2015 sa Pilipinas
Idinedetalye ng 2015 sa Pilipinas ang mahalaga at makabuluhang mga kaganapan ng tala na nangyari sa Pilipinas noong taong 2015. Ang mga pandaigdig na kaganapan na konektado, o nag-aalala sa Pilipinas ay kasama rin sa artikulong ito.
Ang taon ay itinalaga ng Kagawaran ng Turismo bilang Visit the Philippines Year.[1]
Mga nanunungkulan
- Pangulo: Benigno S. Aquino III (Liberal)
- Pangalawang Pangulo:Jejomar C. Binay, Sr.(UNA)
- Kongreso (ika-16):
- Punong Mahistrado: Maria Lourdes P.A. Sereno
Kaganapan
Enero
- Enero 9 -- Sa isang desisyon, ipinahayag ng Korte Suprema en banc na labag sa konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o "pork barrel" funds.
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/7e/Pope_Francis_Arrival_Villamor_Airbase_1.jpg/220px-Pope_Francis_Arrival_Villamor_Airbase_1.jpg)
- Enero 15-19 -- Ang pagbisitang apostoliko at pang-estado ni Papa Francisco sa Pilipinas
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/90/Fallen_44_PNP_SAF.jpg/220px-Fallen_44_PNP_SAF.jpg)
- Enero 25 -- Napatay ang 44 na kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.[2][3][4][5]
Pebrero
- Pebrero 16 -- Pormal na kinansela ng Pangasiwaan ng Kalakalang Pandagat (MARINA) ang lisensya ng Sulpicio Lines, na ngayon ay naglilingkod bilang Philippine SpanAsia Carrier, sa pagdala ng mga pasahero sa dagat dahil sa paglubog ng MV Princess of the Stars noong 2008.
- Pebrero 25 -- Nagpahayag ang AFP ng kampanyang all-out offensive laban sa hiwalay na grupo ng MILF, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Marso
- Daan-daang mga rebeldeng Muslim sa katimugang Pilipinas ang nagparehistro para makaboto sa Halalan ng 2016 sa ilalim ng kasunduang pangkapayapaan na dinisenyo upang tapusin ang apat na dekadang hidwaan.
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/5c/Japanese_battleship_Musashi_underway_in_1944_%28NH_63473%29.jpg/220px-Japanese_battleship_Musashi_underway_in_1944_%28NH_63473%29.jpg)
- Marso 4 -- Natagpuan ang mga bahagi ng napinsalang barkong pandigma Hapones na Musashi sa Dagat Sibuyan sa Romblon.
Abril
- Abril 14 -- Kaugnay sa kasong serious illegal detention, napatunayang nagkasala nang walang makatwirang pagdududa si Janet Lim Napoles, ang utak ng PDAF Scam, at noon ay hinatulan ng reclusion perpetua.
- April 29 -- Ipinagpaliban ang pagpapatupad ng bitay sa nahatulang Filipina drug mule na si Mary Jane Veloso sa bansang Indonesia.
Mayo
- Mayo 3 -- Pinatay ng isang pangkat yunit ng MILF si Abdul Basit Usman, ang most wanted bomb expert ng bansa, sa Guindulungan, Maguindanao.
- Mayo 8 -- Halalan. Ginanap ang 2015 mayoral recall election sa lungsod ng Puerto Princesa. Tinalo ni Alkalde Lucilo Bayron ang dating alkalde Edward Hagedorn sa naturang halalan.
Hunyo
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4c/Ph_fil_negros_island.png/220px-Ph_fil_negros_island.png)
- Hunyo 5 -- Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order 183 na lumikha sa Rehiyon ng Pulo ng Negros.
Hulyo
- Hulyo 10 -- Si Lt. Gen. Hernando Iriberri, dating ika-56 na Commanding General ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (PA) ay itinalaga bilang bagong AFP Chief of Staff sa turn-over ceremonies sa pangunguna ni Pangulong Aquino III sa Kampo Aguinaldo. Hinalinhan ni Iriberri si Gen. Gregorio Pio Catapang na noo'y nagretiro mula sa serbisyo militar.
