Sauropsido
Mga Sauropsido | |
---|---|
Isang red eared slider at isang papaw; pareho ay mga sauropsido. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Amniota |
Klado: | Sauropsida Goodrich, 1916 |
Mga Pangalawang-pangkat | |
Ang mga Sauropsido ay kabilang sa pangkat o kladong Sauropsida, isang pangkat ng mga amniota na kinabibilangan ng lahat ng mga umiiral na reptilya at ibon at mga ninuno nitong fossil kabilang ang mga dinosauro, na agarang mga ninuno ng mga ibon. Ang sauropsida ay itinatangi mula sa Synapsida, ang pangkat na kinabibilangan ng mga mamalya at mga ninuno nitong posil (fossil).