Pitong Paham ng Gresya
Ang mga Pitong Paham (ng Gresya) o Pitong Pantas (Griyego: οἱ ἑπτὰ σοφοί, hoi hepta sophoi; Ingles: Seven Sages of Greece; c. 620 – 550 BK) ay ang titulong ibinigay ng sinaunang Griyegong tradisyon sa pitong mga pilosopo, estadista at mambabatas ng unang bahagi ng ika-6 na dantaon na nakilala sa mga sumunod na dantaon dahil sa kanilang karunungan.
Ang mga Pitong Paham
Kinagisnan na bawat isa sa mga paham o pantas ay kumakatawan sa isang aspeto ng makamundong karunungan na ibinuod ng isang aporismo
. Bagaman minsan naiiba ang tala ng mga paham, ang mga sumusunod ay kadalasang nakabilang:- Cleobulus ng Lindos: "Moderation is best in all things" (Griyego: πάν μέτρον ἄριστον, pan metron ariston). Namuno siya bilang tirano ng Lindos, sa Griyegong pulo ng Rhodes, noong mga 600 BK.
- Solon ng Atenas: "Nothing in excess" (Griyego: μηδὲν ἄγαν, meden agan). Si Solon (c. 638 – 558 BK) ay isang bantog na mambabatas at tagareporma mula Atenas na bumalangkas ng mga batas na nakapagimpluwensiya nang malaki sa demokrasyang Atenyano.
- Chilon ng Isparta: "Do not desire the impossible" (Griyego: μὴ ἐπιθυμεῖν ἀδυνάτων, me epethimin adenaton). Si Chilon ay isang Ispartanong politiko mula sa ik-6 na dantaon. Iniukol sa kanya ang militarisasyon ng lipunang Ispartano.
- Bias ng Priene: "Most men are bad" (Griyego: πλεῖστοι ἄνθρωποι κακοί, plesti anthropi kaki). Si Bias ay isang politiko at mambabatas ng ika-6 na dantaon.
- Thalis ng Mileto: "Know thyself" (Griyego: γνῶθι σεαυτόν, gnothi seafton). Si Thales (c. 624 – c. 546 BK) ay ang unang kilalang pilosopo at matematiko. Ang kanyang payo, "Kilalanin ang iyong sarili" ("Know thyself"), ay nakaukit sa harapan ng Orakulo ng Apollo sa Delphi.
- Pittacus ng Mytilene: "Know thy opportunity" (Griyego: γνῶθι καιρόν, gnothi keron). Pinamunuan ni Pittacus (c. 640 – 568 BK) ang Mytilene (Lesbos) kasama ang Myrsilus. Sinubukan niyang ibawas ang kapangyarihan ng maharlika, at nakaya niyang mamuno sa pamamagitan ng suporta mula sa mga popular na uri (panlipunan) na pinaboran niya.
- Periander ng Corinto: "Be farsighted with everything" (Griyego: ὅρα τὸ μέλλον, ora to mellon). Si Periander (fl. 627 BK) ay ang tirano ng Corinto noong ika-7 at ika-6 na dantaon BK.. Sa kanyang pamumuno, sumailalim ang lungsod ng Corinto sa isang ginintuang panahon ng kaayusan at kaunlaran.
Tingnan din
- Paham (pilosopiya)
- Saptarishi
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Seven Sages ang Wikimedia Commons.
- Padron:Cite LotEP
- Plutarch's The Dinner of the Seven Wise Men, in the Loeb Classical Library.
- Seven Sages of Greece Naka-arkibo 2010-11-25 sa Wayback Machine. with illustrations and further links.
- Jona Lendering's article Seven Sages Naka-arkibo 2013-10-22 sa Wayback Machine. includes a chart of various canonical lists.
- Sentences of the Seven Sages