- Hulyo 23 -- Itiniwalag ng Iglesia ni Cristo sina Tenny at Angel Manalo, biyuda at anak ng yumaong dating ministro ehekutibo Eraño Manalo, dahil sa mga alegasyong nagdudulot sila ng pagkakabahagi ng grupong panreihiyon, kasunod ng isang YouTube video, na lumabas Hulyo 22, na nagsasabing nagkaroon ng malawakang pagdukot na nangyayari at panganib sa kanilang mga buhay.
- Hulyo 27 -- Inihatid ni Pangulong Benigno Aquino III ang ikaanim at ang huling State of the Nation Address na ginanap sa Batasang Pambansa.
Agosto
- Agosto 6 -- Naghain ng kasong diskwalipikasyon si Rizalito David laban kay Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal.[6]
- Agosto 18 -- Pansamantalang pinalaya ang isa sa mga akusado sa PDAF scam si dating Senate President Juan Ponce Enrile nang makapaglagak ng piyansa. Nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan siyang magbigay ng piyansa sa dahilang humanitarian.
- Agosto 27-31 -- Nagsagawa ng mga demonstrasyon ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo malapit sa opisina ng Kagawaran ng Katarungan at kalaunan ay sa EDSA.
Setyembre
- Setyembre 1 -- Pinatay ng isang grupo ng mga armadong paramilitary, di-umano'y kasama ng mga sundalo, sina Emerico Samarca, direktor ehekutibo ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), Dionel Campos, isang lider ng komunidad, at ang kanyang pinsan na si Datu Bello Sinzo, sa nayon ng Diatagon sa Lianga, Surigao del Sur. Bunga nito, hindi bababa sa 2,000 residente mula sa nayon ang lumikas.[7]
- Setyembre 7 -- Sinimulan ng PNP Highway Patrol Group ang kanilang mga tungkulin bilang traffic enforcers na pinalawak sa Epifanio De los Santos Avenue (EDSA), lalo na sa 6 na pangunahing chokepoints kung saan natuklasan ang build-up ng trapiko.
- Setyembre 20 -- Nadakip ang magkapatid na sina Joel at Mario Reyes, pawang mga pangunahing salarin sa pagpaslang kay Gerardo "Gerry" Ortega sa Puerto Princesa, ng mga immigration officer sa Phuket, Thailand.[8]
Oktubre
- Oktubre 9 -- Napatalsik ng Ombudsman mula sa kanyang puwesto sa pagka-alkalde si Junjun Binay.
- Oktubre 12-16 -- Naganap ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga kakandidato sa Pambansang Pangkalahatang Halalan, 2016.
- Oktubre 25 -- Nahuli sa NAIA ang isang 56-taon gulang na babaeng Overseas Filipino Worker na patungo sanang Hong Kong dahil di-umano sa pagdadala ng bala ng baril.[9][10] Nagdulot ng mga reaksyon ng publiko ang insidenteng bahagi ng iskandalong 'laglag-bala.'[11]
- Oktubre 30 -- Nagpasiya ang UN Permanent Court of Arbitration na may kapangyarihan ito upang dinggin ang kaso ng maritime claim na isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Nobyembre
- Nobyembre 18-19 -- Ginanap ang APEC Philippines 2015 (APEC Summit) sa Lungsod Pasay, na nagtapos sa ika-23 pulong ng APEC Economic Leaders.
- Nobyembre 29-Disyembre 3 -- Idinaos ang 2015 Spike For Peace sa Pasig, Kalakhang Maynila.
Disyembre
- Disyembre 5 -- Tumanggap ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (PAF) ng dalawang FA-50 lead-in fighter jets, dalawang C-295 medium-lift fixed-wing aircraft at anim na Augusta 109 attack helicopters para sa pagtatanggol sa teritoryo, paghahanap at pagsagip, pagtugon sa sakuna at operasyong kombat.
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/80/Ph_locator_cavite_gen_trias.png/220px-Ph_locator_cavite_gen_trias.png)
- Disyembre 12 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng General Trias, Kabite, ang ika-145 na lungsod sa bansa, matapos magwagi sa isang plebisito.[12][13] Naunang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Batas Republika Blg. 10675 na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[14]
Iba pang Kaganapan
Kalakalan at Ekonomiya
- Ipinahayag sa taong ito ang Pilipinas bilang Rising Tiger ng Asya.[15]
- Sa ulat ng CPI noong 2015, bumaba ang corruption perception ratings ng bansa sa ika-95 (mula ika-85) sa 168 mga bansa na kasama sa CPI, na may markang 35 sa 100.[16]
Kalusugan
- Disyembre 23 -- Ang Pilipinas ay naging unang bansa sa Asya upang aprubahan ang pagbebenta ng unang bakuna sa dengue sa mundo, ang Dengvaxia.
