Sasaeng fan
Ang isang sasaeng fan (사생팬) ay isang fan na may matinding pagka-humaling sa Hallyu. Baga man hindi malawakang kinikilalang "fans" ang mga sasaeng fans, maraming sangguniang patuloy silang tinatawag na mga "sasaeng fans". Kadalasang mga babae na nasa edad mula 13-17 ang mga sasaeng fans. Binigyang-tukoy ng Soompi na extreme fans ang mga sasaeng na nanunubaybay sa kanilang mga idolo at naglalapastangan sa pribadong buhay sa pamamagitan ng mga katanong-tanong na pamamaraan.[1]
Etimolohiya
Isinulat ni Sam Lansky, isang kontributor para sa mga magasing New York at The Atlantic, na nagmula ang salitang "sasaeng" sa “sa” (Koreano: 사; Hanja: 私) na ang ibig sabihin ay "pribado", at “saeng” (Koreano: 생; Hanja: 生) na "buhay", bilang sanggunian sa walang humpay na pagka-humaling sa kanilang mga iniidolong artista o mang-aawit.[2] Para sa mga sasaeng, ang kalakalan sa pagsamba sa K-pop idol ay nagsisilbing kawalan ng di-tuwid na tungkulin; ang kawalang-batas sa pagkahumaling ang siyang mismong katapusan.[2]
Mga fan activities at mga salungat na epekto
Panunubaybay (stalking)
Iniulat ng Manila Bulletin na noong preskonperensya ng JYJ para sa kanilang konsyerto sa Santiago, Tsile ay kinumpirmang naging biktima ang JYJ ng "invasion of privacy and stalking" (paglabag sa pagka-pribado at panunubaybay). Ayun kay Kim Junsu na kasapi ng naturang banda, iniladlad ng ibang mga fans ang kanilang mga pribadong tawag sa telepono at naglagay ng tracker ng GPS sa kanilang mga sasakyan upang matunton ang bawat galaw nila. Mayroon umanong mga pagkakataon ng pagkakapuslit (pagbakli at pagpasok) kung saan ang fans ay kukuhanan sila ng larawan, tangkang paghalik sa kanila, at pagpuslit ng kanilang mga pansariling kagamitan.[3] May iba ring mga sasaeng na naglagay pa pati ng CCTV malapit sa tahanan ng kanilang mga iniidolong K-pop idol. Sa ano mang naibigay na araw, ang mga higit na sikat na mga idolo ay napabalitaang may higit-kumulang na 100 "full-time stalkers".[4]
Mayroong insidente, kung saan ang aktor na si Song Joong-ki ay nagdya-jogging ng gabi na humantong sa isang nangingilig na habulan na may dalawang fans na tumatakbo papunta sa kanya nang makita siya mula sa isang taksi.[5] Ayon sa Yahoo!, umuupa ang ibang fans ng mga "special taxi drivers" upang sundan ang kanilang mga idolo. Tinukoy rin ng Yahoo! ang isang artikulo mula sa pahayagang Koreanong JoongAng Ilbo, na may kabanggitang "mayroong mga serbisyong pang-taksi na nagke-cater para lamang sa mga fans na iyon. Payag na payag silang magpatakbo na hanggang sa bilis na 200 kilometro kada oras na maghabol sa mga van na lulan ang mga iniidolo sa K-pop."[4]
Makikita ang mga "sasaeng taxi" na nag-aabang sa labas ng mga bulwagang pang-konsyerto, mga dormitoryo, o mga himpilan ng estasyon upang makasalubong ang mga desesperadong fans. Ang halaga ng pangungupahan ng isang sasaeng taxi para sa isang buong araw ay mula $300 hanggang $500 (USD). Nasabi ng isang tsuper ng sasaeng taxi na "Naninigil ako ng $30 USD bawat oras. Mahirap pigilan yun kasi kikita ka nun ng maraming pera mula roon."[6] Sa kahambingan, ang katamptanang halaga ng paghihintay sa loob ng isang normal na taksi sa Seoul ay nagkakahalaga lang ng $9 USD bawat oras. [7] May isang tsuper na nagbanggit sa mga tagapag-ulat na alam man niyang sinusuway niya ang batas-trapiko, "ang paghahabol ay lubos na kapana-panabik, kaya nagpapadala na rin kami sa mga bata." Naniningil siya noon ng $400 (SGD) para sa isang araw ngunit tinigil na niya ang pagtanggap ng ganoong mga pakiusap.[8]
Sanggunian
- ↑ "JYJ Sasaeng Fan Involved in Audio Recorded File Speaks Up About What Really Happened". Soompi. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2017. Nakuha noong 29 October 2012.
- ↑ 2.0 2.1 Lansky, Sam. "Hallyu Tsunami: The Unstoppable (and Terrifying) Rise of K-Pop Fandom". Grantland.com. Nakuha noong 29 October 2012.
- ↑ "JYJ members confirm invasion of privacy, surveillance by stalker fans | The Manila Bulletin Newspaper Online". Mb.com.ph. 2012-03-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-04. Nakuha noong 2012-10-29.
- ↑ 4.0 4.1 Soh, Elizabeth (2012-08-02). "'Sasaeng Stalkers' (Part 1): K-pop fans turn to blood, poison for attention | Singapore Showbiz - Yahoo! Entertainment Singapore". Sg.entertainment.yahoo.com. Nakuha noong 2012-10-29.
- ↑ "Fans chase him as he goes for a jog". News.asiaone.com. 2012-05-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-03. Nakuha noong 2012-10-29.
- ↑ Vitalsign (2012-03-15). "Reporters uncover the dark truth behind the daily activities of sasaengs". Allkpop.com. Nakuha noong 2012-10-29.
- ↑ "Taxi Fare in Seoul, South Korea. Taxi Prices Calculator for Seoul". Numbeo.com. Nakuha noong 2012-10-29.
- ↑ The New Paper Tue, Mar 01, 2011 (2011-03-01). "Chasing Stars". News.asiaone.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-03. Nakuha noong 2012-10-29.
{cite web}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.