Cat Stevens

Si Yusuf Islam (ipinanganak na Steven Demetre Georgiou, 21 Hulyo 1948),[1] higit na kilala sa kanyang dating pangalang pang-entabladong Cat Stevens, ay isang Britanikong manunugtog, mang-aawit, at manunulat ng awit. Isa rin siyang multi-instrumentalista, edukador, pilantropo, at prominenteng nagpalit ng relihiyon patungo sa Islam. Sa ngayon, ginagamit niya ang isahang pangalang Yusuf.[2]
Kasalukuyan siyang namumuhay na kapiling ang kanyang asawa at mga anak sa Londres, at bahaging nananahanan bawat taon sa Dubai.[2]
Mga sanggunian
- ↑ "Yusuf Islam Lifeline:1948". Yusuf Islam official website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-11. Nakuha noong 28 Abril 2009.
- ↑ 2.0 2.1 Donahue, Ann (18 Abril 2009). "Yusuf Islam's past, present in harmony on new album". Reuters. Nakuha noong 27 Abril 2009.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, United Kingdom at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.