Cape Town
Cape Town Cape Town Kaapstad iKapa Motse Kapa | |||
---|---|---|---|
daungang lungsod, statistical territorial entity, big city, legislative capital, national capital | |||
| |||
Mga koordinado: 33°55′31″S 18°25′26″E / 33.9253°S 18.4239°E | |||
Bansa | Timog Aprika | ||
Lokasyon | City of Cape Town, Western Cape, Timog Aprika | ||
Itinatag | 1652 | ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Cape Town | Geordin Hill-Lewis | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,454.72 km2 (947.77 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021) | |||
• Kabuuan | 3,776,313 | ||
• Kapal | 1,500/km2 (4,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+02:00 | ||
Websayt | http://www.capetown.gov.za |
Ang Cape Town (Afrikaans: Kaapstad [ˈkɑːpstat]; Xhosa: iKapa; Dutch: Kaapstad) ay isang lungsod sa baybayain ng South Africa. Ito ang kabisera at primadong lungsod ng lalawigang Western Cape.[1] Ito ay bahagi ng City of Cape Town metropolitan municipality.
Bilang ang lugar kung saan matatagpuan ang Parlamento ng South Africa, ang Cape Town ay ang pambatasang kabisera ng South Africa.[2] Ang dalawa pang kabisera ay matatagpuan sa Pretoria (pampangasiwaang kabisera[3] kung saan natatatrabo ang Pangulo at ang Gabinete) at sa Bloemfontein (panghukumang kabisera kung saan matatagpuan ang National Court of Appeal[4]). Ang lungsod ay kilala sa daungan nito, sa likas na kinaroroonan ng Cape Floristic Region, at sa mga landmark tulad ng Table Mountain at Cape Point. Noong 2014, ito ay ang ika-10 pinakamataong lungsod[kailangang linawin] sa Africa at tahanan sa 64% ng populasyon ng Western Cape.[5] Ito ay isa sa pinaka-multikultural na lungsod sa mundo, na sumasalamin sa kanyang papel bilang isang pangunahing destinasyon ng mga dayuhan at expatriate sa South Africa.[6] Ang lungsod ay pinangalanang ang World Design Capital para sa 2014 ng International Council of Societies of Industrial Design.[7] Noong 2014, ang Cape Town ay pinangalanang pinakamahusay na lugar sa mundo upang bisitahin ng kapwa The New York Times[8] at The Daily Telegraph.[9]
Matatagpuan sa baybayin ng Table Bay, ang Cape Town, bilang ang pinakalumang pook urban sa South Africa, ay pinaunlad ng Dutch East India Company (VOC) bilang isang estasyon ng suplay para sa mga barkong Dutch na nalalayag sa Silangang Africa, India, at Malayong Silangan. Nang dumating si Jan van Riebeeck noong 6 Abril 1652 itinatag Dutch Cape Colony, ang unang permanenteng pamayanang Europeo sa South Africa. Nilampasan ng Cape Town ang kanyang orihinal na layunin bilang unang Europeong outpost sa Castle of Good Hope, naging sentrong pang-ekonomiya at pangkultur ng Cape Colony. Bago naganap ang Witwatersrand Gold Rush at ng pag-unlad ng Johannesburg, ang Cape Town ang pinakamalaking lungsod sa South Africa.
Mga sanggunian
- ↑ "Discover the 9 Provinces of South Africa and their Capital Cities". Nakuha noong 2017-06-22.
- ↑ "Western Cape | province, South Africa". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-06-22.
- ↑ "Pretoria | national administrative capital, South Africa". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-18.
- ↑ "Bloemfontein | national judicial capital, South Africa". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-18.
- ↑ Morris, Michael (21 November 2014). "Highlights from the State of the City 2014 report". Weekend Argus. Nakuha noong 23 November 2014.
- ↑ "Why Cape Town is one of the best cities for travel and expat living". ExpatCapeTown. Nakuha noong 14 April 2014.
- ↑ "Cape Town Hosts Official WDC 2014 Signing Ceremony". World Design Capital. Nakuha noong 4 August 2012.
- ↑ "14 Fun Facts You Didn't Know About Cape Town - Interesting & Amusing Things about the Mother City". Cape Town Magazine.
- ↑ "The world's best cities". Telegraph.co.uk.