Power supply unit (kompyuter)

ATX power supply unit na inalisan ng takip.

Ang power supply unit (PSU) ay kumokonberte sa mains AC sa mababang boltaheng niregulang DC power para sa mga panloob ng bahagi ng kompyuter. Ang mga modernong personal na kompyuter ay pangkalahatang gumagamit ng isang switched-mode power supply. Ang ilang mga power supply ay may isang manwal na selektor para sa boltaheng input samantalang ang iba ay automatikong umaangkop sa supply voltage. Ang karamihan ng mga desktop personal computer power supply ay umaayon sa spesipikasyong ATX na kinabibilangan ng mga form factor at toleransiyang boltahe. Bagaman ang ang isang ATX power supply ay nakakabit sa mains supply, ito ay palaging nagbibigay ng isang 5 V standby (5VSB) voltage upang ang mga tungkuling standby sa kompyuter at ilang mga periperal ay may kuryente. Ang mga ATX power supply ay binubuksan o sinasara ng isang signal mula sa motherboard. Ang mga ito ay nagbibigay rin ng isang signal sa motherboard upang ipakita kung ang mga DC voltage ay nasa spec upang ang kompyuter ay ligtas na makabukas at maboot. Ang pinaka-kamakailang pamantayang ATX PSU ang bersiyong 2.31 ng gitnang-2008.