Singsing ng Apoy ng Pasipiko
Ang Singsing na Apoy ng Pasipiko (Ingles: Pacific Ring of Fire o Ring of Fire) ay isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang bulkan at lindol na nangaganap sa Karagatang Pasipiko. Ang singsing ng apoy ay isang direktang reulta ng tektonika ng plaka sa galaw, banggaan at pagkawasak ng plaka ng litospero sa ilalim at paligid ng Karagatang Pasipiko.[1] Ang mga banggaan ay lumilkha ng tuloy tuloy na serye ng mga sona ng subduksiyon kung saan ang mga bulkan at lindol ay nangyayari. Ang konsumpsiyon ng karagatang litospero ng mga komberhenteng hangganan ng plaka ay bumuo ng mga trench sa karagatang, mga basin na likod-arko at mga sinturon na bulkaniko. Ang singsing ng apoy ay hindi isang istukturang heolohikal .Ang mga pagputok ng bulkan at mga lindol sa bawat bahagi ng singsing ng apoy ay nangyayari ng independiyente sa mga pagputok ng bulkan at mga lindol sa ibang mga bahagi ng singsing ng apoy.[2] Ang singsing ng apoy ay naglalaman ng mga 850 hanggang 1,000 bulkan na aktibo noong panahong Holoseno.[3][4][note 1]
Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga Bulkang Mayon, Pinatubo, Taal, Kanlaon at Krakatoa. Ang pagsabog na mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng pag-lindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.
- ↑ The exact number of volcanoes depends on the geographic boundaries used by the source.
Mga sanggunian
- ↑ "Moving slabs". This Dynamic Earth. USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 1997-10-11. Nakuha noong 2022-08-06.
- ↑ Klemetti, E. (26 January 2018). "No, the "Ring of Fire" is Not a Real Thing". Discover. Nakuha noong 31 October 2020.
- ↑ Venzke, E, pat. (2013). "Volcanoes of the World, v. 4.3.4". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution. doi:10.5479/si.GVP.VOTW4-2013.
- ↑ Siebert, L; Simkin, T.; Kimberly, P. (2010). Volcanoes of the World (ika-3rd (na) edisyon). p. 68.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.