Storge
Bahagi ng serye sa |
Pag-ibig |
---|
Mga aspetong batayan
|
In history
|
See also
|
Ang storge ( /ˈstɔrdʒiː/; στοργή, storgē; binibigkas na /is-tor-gey/[1]), na tinatawag ding pagmamahal na pampamilya o pag-ibig na pangmag-anak, ang salitang Griyego para sa pagmamahal (pag-ibig, pagsuyo, paggiliw, pag-ibig) na likas[2] — katulad ng pagmamahal ng isang magulang sa isang anak, at ng anak sa magulang. Sa sikolohiyang sosyal, ang isa pang kataga para sa pagmamahal sa pagitan ng mabuting magkaibigan ay philia.[2]
Saklaw
Ang storge o pagsinta ay isang puwersang malawak ang nasasakupan na maaaring ilapat sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, mga kaibigan, mga alagang hayop at mga may-ari nila, mga kasamahan o mga panyero o panyera (kolega); maaari rin itong humalo sa at tumulong sa pagsuporta sa iba pang mga uri ng ugnayan katulad ng mainapoy na pag-ibig o pagkakaibigan (pagiging magkaibigan).[3] Kung kaya't ang storge ay maaaring gamitin bilang isang pangkalahatang kataga upang ilarawan ang pag-ibig sa pagitan ng bukod-tanging magkakaibigan, at ang pagnanais na pangalagaan sila nang may pagdamay at habag para sa isa't isa.[4]
Pag-ibig na storge
May ilang nagsasabi na mayroong ibang mga paraan na maiibig ang isang tao na nasa anyong storge. Ngunit ito ay sa pagitan ng mga mag-asawa, na may pangako sa isa't isa, at may planong magkaroon ng isang matagalang ugnayan na magkasam. Ang isa pang interpretasyon para sa storge ay ginagamit upang ilarawan ang isang ugayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao na dahan-dahang umunlad dahil sa pagiging magkaibigan.[2] — ang mga nag-iibigang istorgiko (storgic) ay paminsan-minsang hindi matukoy ang sandali kung kailan naging pag-ibig ang pagiging magkaibigan lamang.[5] Ang mga nag-iibigang istorgiko ay magkaibigan lamang muna sa simula, at ang pagiging magkaibigan ay magtatagal kahit na nagwakas na ang relasyong seksuwal.[2] Nais nilang ang kanilang mga mahal sa buhay ay maging matalik din nilang mga kaibigan, at pipili sila ng kabiyak o kapareha batay sa kahalintulad na mga layunin at mga interes – homogamiya.[6]
Ang mga nagmamahalang istorgiko (sa paraan ng storge) ay naglalagay ng pagpapahalaga sa pangako sa isa't isa, at natatagpuan nila na ang kanilang motibasyon upang maiwasan ang pagkakamit ng pagtataksil o paglililo ay ang mapanatili ang tiwala sa isa't isa. Ang mga anak at ang kasal ay tinatanaw bilang marapat na pangmatagalang mga layunin para sa kanilang pagbubuklod,[7] samantalang ang marubdob na kaigtingang seksuwal ay mas mababa ang kahalagahan kaysa sa iba pang mga estilo ng pag-iibigan.[8]
Pakinabang at kasahulan
Ang kapakinabangan ng pag-ibig na istorgiko ay maaaring ang antas ng kung paano minamahal ng isang tao ang kanilang mag-anak at ang pag-unawa sa bawat isa. Bilang dagdag, ang dalawang taong taimtim na tapat sa isa't isa ay nakadarama ng pagpapalagayang-loob na pinagsasaluhan nila. Ang pangunahing kasahulan o hindi pakinabang ng pagmamahal na istorgiko ay maaaring ang malaking paglalalaan ng panahon at malubhang epekto kapag ang dalawang tao ay sapat na nagbago upang mawala ang kanilang pagiging magkaibigan.
Mga sanggunian
- ↑ Walter Hooper, C. S. Lewis: A Companion & Guide, 1996, p. 369-70
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Strong B, Yarber WL, Sayad BW, Devault C (2008). Human sexuality: diversity in contemporary America (ika-6 na edisyon). New York: McGraw-Hill. p. 228. ISBN 978-0-07-312911-2.
{cite book}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Hooper, p. 370
- ↑ B. Strong et al, The Marriage and Family Experience (2010) p. 150
- ↑ Family Experience p. 149
- ↑ C. Gottschalk, How to Heal After Heartbreak (2013) p. 252
- ↑ J. S. Greenberg, Empowering Health Decisions (2013) p. 234.
- ↑ Gottschalk, p. 252