Aaron Swartz

Aaron Swartz
Kapanganakan
Aaron H. Swartz[1]

8 Nobyembre 1986(1986-11-08)
Kamatayan11 Enero 2013(2013-01-11) (edad 26)
Crown Heights, Brooklyn, Nuweba York, Estados Unidos
DahilanPagpapabitay sa sarili
TrabahoTagapagpaunlad ng software, manunulat, aktibista sa Internet
Websiteaaronsw.com

Si Aaron H. Swartz (8 Nobyembre 1986 – 11 Enero 2013) ay isang Amerikanong tagapagprograma ng kompyuter, manunulat, tagasinop (arkibista), pampolitikang organisador, at aktibista sa Internet.

Isang kasapi si Swartz ng RSS-DEV Working Group na naging isa sa mga may-akda ng espesipikasyong "RSS 1.0" ng RSS,[2] at inilikha niya ang balangkas na pang-websayt na web.py at ang arkitektura para sa Aklatang Bukas (Open Library). Inilikha rin niya ang Infogami, isang kompanya na sumanib sa Reddit sa mga unang araw into, kung saan naging isa siya sa mga may-ari ng isinanib na kompanya.[i] Nakatuon din ang mga gawain ni Swartz sa sosyolohiya, kamalayang makabayan at aktibismo.[3][4] Noong 2010, isa siyang kasapi ng Sentro ng Etika sa Pamantasang Harvard. Isa rin siya sa mga tagapagtatag ng grupong Demand Progress (na kilala para sa kanilang adbokasiya laban sa Stop Online Piracy Act sa Estados Unidos), at tumulong din sa mga gawaing pang-adbokasiya ng mga grupong Rootstrikers and Avaaz.

Noong 6 Enero 2011, bilang bahagi ng isang pederal na pagsisiyasat sa Estados Unidos, inaresto si Swartz na may kaugnayan sa sistematikong pagpapa-download mula sa JSTOR ng mga artikulong inililimbag sa mga rebistang akademiko.[5][6] Itinanggi ni Swartz ang gawain ng JSTOR na binabayaran nila ang mga tagapaglimbag ng mga rebista, kaysa sa mga may-akda ng mga artikulo, sa mga bayad na isinisingil nito upang makuha ng mga mambabasa ang mga artikulo. Naniwala diumano si Swartz na hinaharangan ng JSTOR, sa pamamagitan ng pagpataw nito ng mga bayad, ang pagkuha ng mga gawaing akademiko na nililikha ng mga kolehiyo at pamantasan sa Estados Unidos.[7][8]

Noong umaga ng 11 Enero 2013, natagpuang nakabitay si Swartz sa kaniyang apartamento sa Crown Heights, Brooklyn.[9][10][11] Makalipas ng kaniyang kamatayan, ipinawalang-saysay ng mga taga-usig pederal sa Boston ang mga hablang inihain laban sa kaniya.[12][13]

Talababa

^ Karaniwang kinikilala si Swartz bilang isa sa mga kapwa-tagapagtatag ng Reddit, ngunit kontrobersiyal ang titulong ito. Makatapos sumanib ang Infogami at Reddit, naging kapwa may-ari ng kompanyang magulang na Not a Bug, Inc. si Swartz, kasama sina Steve Huffman and Alexis Ohanian, ang mga orihinal na tagapagtatag ng Reddit. Binansagang "kapwa-tagapagtatag" si Swartz sa mga pahayagan, ni Paul Graham (na nagpasyang dapat sumanib ang dalawang websayt), at sa mga unang komento ni Ohanian tungkol dito.[14] Gayunpaman, pagsapit ng gitnang bahagi ng 2011, noong nagsulat ang magasing Wired tungkol sa mga kasong ikinahaharap ni Swartz, mas nagustuhan umano ni Ohanian na ilarawan si Swartz bilang 'kapwa may-ari' kaysa sa kapwa-tagapagtatag.[15] Ginamit ng Wired ang huling titulo, at ikinumento nila na "Dahil walang malinaw na salita para sa isang taong maagang sumali sa isang kompanya — ngunit makatapos itong inilunsad — at kung saan binayaran siya gamit halos ng sapi sa kompanya, ginamit namin ang salitang kapwa-tagapagtatag sa ulat na ito." ("For lack of an accurate term for someone who joins a company early — but after launch — and who gets paid largely in equity, we use the term co-founder in this story.")[15]

Mga sanggunian

Nagmula ang ilang mga bahagi ng artikulong ito sa pagsasalin ng artikulong ito mula sa orihinal sa Wikipediang Ingles.

  1. Cai, Anne (12 Enero 2013). "Aaron Swartz commits suicide". The Tech. Surian ng Teknolohiya ng Massachusetts. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2013. Nakuha noong 12 Enero 2013.
  2. "Introdution: Aaron Swartz". Nakuha noong 13 Enero 2013.
  3. http://www.aaronsw.com/weblog/socvanthro
  4. http://www.aaronsw.com/weblog/socfunc
  5. Kirschbaum, Connor (3 Agosto 2011). "Swartz indicted for JSTOR theft". The Tech. Surian ng Teknolohiya ng Massachusetts. Nakuha noong 12 Enero 2013.
  6. "Police Log". The Tech. Surian ng Teknolohiya ng Massachusetts. 18 Pebrero 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 12 Enero 2013.
  7. "Swartz "Steals" for Science". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-23. Nakuha noong 13 Enero 2013.
  8. "The inspiring heroism of Aaron Swartz". Nakuha noong 13 Enero 2013.
  9. Owen Thomas (12 Enero 2013). "Family Of Aaron Swartz Blames MIT, Prosecutors For His Death". Business Insider. Nakuha noong 12 Enero 2013.
  10. "Aaron Swartz, internet freedom activist, dies aged 26". BBC News Online. 13 Enero 2013. Nakuha noong 13 Enero 2013.
  11. "Aaron Swartz, Tech Prodigy and Internet Activist, Is Dead at 26". News. Time. Nakuha noong 13 Enero 2013.
  12. "Feds dismiss charges against Swartz". 3 News NZ. 15 Enero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-20. Nakuha noong 2013-01-16.
  13. Farivar, Cyrus (14 Enero 2013). "Government formally drops charges against Aaron Swartz". Ars Technica. Nakuha noong 14 Enero 2013.
  14. "...there was a third cofounder of Reddit, who was...", Today I learned..., Reddit
  15. 15.0 15.1 Singel, Ryan (19 Hulyo 2011). "Feds Charge Activist as Hacker for Downloading Millions of Academic Articles". Wired. Nakuha noong 12 Enero 2013.

Mga kawing panlabas