Palakasan
- Pebrero 7 -- Boxing. Tinalo ni Jason Pagara si Cesar Chavez ng Mehiko sa ikalawang round sa "Pinoy Pride 29: Fists of Fury" na ginanap sa USEP Gym, Lungsod ng Davao. Napanatili niya ang titulong WBO International junior welterweight. Nagwagi rin sa kanilang mga laban sina Genesis Servania, Arthur Villanueva, Marc Magsayo at Arjan Canillas.[17]
- Marso 28 -- Boxing. Tinalo ni Nonito Donaire si William Prado ng Brazil, at ni Donnie Nietes si Gilberto Parra ng Mehiko, sa "Pinoy Pride 30: D-Day" na ginanap sa Araneta Coliseum. Nagwagi rin sa isa pang laban si Albert Pagara.[18]
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/39/Manny_Pacquiao_at_87th_NCAA_cropped.jpg/220px-Manny_Pacquiao_at_87th_NCAA_cropped.jpg)
- Mayo 3 -- Boxing. Pinabagsak si Manny Pacquiao ni Floyd Mayweather Jr. sa tinaguriang Battle For Greatness sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
- Hulyo 12 -- Boxing. Tinalo ni Mark Magsayo si Rafael Reyes ng Mehiko, at ni Donnie Nietes si Francisco Rodriguez ng Mehiko, sa "Pinoy Pride 31: Clash of World Champions" na ginanap sa Cebu City Waterfront Hotel & Casino sa Lungsod ng Cebu.[19]
- Agosto 7 -- Boxing. Nagwagi sina Albert Pagara at Jason Pagara sa "Pinoy Pride 32: Duel in Dubai 2" na ginanap sa World Trade Center sa Dubai.[20]
- Oktubre 18 -- Boxing. Nagwagi sina Albert at Jason Pagara, at Mark Magsayo, sa "Pinoy Pride 33: Philippines vs. The World" na ginanap sa StubHub Center sa Carson, California.[21]
- Nobyembre 28 -- Boxing. Nagwagi sina Arthur Villanueva, Milan Melindo, Kevin Jake Cataraja, AJ Banal at Rocky Fuentes, sa "Pinoy Pride 34: Back with a Vengeance" na ginanap sa Hoops Dome sa Lungsod ng Lapu-Lapu.[22]
Aliwan at Kultura
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/23/Miss_Universe_2015_Pia_Wurtzbach_waves_to_the_Malacanang_Press_%28cropped%29.jpg/220px-Miss_Universe_2015_Pia_Wurtzbach_waves_to_the_Malacanang_Press_%28cropped%29.jpg)
- Marso 15 -- Kinoronahang Miss Universe Philippines 2015 si Pia Alonzo Wurtzbach sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2015 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon.
- Mayo 7 -- Sa isang pormal na seremonya, ang Lungsod ng Vigan ay pormal na ipinakilala sa publiko bilang bahagi ng "New 7 Wonder Cities."[23]
- Mayo 14 -- Nagwagi ang pangkat ng mga mananayaw ng karilyo mula Batangas na El Gamma Penumbra, na minsang sumali sa Pilipinas Got Talent, sa kauna-unahang serye ng Asia's Got Talent (naisahimpapawid sa AXN Asia) sa Singapore. Nailagay naman sa ikatlo sa kompetisyon ang Pilipinong klasikal na mang-aawit na si Gerphil Flores. Kabilang din sa finalists ang mang-aawit na si Gwyneth Dorado at grupo ng mananayaw na Junior New System.
- Mayo 30 -- Nilahukan ng 8,018 katao ang pagtatangka sa bagong pandaigdigang tala ng Guinness (Largest human smiley) na isinagawa sa Burnham Green, Quirino Grandstand, Luneta Park, Maynila, at nakuha ito ng Alliance In Motion Global Inc. (Philippines).[24]
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/Angelia_Ong_supports_International_Women%27s_Day.jpg/220px-Angelia_Ong_supports_International_Women%27s_Day.jpg)
- Mayo 31 -- Kinoronahang Miss Philipppines Earth 2015 si Angelia Gabrena Ong ng Maynila sa grand coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena.
