Unibersidad ng Tallinn
Tallinn University | |
---|---|
Tallinna Ülikool | |
Sawikain | Thinking unlimited! |
Itinatag noong | 2005 |
Uri | Public |
Pangulo | Tiit Land |
Akademikong kawani | 392 (2016) |
Administratibong kawani | 423 (2016) |
Mag-aaral | 7,668 (2016) |
Mga undergradweyt | 4,766 (2016) |
Posgradwayt | 2,902 (2016) |
Mga mag-aaral na doktorado | 349 (2016) |
Lokasyon | , Harju County , 59°26′19″N 24°46′17″E / 59.43861°N 24.77139°E |
Maskot | Eksmati |
Apilasyon | EUA, UNICA |
Websayt | tlu.ee |
Ang Unibersidad ng Tallinn o TU; Estonian: Tallinna Ülikool, TLÜ) ay isa sa tatlong pinakamalaking mga institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Estonia. Ito ay matatagpuan sa sentro ng Tallinn, ang kabisera ng lungsod ng Estonia.
Kasaysayan
Itinatag ang pamantasan noong 18 Marso 2005 bilang resulta ng pagsasama-sama ng ilang mga unibersidad at suriang pananaliksik sa Tallinn Ang mga ito ay ang:
- Academic Library of Estonia (Aklatang Pang-akademiko ng Estonia); (1946)
- Baltic Film and Media School (Baltikong Paaralan ng Film at Media); (1992/97)
- Estonian Institute of Humanities (Suriang Estonia ng Humanidades); (1988)
- Institute of History (Suriang Pangkasaysayan); (1946) at
- Tallinn Pedagogical University (Pamantasang Pedagohikong Tallinn) (1919/52/92).
Ang karamihan sa mga kurso ng pag-aaral na inaalok ay nasa humanidades, ngunit lumalaki ang bilang ng mga kurso sa eksaktong at natural na agham.
Kasalukuyan
Kilala ang pamantasan sa loob at labas ng bansa bilang sentrong pang-agham at edukasyon. Itinampok rin ito sa QS Worldwide University Rankings (Pandaigdigang Antasan ng QS ng mga Pamantasan).[1]
Istruktura
Mga Paaralan
- Baltic Film, Media, Arts and Communication School (Baltikong Paaralan ng Film, Media, Sining at Komunikasyon)
- School of Digital Technologies (Paaralan ng Teknolohiyang Digital)
- School of Educational Sciences (Paaralan ng Agham Pang-Edukasyon)
- School of Governance, Law and Society (Paaralan ng Pamamahala, Batas at Lipunan)
- School of Humanities (Paaralan ng Humanidades)
- School of Natural Sciences and Health (Paaralan ng Likas na Agham at Kalusugan)
Mga Kolehiyo
- Kolehiyong Haapsalu
- Kolehiyong Rakvere
Mga Sanggunian
- ↑ "QS World University Rankings® 2014/15". Top Universities. Nakuha noong 17 March 2015.
Mga Kawing Panlabas
[1] Opisyal na Websayt ng Pamantasan