Sikolohiyang edukasyonal
Sikolohiya |
---|
|
Saligang agham |
|
Nilapat na agham |
|
Mga talaan |
|
Portada |
Pananaliksik na Pang-edukasyon |
Mga disiplina |
---|
Paghuhusgang pang-edukasyon |
Organisasyong pang-edukasyon |
Sikolohiyang pang-edukasyon |
Teknolohiyang pang-edukasyon |
Kasaysayan ng edukasyon |
Edukasyong pandaigdig |
Pilosopiya ng edukasyon |
Pagpapayong pampaaralan |
Sikolohiyang pampaaralan |
Edukasyong espesyal |
Edukasyong pangguro |
Mga Nasasakupang Pangkurikulum |
Edukasyong pangsining |
Edukasyong pangnegosyo |
Edukasyon na pangmaagang pagkabata |
Edukasyong pangwika |
Edukasyong pangliterasiya |
Edukasyong pangmatematika |
Edukasyong pang-agham |
Edukasyong pang-agham na panlipunan |
Edukasyong pangteknolohiya |
Edukasyong bokasyunal |
Mga metodo |
Pagsusuri ng pag-uusap |
Pagsusuri ng diskurso |
Pagsusuri ng paktura |
Eksperimentong Pakturyal |
Pangkat ng pagtutuon |
Meta-analisis |
Estadistikang multibaryado |
Pagmamasid ng kalahok |
Ang sikolohiyang pang-edukasyon (Ingles: educational psychology) ay ang pag-aaral ng kung paano natututo ang mga tao sa mga tagpuang pang-edukasyon, ng katalaban ng mga pamamagitan na pang-edukasyon, ng sikolohiya ng pagtuturo, at ng sikolohiyang panlipunan ng mga paaralan bilang mga organisasyon. Ang sikolohiyang pang-edukasyon ay nakatuon sa kung paano natututo at umuunlad ang mga mag-aaral, na kadalasang tumutuon sa kabahaging mga pangkat na katulad ng mga batang may talento at sa mga mayroong mga kapansanan. Ang mga mananaliksik at mga teorista ng sikolohiyang pang-edukasyon ay tinatawag na mga sikologong pang-edukasyon o sikolohistang pang-edukasyon sa mga bansang katulad ng Estados Unidos at Canada, habang ang mga praktisyunerong nasa mga paaralan at mga tagpuang may kaugnayan sa mga paaralan ay tinatawag na mga sikologong pampaaralan. Ang pagkakaibang ito hindi kinikilala sa Kahariang Nagkakaisa kung saan ang katawagang panlahatan para sa mga praktisyunero ay "sikologong pang-edukasyon" o "sikolohistang pang-edukasyon".
Maaaring unawain ang sikologong pang-edukasyon sa pamamagitan ng kaugnayan nito sa iba pang mga disiplina. Pangunahing nabibigyan ito ng kabatiran sa pamamagitan ng sikolohiya, na mayroong kaugnayan sa disiplinang ito na may pagkakahalintulad sa ugnayan sa pagitan ng medisina at ng biyolohiya. Nagbibigay naman ng impormasyon ang sikolohiyang pang-edukasyon sa isang malawak na sakop ng mga espesyalidad sa loob ng araling pang-edukasyon, kabilang na ang disenyong pampagtuturo o pang-instruksiyon, teknolohiyang pang-edukasyon, pagpapaunlad ng kurikulum, pagkatutong organisasyunal, edukasyong espesyal, at pamamahala ng silid-aralan. Ang sikolohiyang edukasyon ay humahango mula sa at nag-aambag din sa agham na kognitibo at mga agham na pampagkatuto. Sa mga pamantasan, ang mga kagawaran ng sikolohiyang pang-edukasyon ay karaniwang nasa loob ng mga pakultad ng edukasyon, maaaring dahil sa kawalan ng representasyon ng nilalaman ng sikolohiyang pang-edukasyon sa mga aklat na pang-aralin ng sikolohiyang pampagpapakilala (introductory psychology).[1]
Mga sanggunian
- ↑ Lucas, J.L.; Blazek, M.A. & Riley, A.B. (2005). The lack of representation of educational psychology and school psychology in introductory psychology textbooks. Educational Psychology, 25, 347–51.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.