Unibersidad ng California, Davis

Ikonikong tore ng tubig sa UC Davis

Ang Unibersidad ng California, Davis (Ingles: University of California, Davis, tinatawag ding UCD, UC Davis, o Davis), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at land-grant university na kabilang sa sampung bahagi ng Unibersidad ng California Sistema (UC). Ito ay matatagpuan sa Davis, California, sa kanluran lamang ng Sacramento,[1] at ang may ikatlong pinakamalaking pagpapatala sa UC Sistema pagkatapos ng UCLA at UC Berkeley.[2] Ang unibersidad ay tinutukoy bilang isa sa mga "Public Ivies", mga pampublikong unibersidad na may reputasyon at kalidad ng edukasyon na maihahalintulad sa Ivy League.[3][4]

Ayon sa Carnegie Foundation, ang UC Davis ay isang komprehensibong unibersidad sa pananaliksik sa antas doktoral, na may programang medikal at napakataas na aktibidad ng pananaliksik. Ang kaguruan ng UC Davis ay kinabibilangan ng 23 miyembro ng National Academy of Sciences, 25 miyembro ng American Academy of Arts and Sciences, 17 miyembro ng American Law Institute, 14 miyembro ng Institute of Medicine, at 14 miyembro ng National Academy of Engineering. Kabilang sa mga parangal ng mga guro, nagtapos, at mananaliksik na mula sa unibersidad ay ang ang Nobel Peace Prize, Presidential Medal of Freedom, Pulitzer Prize, MacArthur Fellowship, National Medal of Science, Blue Planet Prize, at Presidential Early Career Award for Scientists and Engineers.

Mga sanggunian

  1. "Annual Financial Report, 12/13; p.10" (PDF). Executive Vice President, CFO of the Regents of the University of California. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-04-26. Nakuha noong 2018-01-31.
  2. "University of California Annual Financial Report 12/13 – Campus Facts in Brief" (PDF). University of California. 2012. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-04-26. Nakuha noong 2018-01-31.
  3. Moll, Richard (1985). Public Ivys: A Guide to America's best public undergraduate colleges and universities.
  4. Greene, Howard R.; Greene, Matthew W. (2001). The public ivies: America's flagship public universities (ika-1st (na) edisyon). New York: Cliff Street Books. ISBN 978-0060934590.

38°32′N 121°45′W / 38.54°N 121.75°W / 38.54; -121.75 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.