Asero

Asero tulay

Ang asero (Kastila: acero, Ingles: steel, Portuges: aço) ay isang haluang metal o aloy na binubuo ng karamihang bakal, na naglalaman ng karbon na nasa pagitan ng 0.2% at 2.1% ayon sa timbang, na ayon din sa grado ng asero. Ang karbon ang pinaka pangkaraniwang materyal na panghalo para sa bakal o yero, ngunit may sari-saring iba pang mga elementong panghalo na ginagamit, katulad ng mangganesyo, kromyo, banadyo, at tungsten.[1] Gumaganap ang karbon at iba pang mga elemento bilang mga ahenteng pampatigas, na nagpapaiwas sa mga dislokasyon (pagkawala sa puwesto) ng mga balag na kristal ng atomong bakal mula sa pagdulas sa isa't isa.

Mga sanggunian

  1. Ashby, Michael F.; David R. H. Jones (1992) [1986]. Engineering Materials 2 (with corrections pat.). Oxford: Pergamon Press. ISBN 0-08-032532-7.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.