Pundamental na lapya (timbulog na koordinado)
Ang pundamental na lapya sa isang sistemang timbulog ng mga koordinado ay isang lapya na kung saan ay hinahati ang isang timbulog sa dalawang hemispero. Ang latitud ng isang punto ay ang anggulo sa pagitan ng pundamental na lapya at ang linya na nagdudugtong sa gitna ng timbulog.
Para sa sistemang heograpiko ng mga koordinado ng ating Mundo, ang ekwador ang nagsisilbing pundamental na lapya. Mayroon namang iba't-ibang pundamental na lapya sa sistemang panlangit ng mga koordinado:
- gumagamit ang sistemang ekwatoryal ng mga koordinado ng panlangit ng ekwador;
- gumagamit ang sistemang ekliptiko ng mga koordinado ng ekliptiko;
- gumagamit ang sistemang galaktiko ng mga koordinado ng Daang Magatas; at
- gumagamit ang sistemang horisontal ng mga koordinado ng guhit langit-lupa ng tagatingin.
Tingnan din
- Lapya ng sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.