- Hunyo 10 -- Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) ngayon ang opisyal na nagmamay-ari ng Manila Metropolitan Theater (MET), pagkatapos ng lagdaan ng deed of absolute sale sa pagitan ng NCCA at ang dating may-ari nito, ang Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS).
- Hulyo 19 -- Nilahukan ng 12,975 katao ang pagtatangka sa bagong pandaigdigang tala ng Guinness para sa Largest Zumba class, na nakamit sa isang kaganapang isinagawa sa Lungsod ng Mandaluyong.[25]
- Agosto 2 -- Kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International si Leren Mae Bautista sa coronation night na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.[26]
- Setyembre 24 -- Nakamit ng Megaworld Corporation (Pilipinas) ang bagong pandaigdigang tala ng Guinness para sa Largest display of origami lanterns na umabot ang bilang sa 19,552 at ipinakita sa Lucky Chinatown sa Maynila.[27]
- Oktubre 8 -- Kinoronahang Miss Globe 2015 si Ann Lorraine Colis.
- Oktubre 12 -- Nakuha ng koro ebanghelyo ng Church of God International na Ang Dating Daan Chorale ang bagong pandaigdigang tala ng Guinness para sa (Largest gospel choir) na isinagawa ng 8,688 kasapi ng koro sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod ng Quezon.[28]
- Oktubre 18 -- Kinoronahan bilang Miss World Philippines 2015 si Hillarie Danielle Parungao sa coronation night na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Lungsod ng Parañaque.[29]
- Oktubre 24 -- Inilunsad ng Eat Bulaga! ang "Sa Tamang Panahon" concert sa Philippine Arena.
- Nobyembre 5 -- Kinoronahan bilang Miss Republic of the Philippines 2015 si Fermira Dianne Ramos ng Zambales sa coronation night na ginanap sa teatro ng Solaire Resort & Casino sa Lungsod ng Parañaque.[30]
- Nobyembre 6 -- Kinoronahang Miss International Queen ang Filipina Transgender na si Trixie Martistela sa coronation night sa Tiffany Show Theater sa Pattaya, Thailand.
- Disyembre 6 -- Nakoronahang Miss Earth 2015 si Miss Philippines Angelia Ong sa Marx Halle, Vienna, Austria.
- Disyembre 21 -- Nakoronahang Miss Universe 2015 ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia Alonzo Wurtzbach, sa ika-64 na edisyon ng patimpalak na ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. Siya ang naging ikatlong Pilipinang nanalo ng nasabing titulo.
- Disyembre 31 -- Nakoronahang 2015 Miss Tourism Queen International si Leren Mae Bautista.
Sakuna at Aksidente
- Enero 19 -- Hindi bababa sa 10 manggagawa ang nasawi nang gumuho ang isang kongkretong pader sa isang itinatayong warehouse sa Guiguinto, Bulacan.[31]
- Mayo 13 -- Naganap ang sunog sa pagawaan ng tsinelas na Kentex Manufacturing. Nagresulta sa pagkasawi ng 72 mga empleyado.
- Hulyo 2 -- 59 tao ang nasawi at 145 ang nakaligtas nang tumaob ang barkong M/B Kim Nirvana lulan ang 189 pasahero at crew ilang minuto pagkatapos umalis ng Ormoc.[32]
- Hulyo 17 -- Isang pader sa isang malawak na hukay ng karbon ang gumuho, na ikinamatay ng 9 na manggagawa, sa lugar kung saan isang katulad na insidente ang naganap dalawang taon na ang nakakaraan sa open Panian pit sa Semirara Island, Antique.[33]
- Agosto 4 -- Hindi bababa sa 7 tao ang namatay, kabilang ang 4 na bata, sa sandaling baha dulot ng malakas na ulan sa Timog Pilipinas.[34]
- Agosto, unang bahagi -- Nanalasa ang Bagyong Hanna (Typhoon Soudelor) sa Pilipinas.
