Silla

Para sa ibang gamit, tingnan ang Silla (paglilinaw).
Pinag-isang Silla (新羅).

Ang Silla o Shilla (Koreanong pagbigkas: [ɕilla]) ay isa sa mga Tatlong Kaharian ng Korea na umiral noong 57 BC hanggang 935. Ito rin ang may pinakamahabang napanatiling dinastiya sa kasaysayan ng Asya. Kahit ito ay itinatag ni Haring Park Hyeokgeose, na kilala rin na pinagmulan ng Koreanong apelyidong Park (박,朴), ang angkang Kyungju Kim (김,金) ang namuno sa kahigitan ng 992-taong kasaysayan ng dinastiya.

Nagsimula na isang maliit na kaharian ang Silla sa Kalipunang Samhan, na minsang naging ka-alyado ng Tsina. Nasakop nito sa kalaunan ang dalawa pang kaharian – ang Baekje noong 660 at Goguryeo noong 668. Magmula noon ay nasakop ng Pinagkaisang Silla ang karamihan sa tangway ng Korea, ngunit sa hilagang bahagi nito ang lumitaw ulit bilang kapalit-na-bansa ng Goguryeo ang Kaharian ng Balhae. Matapos ang 1,000 taong dominasyon, nagkawatak-watak ang Silla sa tatlong kaharian. Ito ay nagsilbing hudyat upang maipasa ang kapangyarihan nito sa Goryeo, ang humaliling dinastiya rito noong 935 na kung saan ang mga aristokratikong mamamayan ng dating Goguryeo ang naghari.

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.