Si Bel at ang Dragon

Isang nililok na palamuting pampinto na naglalarawan ng isang tagpuang kaugnay ng Si Bel at ang Dragon ng Aklat ni Daniel. Sa tagpuang ito, matatanaw na hinablot ng isang anghel sa buhok si Habakuk para tangayin papailanlang sa himpapawid. Dadalhin ng anghel si Habakuk patungong Babilonya, kung saan aatasan si Habakuk na alukin ng hapunan si Daniel. Habang nagaganap ito, si Daniel ay nasa ikalawang ulit niyang pagkakalalagak sa yungib ng mga leon.

Ang Si Bel at Ang Dragon[1][2] ay isang aklat na deuterokanonikong[2] naidagdag sa Aklat ni Daniel, bilang Kabanata 14 (Kapitulo 14), sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nanggaling ito sa wikang Griyego. Binubuo ito ng dalawang salaysay. Hinggil sa karunungan at katapangan ni Daniel ang una, na naipakita nang ibunyag niyang walang katotohanan ang pagkadiyos ng diyos-diyusang si Bel (kilala rin bilang Baal[3]). Tungkol naman ang ikalawa sa kung paano napatay ni Daniel ang dragong sinasamba ng mga Babilonyo.[1] Napatunayan ni Daniel na walang katotohanan ang mga anito o diyus-diyosan. Napagtibay rin niya na tanging iisang Diyos lamang ang tunay.[3]

Mga bahagi

Binubuo ito ng ganitong mga bahagi o pangkat:[1]

  • Karunungan ni Daniel ang tumalo sa mga saserdote ni Bel
  • Pinatay ni Daniel ang dragon
  • Iniligtas si Daniel mula sa yungib ng mga leon

Tingnan din

Dalawa pang aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego:[1][3]

Mga Aklat ng Bibliya

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "[http://angbiblia.net/bel_dragon.aspx Si Bel at ang Dragon]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {cite ensiklopedya}: External link in |title= (tulong)
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Paliwanag hinggil sa Kabanata 13 (Si Susana) at 14 (Si Bel at ang Dragon), pahina 1345". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  3. 3.0 3.1 3.2 "Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.

Mga kawing panlabas