- Agosto 14 -- Nasunog ang barkong MV Wonderful Stars na may lulang 544 pasahero sa pantalan ng Ormoc City, dalawang crew lamang ang bahagyang nasaktan.[35]
- Agosto 22-23 -- Nanalasa ang Bagyong Ineng (Typhoon Goni) sa Pilipinas. Matapos umalis ng hilagang Pilipinas, nakapagtala ito ng hindi bababa sa 15 tao ang patay at maraming iba pang nawawala na karamihan ay nalibing sa pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.[36]
- Oktubre 6 -- Namataaan ng Philippine Coast Guard ang isang katawan, mga labi at isang oil slick sa laot ng dagat na nasa 400 km sa kanluran ng Laoag. Ang yateng Europa lulan ang dalawang Briton, isang Amerikano, isang Canadian at isang Pilipino ay naglaho habang naglalayag sa katubigang hinahagupit ng bagyo linggong nakaraan.[37]
- Oktubre 18 -- Tinamaan ng Bagyong Lando, opisyal na tinawag bilang Typhoon Koppu, ang hilaga at gitnang Luzon, lumikha ng malawakang pinsala at baha sa Luzon. Unang nanalasa sa dalampasigan ng hilagang-silangang lalawigan ng Aurora kinaumagahan, nag-iwan ito ng hindi bababa sa 39 patay, at higit sa 65,000 residente ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Naging sanhi rin ito ng malawak na pinsala sa mga sakahan at pangisdaan.[38]
- Oktubre 30 -- Nasawi ang 15 vendor kabilang ang 4 na bata sa sunog sa pampublikong pamilihan sa Zamboanga City.[39]
- Disyembre 14-19 -- Winasak ng Bagyong Nona (Typhoon Melor) ang mga bahagi ng Pilipinas, pumatay ng 41 at umabot sa ₱ 2 bilyon ang mga pinsala.
Mga paggunita
Noong Hulyo 17, 2014, inanunsyo na ng pamahalaan ang hindi bababa sa 18 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2016 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proclamation No. 831, serye 2014.[40] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay "special non-working holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang "espesyal na okasyon para sa mga paaralan."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 2 – Special non-working holiday
- Pebrero 19 – Bagong Taong Tsino
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986
- Abril 2 – Huwebes Santo
- Abril 3 – Biyernes Santo
- Abril 4 – Sabado de Gloria
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Hulyo 17 -- Eid'l Fitr (Pista ng Ramadan)
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 31 – Araw ng mga Bayani
- Setyembre 25 -- Eid al-Adha (Pista ng Sakripisyo)[41]
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 24 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan)
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Huling araw ng taon (Sa pagdiriwang ng Bagong Taon)
Kamatayan
Enero
- Enero 7 -- Susan Calo-Medina, television host. (isinilang 1941)
Marso
- March 4 -- Jam Sebastian, bahagi ng JaMich, isang real-life couple na nagkamit ng katanyagan sa YouTube. (isinilang 20 Marso 1986)[42]
- March 14 -- Liezl Martinez, aktres, TV host at MTRCB board member. (isinilang 27 Marso 1967)[43]
- Marso 27 -- Josefino Cenizal, aktor, musikero, kompositor at direktor. (isinilang 14 Setyembre 1919)
Abril
- Abril 1 -- Roel Cortez, mang-aawit at manunulat ng awit noong dekada 1980. (isinilang 30 Hulyo 1967)
- Abril 14 -- Ameril Umbra Kato, founding leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (isinilang 18 Mayo 1946)
- Abril 17
- Gary Ignacio, bokalista ng bandang Alamid. (isinilang 1966)
- Richie D' Horsie (Ricardo Reyes), komedyante. (isinilang 13 Setyembre 1957)
Mayo
- Mayo 3 -- Abdul Basit Usman, ang most wanted bomb expert ng bansa (isinilang 1974)
- Mayo 16 -- Ernesto Estrada, basketbolista ng Philippine Basketball Association. (isinilang 7 Nobyembre 1949)
Hunyo
- Hunyo 13 -- Junix Inocian, aktor. (isinilang 17 Marso 1951)
- Hunyo 28 -- Leoncio Pitao, o 'Kumander Parago,' ang punong kumander ng New People's Army.
