Unibersidad ng Aachen RWTH
Ang Unibersidad ng Aachen RWTH o mas kilala sa Ingles bilang RWTH Aachen University (Pagbigkas sa Aleman: [ɛʀveːteːhaː ˈʔaːxən]) (Aleman: Rheinisch-Westfälische Technische Hochschule Aachen, RWTH Aachen)[Note 1] ay isang unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Aachen, estado ng North Rhine-Westphalia, Alemanya. Ito ay may higit sa 42,000 mag-aaral na naka-enroll sa 144 programa ng pag-aaral. Ito ay ang pinakamalaking pamantasang teknikal sa Alemanya.[1][2]
Ang unibersidad ay nagpapanatili ng mga link sa industriya at masasabing ito ay nagtataglay ng pinakamalaking pondo mula sa ikatlong partido sa kahit anong pamantasang Aleman kada miyembro ng kaguruan.[3] Noong 2007, ang RWTH Aachen ay pinili ng Deutsche Forschungsgemeinschaft bilang isa sa siyam na German Universities of Excellence para sa panghinaharap nitong konseptong RWTH 2020: Meeting Global Challenges at bukod pa rito ay nagwagi ng pagpopondo para sa isa nitong paaralang gardwado at tatlong klaster ng kahusayan.[4] RWTH Aachen ay isang tagapagtatag na miyembro ng IDEA League,[5] isang istratehikong alyansa ng apat na nangungunang mga unibersidad ng teknolohiya sa Europa. Ang unibersidad din ay isang miyembro ng TU9,[6] DFG (Deutsche Forschungsgemeinschaft)[7] at ng network na Top Industrial Managers for Europe.[8]
Mga tala
- ↑ RWTH is the abbreviation of Rheinisch-Westfälische Technische Hochschule, which translates into "Rheinish-Westphalian Technical University". The institution is in Germany commonly referred to as RWTH Aachen or simply RWTH. The abbreviation remains untranslated in other languages to avoid the use of the Hochschule term, which is sometimes mistakenly translated as highschool. Sometimes, RWTH Aachen is also referred to as TH Aachen or Aachen University.
Note: The term FH Aachen does not refer to the RWTH but to the Fachhochschule Aachen, a university of applied sciences, which is also located in Aachen.
Mga sanggunian
- ↑ Daten & Fakten – RWTH AACHEN UNIVERSITY – Deutsch. Rwth-aachen.de (2011-12-12). Hinango noong 2013-09-18.
- ↑ Official statistics[patay na link](hinago noong 2012-04-17)
- ↑ Figures by the German Federal Statistical Office Naka-arkibo 2018-08-05 sa Wayback Machine. (German; retrieved 2011-02-11).
- ↑ "Excellence-initiative.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-23. Nakuha noong 2018-02-20.
- ↑ Antje Wollenschläger. "IDEA League – IDEA League Home". Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
- ↑ Quinque, Venio (IMAG). "TU9 – TU9 Homepage". Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
- ↑ "DFG – Deutsche Forschungsgemeinschaft". Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
- ↑ "T.I.M.E. - Top Industrial Managers for Europe". Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2007. Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
50°46′40″N 6°04′41″E / 50.777777777778°N 6.0780555555556°E