Vinadio
Vinadio Vinai (Occitan) | ||
---|---|---|
Comune di Vinadio | ||
| ||
Mga koordinado: 44°18′N 7°10′E / 44.300°N 7.167°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Piamonte | |
Lalawigan | Cuneo (CN) | |
Mga frazione | Sant'Anna | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Giuseppe Cornara | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 183.17 km2 (70.72 milya kuwadrado) | |
Taas | 904 m (2,966 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 629 | |
• Kapal | 3.4/km2 (8.9/milya kuwadrado) | |
Demonym | Vinadiesi | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 12010 | |
Kodigo sa pagpihit | 0171 | |
Santong Patron | Madonna del Vallone | |
Saint day | Ikalawang Linggo ng Setyembre |
Ang Vinadio (Occitan: Vinai) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Cuneo, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) timog-kanluran ng Turin at mga 30 kilometro (19 mi) timog-kanluran ng Cuneo, sa hangganan ng Pransiya. Matatagpuan ito sa tabi ng ilog ng Stura di Demonte.
Ang Vinadio ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Aisone, Demonte, Isola (Pransiya), Pietraporzio, Saint-Etienne-de-Tinée (Pransiya), Sambuco, at Valdieri.
Mga pangunahing tanawin
Sa frazione ng Sant'Anna di Vinadio ay ang eponimong santuwaryo, na siyang pinakamataas na lugar ng pagsamba ng mga Kristiyano sa Europa na humigit-kumulang 2,000 metro (6,600 tal). Ang Vinadio ay tahanan din ng isang mahalagang kuta ng dating Kaharian ng Cerdeña, ang Forte Albertino.
Kultura
Noong 2003, isinagawa sa bayan ng 'World Meeting ng 2CV Friends', kung saan humigit-kumulang 7,000 tao mula sa buong mundo ang nagkita at nagkampo sa paligid ng sinaunang Forte Albertino.
Mga sanggunian
- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.