Hulyo
- Hulyo 7 -- Julia Buencamino, aktres. (isinilang 5 Disyembre 1999)
- Hulyo 8
- Robert Campos, isang artistang Pilipino at tinaguriang Matinee Idol mula sa bakuran ng LVN Pictures. (isinilang 1940)
- Lucita Soriano, beteranong aktres. (isinilang 23 Pebrero 1941)
- Hulyo 15 -- Pocholo Montes, beteranong aktor. (isinilang 1946)
- Hulyo 17 -- Andal Ampatuan, Sr., dating gobernador ng lalawigan ng Maguindanao. (isinilang 1941)
- Hulyo 23 -- Jimboy Salazar, mang-aawit at aktor. (isinilang 1981)
Agosto
- Agosto 2 -- Marcelo "Ozu" Ong, kasapi ng “Masculados Dos.” (isinilang 1985)
- Agosto 6 -- Amado Pineda (isinilang 5 Mayo 1938)
- Agosto 17 -- Agapito 'Butz' Aquino, Senador (1987 – 1995). (isinilang 20 Mayo 1939)
Oktubre
- Oktubre 5 -- Joker Paz Arroyo, Senador (2001 – 2013). (isinilang Enero 5, 1927)
- Oktubre 8 -- Elizabeth Ramsey, artista, mang-aawit, at komedyante. (isinilang Disyembre 3, 1931)
- October 10 -- Guillermo "Gerry" Katigbak, beterano at kilalang fashion designer.
- Oktubre 13 -- Rizzini Alexis Gomez, nagwagi ng titulong 2012 Miss Tourism International (isinilang 1990)[44]
Nobyembre
- Nobyembre 3 -- Nolyn Cabahug (isinilang 1956)
- Nobyembre 8 -- Willy Milan (Wilfredo Cruz) (isinilang 1947)
Disyembre
- Disyembre 21 -- Lim Eng Beng, basketbolista ng Philippine Basketball Association. (isinilang 10 Nobyembre 1951)
Mga taga-media na pinaslang sa bansa sa taong 2015 (sa pitong mamamahayag na pawang hindi pa tiyak ang motibo[45], tatlo rito ay posibleng may kinalaman sa kanilang mga trabaho:[46] Ybañez, Escanilla, Maestrado):
- Enero 8 -- Nerlita Ledesma, Abante, sa Lungsod ng Balanga
- Pebrero 14 -- Maurito Lim, dyRD, sa Lungsod ng Tagbilaran
- Abril 13 -- Melinda "Mei" Magsino, Philippine Daily Inquirer, sa Lungsod ng Batangas
- Hunyo 25 -- Jonathan Oldan, assistant cameraman ng CNN Philippines, sa Lungsod ng Imus, Cavite.[47]
- Agosto 18 -- Gregorio Ybañez, kolumnista sa pahayagan (Kabuhayan News Service), sa Lungsod ng Tagum, Davao del Norte.
- Agosto 19 -- Teodoro Escanilla, brodkaster sa radyo (DZMS), sa Barcelona, Sorsogon.
- Agosto 27 -- Cosme Maestrado, brodkaster sa radyo (DXOC), sa Lungsod ng Ozamis, Misamis Occidental.
- Oktubre 31 -- Jose Bernardo, brodkaster sa mga radyo (DWBL and DWIZ) at kolumnista sa pahayagan (Bandera Pilipino), sa Lungsod ng Quezon. (Hindi malinaw ang motibo, ngunit hindi napatutunayan ng mga ebidensya na may kinalaman ito sa kanyang tungkulin.)
Estatistika
Iba pang impormasyon | |
---|---|
Lawak | 300,000 kilometro kwadrado (115,831 milya kwadrado) |
Populasyon | (Batay sa senso, Agosto 1, 2015): 100,981,437[48] |
Kabisera | Maynila (ang ilang mga opisina ng pamahalaan at mga kagawaran ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon at iba pang mga lugar sa Kalakhang Maynila) |
Mga Panlabas na Kawing
- "In memoriam: PH stars who died in 2015." Rappler. 12-30-2015. Hinango noong 05-21-2016.
- "Newsmakers who died in 2015" Rappler. 12-31-2015. Hinango noong 12-22-2016.
