Tatlong haligi ng Unyong Europeo

Mula 1991 hanggang 2009, legal na binubuo ang Unyong Europeo (UE) ng tatlong haligi. Nagsimula itong gamitin sa pagpapabisa ng Tratado ng Maastricht noong 1 Nobyembre 1991, at ito ay nagwakas noong 1 Disyembre 2009 sa pagpapatibay ng Tratado ng Lisbon, kung saan nagkamit ang UE ng pinagsanib na legal na personalidad.

Ang mga tatlong haligi ay binubuo ng mga sumusunod:

  1. Hinawakan ng haligi ng mga Pamayanang Europeo ang mga patakarang ekonomiko, panlipunan at pang-kalikasan. Tatlong magkahiwalay na organisasyon ang bumuo sa haliging ito: ang Pamayanang Europeo, ang Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (nawalan ng bisa noong 2002) at ang Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko.
  2. Hinawakan ng haligi ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ang mga pangangailangang may kaukulan sa ugnayang panlabas at sa militar
  3. Idinulot ng Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal ang kooperasyon sa laban sa krimen. Dati itong ipinangalan na Ugnayang Interyor at Pang-hukuman.

Talangguhit

Unyong Europeo
Mga Pamayanang Europeo Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad (CFSP) Kooperasyong Pampulisya at Pang-hukuman sa mga Suliraning Kriminal (PJCC)
Pamayanang Europeo (EC):
  • Unyong pang-adwana at nag-iisang merkado
  • Karaniwang Patakarang Pansaka
  • Karaniwang Patakarang Pampalaisdaan
  • Batas kompetisyon ng Unyong Europeo
  • Unyong ekonomiko at pansalapi
  • Pagkamamamayang EU
  • Edukasyon at Kultura
  • Mga Kalambatang Trans-Europeo
  • Pagsasanggalang ng mga konsumidor
  • Kalusugan
  • Pagsisiyasat (hal. ang Ika-7 Programang Balangkas)
  • Batas pangkalikasan
  • Patakarang panlipunan
  • Patakaran sa mga asilo
  • Kasunduang Schengen
  • Patakarang pampandarayuhan
Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero (ECSC; hanggang 2002):
Pamayanang Europeo ng Enerhiyang Atomiko (EURATOM):
Patakarang panlabas:
Patakarang panseguridad:
  • Patakarang Europeo sa Seguridad at Tanggulan
  • mga grupong panlaban ng UE
  • Katalogong Puwersa ng Punong Layunin sa Helsinki
  • Pagpapanatili ng kapayapaan
  • Pangangalakal ng droga at pagpupuslit ng sandata
  • Terorismo
  • Labag na pagluluwas ng tao
  • Organisadong Krimen
  • Panunuhol at estafa
Unang haligi: Paraan ng pagsasamang pampanayan Ikalawang haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental Ikatlong haligi: Paraan ng kooperasyong intergubermental

Nagkakaroon ng iba't-ibang balanse sa pagitan ng mga prinsipyong supranasyonal at intergubermental sa loob ng bawat haligi.

Silipin din

  • batas ng Unyong Europeo

Mga kawing panlabas