sa pagharap na isinagawa ni Bertrand Russell sa loob ng mga pahina ng aklat niyang The Principles of Mathematics at Introduction to Mathematical Philosophy.
Mga sanggunian
- ↑ Maziars, Edward A. (1969). "Problems in the Philosophy of Mathematics (Book Review)". Philosophy of Science. 36 (3): 325.. Ang isang halimbawa ay noong imungkahi ni Edward Maziars sa loob ng isang pagsusuri ng aklat noong 1969 sa loob ng pangungusap na "to distinguish philosophical mathematics (which is primarily a specialised task for a mathematician) from mathematical philosophy (which ordinarily may be the philosopher's metier)", ginamit niya ang katagang mathematical philosophy bilang kasingkahulugan ng philosophy of mathematics.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.