- "In memoriam: Stars we lost in 2015." Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. PEP.ph. 12-29-2015. Hinango noong 05-21-2016.
- "Philippines Year in Review 2015." Oxford Business Group. 12-25-2015. Hinango noong 05-21-2016.
- "Year-ender Special: People of the Year 2015." ABS-CBN Lifestyle. 12-29-2015. Hinango noong 05-21-2016.
- "YEARENDER: PH ends 2015 with less typhoons; to decommission 2 killer cyclones." Naka-arkibo 2016-07-24 sa Wayback Machine. InterAksyon.com. Disyembre 22, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "Inquirer #Best ofSeven 2015" INQUIRER.net. Disyembre 24, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "2015 Philippine Newsmakers." Philippine Primer. Disyembre 31, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "Top 10 showbiz newsmakers of 2015" (Parts I Naka-arkibo 2016-04-15 sa Wayback Machine. and II Naka-arkibo 2016-01-18 sa Wayback Machine.). The Philippine Online Chronicles. Disyembre 31, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "9 entertainment newsmakers in 2015." Rappler. Enero 5, 2016. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "Filipino and Fil-Am newsmakers of 2015." Naka-arkibo 2016-01-10 sa Wayback Machine. Asian Journal. Disyembre 29, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "Twitter reveals top trending topics of 2015; AlDub makes it to the list." Naka-arkibo 2015-12-22 sa Wayback Machine. CNN Philippines. Disyembre 31, 2015. Hinango noong Mayo 21, 2016.
- "YEAR IN REVIEW: 2015 (A banner year for the Philippine auto industry)." Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. The Manila Times. Disyembre 28, 2015. Hinango noong Hunyo 16, 2016.
- "Philippines in 2015: A Year in Review."[patay na link] GB Marcos. Disyembre 31, 2015. Hinango noong Hunyo 16, 2016.
- "2015 RANDOM REPUBLIKA AWARDS: BIGGEST NEWSMAKERS & TRENDS IN THE PHILIPPINES" Random Republika. Enero 11, 2016. Hinango Set. 21, 2016.
- Balita Naka-arkibo 2016-03-07 sa Wayback Machine.. Taon XLIV Bilang 32. Enero 1, 2016 isyu. Naka-arkibo 2016-03-07 sa Wayback Machine. (pahina 2)
- Philippine Panorama. Disyembre 27, 2015 isyu.[patay na link]
- "Top 15 Filipino celebrity deaths of 2015" LIONHEARTV. 12-30-2015.
Tingnan din
- "Philippines profile - Timeline" BBC News.
Mga sanggunian
Pasilip ng sanggunian
- ↑ "It's still more fun in PHL: 2015 will be Visit the Philippines Year, says DOT". GMA News. 09-04-2014. Hinango 10-04-2016.
- ↑ "TIMELINE: Mamasapano clash" Rappler. 02-07-2015. Hinango 10-11-2016.
- ↑ "SLIDESHOW: AFP’s chronology of events of Mamasapano clash" INQUIRER.net. 02-09-2015. Hinango 10-11-2016.
- ↑ "DOJ conducts preliminary probe of 90 respondents in Mamasapano case" Naka-arkibo 2016-01-11 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 11-27-2015. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Chronology of Events: Tukanalipao, Mamasapano Incident" Scribd (Upoaded by Office of the Presidential Adviser on the Peace Process) Hinango 10-15-2016.
- ↑ "TIMELINE: Grace Poe's citizenship, residency" Rappler. Setyembre 4, 2015.
- ↑ "TIMELINE: Attacks on the Lumad of Mindanao" Rappler. 09-16-2015. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "TIMELINE: Gerry Ortega murder case" Rappler. Setyembre 22, 2015.
- ↑ "Japanese, OFW arrested at NAIA for bullets in bag" The Philippine Star. philstar.com. Oktubre 28, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Isang bala ka lang: Netizens decry 'laglag-bala' incident" Rappler. Oktubre 28, 2015. Hinango Setyebre 17, 2016.
- ↑ "TIMELINE: Recent cases of alleged bullet scam at NAIA" Rappler. 11-02-2015. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "General Trias in Cavite now a city" Rappler. Disyembre 13, 2015. Hinango Setyembre 17 2016.
