Virgo
Ang Virgo ang ika-anim na signo ng sodyak at iniimpluwensyahan ng buntalang Mercury. Ang mga Virgo ay parating naghahanap ng kaalaman.
Madetalye at mabusisi ang mga Virgo at angkop ang mga Virgo sa mga trabahong talagang nakatuon sa mga maliliit na detalye. Praktikal at mahusay ang mga ito.
Ang problema lang sa mga Virgo ay masyado silang kritikal at mapanghusga sa kapwa tao. Kung malalampasan nila ang ganitong mga pag-uugali maabot nila ang rurok ng tagumpay sa kanilang buhay. Dahil masyadong mabusisi ang mga Virgo sa mga maliliit na bagay, nawawala tuloy sila sa kung ano talaga ang koneksiyon ng kanilang mga pinagkakabalahan sa tunay na kailangan nilang gawin. Palaisip din ang Virgo, at dahil minsan sobra na din, nakakaapekto na tuloy ito sa kanilang kalusugan. Kung matututunan lang sana nila idisiplina ang kanilang mga isip sa pag-iisip ng mga mabuti at makabuluhang bagay, ay maiiwasan ang mga masasamang epekto nito sa kalusugan. Natural, malaking ambag din ang mga tama at makabuluhang pag-iisip sa sangkatauhan.
Karamihan ng mga Virgo ay nagtutungo sa propesyon ng panggagamot.
Maraming Virgo din ang hindi nakakapag-asawa kumpara sa ibang mga Signos dahil nahihirapan silang makapali ng isang kasama-sa-buhay na papantay sa mataas nilang panukatan. Ang mga Virgo ay masipag, mabusisi, kritikal, malinis at maayos sa katawan, palaisip, at maingat sila sa lahat ng bagay.
Ilan sa mga interes ng mga Virgo ay trabaho, detalye, perpektong trabaho, paghahanap ng mga kamalian at butas.
- Namumunong Buntala: Mercury
- Pinamumunuan: Ikaanim na Bahay ng sodyak
- Kalidad: Pabago-bago o Mutablel
- Elemento: Lupa
- Pagsasalarawan: Paglilingkod
- Katanyagan: Kalubusan
- Depekto: Mabusisi at makitid ang pag-iisip.
Kung ang Virgo ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Virgo, ang suliranin ng buntalang iyon, o ng Bahay na iyon, ay naiimpluwensiyahan ng pag-iingat, sobrang pagtatangi, pag-aaral, trabaho, pagiging perpekto at lubos sa mga gawain, kalusugan, kahusayan sa mga paggawa, at paghahanap ng mga mali o butas.[1]
Galeriya
Mga sanggunian
- ↑ Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN 81-7021-1180-1