DWIZ-AM

DWIZ-AM
Pamayanan
ng lisensya
Pasig
Lugar na
pinagsisilbihan
Malawakang Maynila at mga karatig na lugar
Frequency882 kHz
TatakDWIZ 882
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
Pagmamay-ari
May-ariAliw Broadcasting Corporation
97.9 Home Radio
Aliw Channel 23
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1 Hulyo 1946 (1946-07-01)
Dating call sign
KZPI
(1946–1948)
DZPI
(1949−1972)
Dating frequency
800 kHz
(1946−1978)
Kahulagan ng call sign
International Zone
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA (clear frequency)
Power50,000 watts
Link
Webcaststreema.com/radios/DWIZ
Websitedwiz882am.com

Ang DWIZ (882 AM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Aliw Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 20th Floor, Citystate Centre, 709 Shaw Boulevard, Brgy. Oranbo, Pasig, at ang transmite nitor ay matatagpuan sa Osmeña St., Brgy. Pag-Asa, Obando, Bulacan.

History

1946–1948: As KZPI

Itinatag ang DWIZ noong Hunyo 4, 1946 bilang 'KZPI (nananahulugan bilang Philippine Islands)[1] sa ilalim ng Philippine Broadcasting Corporation (PBC) na pagmamay-ari ng pamilya Soriano at Ramon Roces.[2] Noong panahong yan, nasa 800 kHz ang talapihitan ito.

Nasa ikalimang palapag ng Filipinas Building sa Plaza Moraga, Maynila ang una nitong tahanan.[3][4] Ang una nitong transmiter sa Polo, Bulacan ay galing sa Raytheon Production Corporation na nakabase sa Amerika.[5][2] Kabilang sa mga inere itong programa ay ang balita kada oras, dance music galing sa Manila Hotel at El Cairo Night Club.[5]

Kabilang ito sa tatlong himpilan ng sumaklaw sa pagdeklara ng kalayaan mula sa Estados Unidos sa Luneta Park, at ang pangalawang pagtatag ni Manuel Roxas bilang pangulo ng baagong Republika.[2][4]

1949–1972: DZPI

Kasunod ng 1947 International Radio Conference ng International Telecommunication Union sa Estados Unidos, kung saan desidigong palitan ang unang call letter ng mga himpilan sa pilipinas sa "D" mula sa "K", na nagkabisa noong 1949,[2] nagpalit ang call letters nito sa DZPI.[6]

Sa parehong taon, binili ng Manila Broadcasting Company ang PBC na nagsisilbing sangay ng nasabing kumpanya. Dahil dito, nagsilbing kapatid ng DZRH at DZMB ang DZPI.[1] Sa kalagitnaan ng dekada 60, naging Radio Philippines ito.

Sa kalagitnaan ng 1972, lumipat ito sa Navotas, Rizal.[7] Inulat ng DZPI ang pagaresto sa mga pulitikong tutol kay Pangulong Ferdinand Marcos. Kasunod ng pagdeklara ni Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 24, nawala ito sa ere.[8]

1972–1991: Sunshine City

Noong Setyembre 24, 1972, bumalik ang himpilang ito sa ere bilang DWIZ Sunshine City sa ilalim ng call letters na DWIZ. Umere ito ng Top 40 na format.[9] Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 882 kHz. [10] Noong 1986, naging full service ang format nito, kung saan umere ito ng halong musika at balita. Noong Marso 1991, namaalam ang DWIZ Sunshine City sa ere.[11]

1991–present: Todong Lakas

Noong 1991, binili ng Aliw Broadcasting Corporation na pagmamay-ari ni Antonio Cabangon Chua ang DWIZ.[9][12][13] Lumipat ito sa Pasong Tamo, Makati, kung saan nandoon ang BusinessMirror at Pilipino Mirror. Bumalik ito sa ere noong May 12 na may balita at talakayan sa format nito. Opisyal itong inilunsad noong Hunyo 6 na may bansag na "Boses Pilipino, Radyo ng Tao".[14][13]

Kabilang sa mga personalidad ng DWIZ ay ang mga taga-DZRH, kagaya ni Rey Langit.[12] Ito ang kauna-unahang himpilan na gumagamit ng Broadcast Tandem System, kung saan dalawa ang nagsisilbing tagapagbalita sa mga programang pangbalita. Ang pagdiwang tuwing Araw ng Kalayaan at ang pagsabog ng Bundok Pinatubo ay ang mga unang saklaw ng DWIZ.[12] Dahil sa lakas nito na 50,000 watts, binansagan din itong Todong Lakas.

Noong 2000, lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa Citystate Centre sa Pasig.[15][16]

Noong 2005, inilunsad ng DWIZ ang Karambola, isang programang pangpukitika tampok ang mga kolumnista na pinamumunuan ni Jonathan De la Cruz.[17] Ito ay isa sa mga matagal na programa ng himpilang ito.

Noong Enero 3, 2014, nagkaroon ng 3-taong kasunduan ang DWIZ at ang Radio Philippines Network para iere ang ilan sa mga programa nito sa mga himpilan ng Radyo Ronda.[18] DWIZ also launched its first ever radio jingle on July 14, 2014, a couple of days before Typhoon Glenda (Rammasun) wreaked havoc over Metro Manila.