- ↑ "PSGC Updates (October to December 2015)" Philippine Statistics Authority – National Statistical Coordination Board. Disyembre 31, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016. "Republic Act No. 10675, converting Municipality of General Trias into a component city was ratified through a plebiscite conducted by the COMELEC on December 12, 2015."
- ↑ "Aquino approves cityhood of General Trias in Cavite" Rappler. Agosto 27, 2015. Hinango Setyembre 17 2016.
- ↑ "Philippines to be $1-trillion economy by 2030" Rappler. Disyembre 5, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "TIMELINE: anti-corruption initiatives in the Philippines" Naka-arkibo 2016-09-18 sa Wayback Machine. Rappler. 07-27-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Pinoy Pride 29: Pagara stops Mexican Chavez in two" Inquirer Sports. Pebrero 10, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Donaire, Nietes defeat foes in Pinoy Pride 30" ABS-CBN News. Marso 29, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Pinoy Pride 31 Results: Nietes, Magsayo emerge victorious" Naka-arkibo 2016-12-28 sa Wayback Machine. ABS-CBN Sports. Hulyo 12, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Pagara brothers win in Pinoy Pride 32"[patay na link] The Manila Times. Agosto 8, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Pagaras, Magsayo score knockouts in Pinoy Pride 33" ABS-CBN News. Oktubre 18, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Pinoy Pride 34: Filipino boxers sweep foreign foes" Inquirer Sports. Nobyembre 29, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Vigan officially inaugurated as a New7Wonders City" World of New7Wonders. Mayo 8, 2015. Hinango Set. 20, 2016.
- ↑ "Largest human smiley" Guinness World Records. 2015. Hinango Setyembre 19, 2016. "The largest human smiley was achieved by 8,018 people during an event organized by Alliance In Motion Global Inc. (Philippines) at Burnham Green, Quirino Grandstand, Luneta Park, Manila, Philippines on 30 May 2015. The record was organized in occasion of AIM Global 9th company anniversary."
- ↑ "Video: Philippine city hosts Largest Zumba class workout" Guinness World Records. Hulyo 22, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "FULL LIST: Winners, Mutya ng Pilipinas 2015" Rappler. Agosto 2, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Enormous dragon made out of 20,000 origami lanterns sets record for Philippine mall" Guinness World Records. Oktubre 12, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "Listen to the largest gospel choir’s record-breaking performance in the Philippines" Guinness World Records. Oktubre 14, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
- ↑ "FULL LIST: Winners, Miss World Philippines 2015" Naka-arkibo 2016-12-20 sa Wayback Machine. Rappler. Oktubre 19, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Zambales bet wins Miss Republic of the Philippines" Inquirer Entertainment. Nobyembre 5, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Ferry with 544 passengers catches fire in central Philippines; only 2 crew with minor injuries." Fox News. Agosto 14, 2015. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "Fire at public maket in southern Philippines kills 15 vendors, children." Fox News. Oktubre 31, 2015. Hinango Hunyo 20, 2016.
- ↑ "List of nationwide holidays for 2015". Naka-arkibo 2014-07-26 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Hulyo 23, 2014. Retrieved Mayo 15, 2016.
- ↑ "Proclamation No. 1128, s. 2015". Naka-arkibo 2016-09-17 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Set. 15, 2015. Hinango Mayo 15, 2016.
- ↑ "14 celebrities who died of cancer." ABS-CBN News. Marso 16, 2015. Retrieved Mayo 21, 2016.
- ↑ "14 celebrities who died of cancer." ABS-CBN News. Marso 16, 2015. Retrieved Mayo 21, 2016.
- ↑ "13 celebrities who died too young." ABS-CBN News. 10-23-2015. Hinango noong 05-21-2016.
- ↑ "Journalists Killed in Philippines" Committtee to Protect Journalists. Hinango Setyembre 18, 2016.
- ↑ "In the Philippines: Three Journalists Were Killed for Their Work in 2015" CMFR. Enero 6 2016 Hinango Setyembre 18, 2016.
- ↑ "CNN Philippines assistant cameraman gunned down in Cavite" Inquirer News. Hunyo 25, 2015. Hinango Setyembre 18, 2016.
- ↑ "Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population" Philippine Statistics Authority. Mayo 19, 2016. Hinango Set. 20, 2016.