Amblonyx cinerea

Oryental na oter na may maliit na kuko[1]
Katayuan ng pagpapanatili

Maaring mawala  (IUCN 3.1)[2]
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Aonyx
Espesye:
A. cinerea
Pangalang binomial
Aonyx cinerea
(Illiger, 1815)
Kasingkahulugan

Amblonyx cinereus
Aonyx cinereus
Amblonyx cinerea

Ang dungon, Oryental na oter na may maliit na kuko o Asyanong oter na may maliit na pangalmot (Ingles: Oriental Small-clawed Otter, Asian Small-clawed Otter; iba pang mga pangalan sa agham: Amblonyx cinerea, Aonyx cinerea, Amblonyx cinereus, Aonyx cinereus) ay ang pinakamaliit na uri ng oter sa buong mundo, na tumitimbang ng 5 mga kilogramo. Naninirahan ito sa mga latiang may bakawan at mga lupaing may tubig-tabang sa Bangladesh, Burma, India, timog Tsina, Taiwan, Laos, Malaysia, Indonesia, Pilipinas, Thailand, Australia, at Vietnam.[1] Natatangi ang oter na ito dahil ang pangharap na mga paa nito ay may mga pangalmot o mga kukong hindi lumalampas sa ibabaw ng malamang dulo ng mga talampakan ng kanyang mga daliri sa mga kamay at mga paa. Dahil dito, nabibigyan ito ng mataas na grado ng kaliksihan at kahusayan (deksteridad) ng mga kamay sa paggamit ng mga talampakan o mga kamay at paa upang kumain ng mga moluska, mga alimango (alimasag o talangka), at iba pang mga hayop na pangtubig.

Kasaysayan

Dating iniisip ng mga dalubhasa na ito lamang ang uring kasapi sa saring Amblonyx[1]; ngunit kamakailangang natiyak bilang Aonyx pagkaraan ng pagsusurin ng mitokondriyal na DNA.[3] Isa pang singkahulugan para sa oryental na oter na may maliit na kuko ang Aonyx cinereus.[4]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Wozencraft, W.C. (2005). "Order Carnivora". Sa Wilson, D.E.; Reeder, D.M (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. pp. 532–628. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {cite book}: Invalid |ref=harv (tulong)
  2. Hussain SA & de Silva PK (2008). Aonyx cinerea. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 06 Mayo 2008.
  3. Koepfli, K.-P. & Wayne, R.K. 1998. Phylogenetic relationships of otters (Carnivora: Mustelidae) based on mitochondrial cytochrome B sequences. J. Zool. 246, 401-416.
  4. IUCN Otter Specialist Group: Aonyx cinereus (Illiger, 1815), the Asian Small-Clawed Otter.


Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.