Ika-7_dantaon
Milenyo: | ika-1 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 600 dekada 610 dekada 620 dekada 630 dekada 640 dekada 650 dekada 660 dekada 670 dekada 680 dekada 690 |
Ang ika-7 dantaon (taon: AD 601 – 700), ay isang panahong mula 601 hanggang 700 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano sa Karaniwang Panahon. Ang populasyon ng mundo ay lumiit sa mga 208 milyong katao.[1]
Sa panahong ito, ang pagkalat ng Islam at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia ni Propeta Muhammad simula noong 622. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong 632, lumawak ang Islam lagpas ng Tangway ng Arabia sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632–661) at Kalipatong Umayyad (661–750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ng Persya noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon ang Syria, Palestina, Armenia, Ehipto, at Hilagang Aprika.
Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan ang Imperyong Bisantino noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.
Sa Tangway ng Iberia, ang ika-7 siglo ay ang Siglo de Concilios, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.
Sa Tsina, pinalitan ang dinastiyang Sui ng dinastiyang Tang, na gumawa ng mga base militar mula Korea hanggang Gitnang Asia at sumunod sa mga Umayyad sa kalaunan. Naabot ng Tsina ang rurok nito. Kumampi ang Silla sa dinastiyang Tang, na napasuko ang Baekje at tinalo ang Goguryeo upang mapag-isa ang Tangway ng Korea sa ilalim ng iisang pinuno.
Nanatili ang panahong Asuka sa Hapon sa buong ikapitong siglo.
Ipinag-isa ng Harsha ang Hilagang Indya, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Gupta noong ika-6 na dantaon.
Mahahalagang tao
- Abu Bakr, unang kalipa ng Islam
- Gregory ang Dakila, (540–604), teologo, Papa, Sibil na tagapangasiwa ng Roma
- Heraclius—Mandirigmang Emperador ng Bisantino na nanalo ng maraming tagumpay laban sa mga Sasanida (Persyano)
- Khalid ibn al-Walid (592–642), kumander ng Arabeng Muslim na militar na tinalo ang mga imperyong Romano at Persiyano sa daan-daang labanan
- Muhammad (570–632), huling propeta sa relihiyong Islamiko
- Emperor Taizong of Tang (599–649), Tsina
- Umar, ikalawang kalipa ng Islam
Mga sanggunian
- ↑ The good and bad of a population drop (sa Ingles)