Noong Enero 30, 2023, sa pagpalawig ng DWIZ sa buong bansa, muling inilunsad ang mga himpilan ng Home Radio sa probinsya bilang DWIZ News FM.[19]

DWIZ News TV

Broadcasting vehicle at Makati

Noong Mayo 6, 2022, inilunsad ng DWIZ ang sarili nitong TeleRadyo feed sa digital TV sa pamamagitan ng Channel 23 (527.143 MHz).[20] na ibinigay ng National Telecommunications Commission noong Enero 5.[21]

Noong Agosto 10, kilala ito bilang IZTV na binansagang The News Company. Opisyal itong inilunsad noong Nobyembre 18. On January 30, 2023, naging ALIW Channel 23 ito.[22]

Kamakailan, inilagay ang TeleRadyo feed nito sa isang subchannel bilang DWIZ News TV. Gayunpaman, umeere pa rin ang karamihan din sa mga programa ito sa Aliw Channel 23.

Mga Parangal

  • Best Radio Documentary (Siyasat: "Damo") 23rd KBP Golden Dove Awards 2015
  • The "Most Outstanding Radio Station of the Year" awarded by the Rotary Club of Manila Journalism Awards,
  • The "Best Magazine Program" awarded to "Siyasat" by the KBP Golden Dove Awards,
  • Citation in the "Best AM Radio Station" category in the KBP Golden Dove Awards
  • Best Station Radio Category by the Universal Peace Federation
  • Gawad Ulat for Most Supportive Radio Station by the Department of Social Welfare and Development

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Citations:
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Enriquez, Elizabeth (2008). Appropriation of Colonial Broadcasting: A History of Early Radio in the Philippines, 1922–1946. Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. ISBN 978-971-542-548-3. Nakuha noong July 29, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  3. "Radio Veritas Asia on Shortwave". Wavescan. ontheshortwaves.com. July 1, 2018. Nakuha noong July 30, 2024.
  4. 4.0 4.1 "New Broadcast Station Opened in Philippines". Foreign Commerce Weekly. Washington, D.C.: United States Department of Commerce. March 7, 1949. p. 39. Nakuha noong July 30, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  5. 5.0 5.1 Shaffer, Ernest (January 1947). "Commercial Radio Broadcasting in the Republic of the Philippines". Industrial Reference Service (volume 5—part 1, number 2). Washington, D.C.: United States Department of Commerce. pp. 1–5. Nakuha noong July 29, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  6. Sanchez, Louie Jon (2019). "Pagtatatag ng Tradisyon at Kumbensiyon: Ang Soap Opera sa Radyo, 1922–1963" (PDF). University of Santo Tomas. Tomás. Nakuha noong July 29, 2024.
  7. Broadcasting Stations in the World; Part I: Amplitude Modulation Broadcasting Stations (PDF). Washington, D.C.: Foreign Broadcast Information Service. July 1, 1972. p. 187. Nakuha noong July 30, 2024 – sa pamamagitan ni/ng World Radio History.
  8. Maslog, Crispin (September 21, 2020). "Philippines: Crispin Maslog: Remembering Martial Law – courageous journalism lessons". Pacific Media Centre. Auckland University of Technology. Nakuha noong July 30, 2024.
  9. 9.0 9.1 Sallan, Edwin P.; Bonotan, Trixzy Leigh (30 January 2023). "DWIZ revamps news programming, more changes happening within '23". BusinessMirror. Nakuha noong 20 February 2024.
  10. Philippine Yearbook 1979. Manila, Philippines: National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Office. 1979. p. 810. Nakuha noong July 30, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  11. Aniceto, Ben (2007). Stay Tuned: The Golden Years of Philippine Radio. University of Michigan Press. pp. 76, 510. ISBN 9789719401407. Nakuha noong August 26, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  12. 12.0 12.1 12.2 Aliw Broadcasting Corp.: 23 years of public serviceNaka-arkibo May 12, 2014, sa Wayback Machine.
  13. 13.0 13.1 Jurado, Emil (May 23, 1991). "[Notes]". Manila Standard. p. 10. Nakuha noong August 2, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  14. Citations (tagline):
  15. "In Makati, one hectare is a lot of land". Manila Standard. July 6, 1999. p. 5. Nakuha noong August 3, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  16. "DWIZ now broadcasts in Taiwan, Hong Kong, Macau". Manila Standard. February 19, 2003. p. 19. Nakuha noong August 2, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  17. "'Karambola' merges social, traditional media". BusinessMirror. July 11, 2019.
  18. RPN-Aliw tie-up to broaden broadcasting reach Naka-arkibo January 3, 2014, sa Wayback Machine.
  19. Celario, Eunice; Cambri, Susan (January 30, 2023). "Pagbabago sa DWIZ Kaabang-abang". Filipino Mirror. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 30, 2023. Nakuha noong January 30, 2023.
  20. "NTC allows DWIZ operator Aliw Broadcasting to use Channel 23". ABS-CBN News. January 26, 2022. Nakuha noong January 28, 2022.
  21. De Guzman, Warren (January 26, 2022). "NTC allows DWIZ operator Aliw Broadcasting to use Channel 23". ABS-CBN News. Nakuha noong January 26, 2022.
  22. De Guzman, Warren (January 26, 2022). "NTC allows DWIZ operator Aliw Broadcasting to use Channel 23". ABS-CBN News. Nakuha noong January 26, 2022.