DWBM

Brigada News FM Manila (DWBM)
Pamayanan
ng lisensya
Pasig
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
Frequency105.1 MHz
Tatak105.1 Brigada News FM
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkBrigada News FM
Pagmamay-ari
May-ariMareco Broadcasting Network
OperatorBrigada Mass Media Corporation
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1963
Dating call sign
  • DZLM-AM (1963–1972)
  • DWLM-FM (1973–1985)
  • Brigada News FM National:
    DWEY (2014–2023)
Dating pangalan
  • DZLM (1963–1972)
  • Super Tunog Pinoy (1973–1985)
  • Power 105 (1985–1994)
  • Crossover (1994–2019)
  • Q Radio (2020–2023)
Dating frequency
1430 kHz (1963–1972)
Brigada News FM National:
104.7 MHz (2014–2023)
Kahulagan ng call sign
  • Best Music (former slogan)
  • Brigada Manila
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassC, D and E
Power25,000 watts
ERP60,000 watts
Repeater
Link
WebcastLive Stream
WebsiteBrigada Philippines

Ang DWBM (105.1 FM), sumasahimpapawid bilang 105.1 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 26th Floor, One San Miguel Bldg., San Miguel Avenue corner Shaw Boulevard, Ortigas Center, Pasig, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa San Carlos Heights, Binangonan.

Kasaysayan

1963-1973: DZLM

Itinatag ang himpilang ito noong 1963 bilang DZLM 1430.[1][2][3] Kagaya ng DZBM 740, pinaunlarin ito ang mga kumpanyang rekord ng Mareco.[4][2][3] Nagpatugtog ito ng mga musikang pangdayuhan at kahit isang musikang lokal.[5][1][6] Ito ang kauna-unahang himpilan sa bansa na may Top 40 na format.[1][7]

1973-1994: Paglipat sa FM

Nung naideklara ang batas militar noong 1972, nagkaroon ng utos na iisang himpilan sa AM at FM lamang ang puwedeng arian ng bawat kumpanya sa bawat lungsod.[3] Habang nanatili sa AM ang DZBM,[8] lumipat ang DZLM sa FM bilang DWLM 105.1.[3][1][9][10] Nanatili ang format nito, ngungit kakumpitensiya nito ang DZRJ-FM nung panahong yan.[2]

Noong huling bahagi ng dekada 70, naging Super Tunog Pinoy ito na may OPM na format.[11] Noong 1985, nagpalit ito ng call letters sa DWBM at naging Power 105 BMFM ito na may new wave na format.[12][13] Kakumpitensiya nito ang WXB 102 nung nasa 102.7 FM pa ito.[14][2][4]

Noong unang bahagi ng dekada 90, ito ang kabilang sa kauna-unahang himpilan sa bansang ito na maging kaanib ng CNN sa radyo.[4][15][16][17]

1994-2019: Crossover

Third[18] and final logo as 105.1 Crossover

Noong 1994, napunta ang himpilang ito sa anak ni Luis Villar na si Louie na naging Crossover.[3] Smooth AC ang format ng himpilang ito na nagpapatugtog ng halong Smooth jazz, Latin at R&B.[16][19][4] Inilarawan ang format nito ng pamilya Villar bilang pinaka-literal na pagsasalin ng pangalan ng Crossover.[20][19] Iba ito sa kakumpitensya nito na Citylite 88.3 na nagpatugtog ng jazz.[4][18][21] Itinuring ito bilang avant-garde na himpilan na Class A ang target na tagapagkinig nito.[22]

Makalipas ng ilang taon, pinalawig ang Crossover sa apat na karagdagang himpilan sa iba't ibang bahagi ng bansa;[19] 99.1 FM sa Bacolod,[16] 93.1 FM sa Lungsod ng Cebu at 93.1 FM sa Lungsod ng Davao noong 1997; at 105.1 FM sa Baguio (na nagsisilbing riley ng himpilan nito) noong 2000.[4] A plan to put up another in Cagayan de Oro didn't come to fruition.[4] The Crossover format is also webcast worldwide in real time on their official website.

Sa pagpasok ng bagong milenyo, bumuo ang Crossover ng sarili nitong pangkat ng konsiyerto, which featured Martin Nievera, Jaya, Lani Misalucha, and Zsa Zsa Padilla,[23][24] pati rin ng bar tours sa palibot ng Kalakhang Maynila.[15][23][19][20] Gumawa din ito ng mga konsiyerto mula sa iba't ibang dayuhan na mangangawit at banda.[25] Gumawa din ito ng sariling pangkat ng CDs na nagbigay pugay sa himpilang ito.[15]

Mula sa panahong ito, naging kaanib ang himpilang ito ng BBC World Service.[15]

Noong Hunyo 2014, nagdiwang ang Crossover ng ika-20 na anibersaryo na may temang "Celebrating 20 Years of Great Music."

2019-2023: Q Radio

Q Radio 105.1 Manila (2020–2023)

Noong Disyembre 30, 2019, namaalam ang Crossover sa talapihitang ito at lumipat ang operasyon nito sa online. Kasalukuyan ito sumasahimpapawid sa pamamagitan ng live streaming sa mobile application nito sa iOS at Android. Samantala, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (produser ng Chinatown TV at Chinese News TV sa IBC 13) ang operasyon ng mga himpilan nito.

Noong Enero 13, 2020, itinatag ang himpilang ito bilang Q Radio na may Top 40 na format. Sumunod ang mga himpilan nito sa noong Nobyembre 16, 2020.

Noong Enero 2023, nagbuksan ito ng programa para sa mga student DJs na binansagang Qniversity.

Noong Hunyo 19, 2023, naganunsyo ang Q Radio na mamamaalam ito sa ere sa katapusan ng buwan na yan dahil sa mga problemang pinansyal at kakulangan ng suporta mula sa mga advertisers nito.[26][27] Noong Hulyo 1, 2023, namaalam sa ere ang Q Radio.

2023–present: Brigada News FM

Noong Hunyo 27, 2023, nagkaroon ng Brigada Mass Media Corporation at Mareco ng kasunduan, kung saan kukunin ng Brigada ang operayon ng himpilang ito. Kasama nito ang paglipat ng operasyon ng Brigada News FM National sa talapihitang ito mula sa 104.7 MHz na nakabase sa Batangas.[28]

Noong Hulyo 1, bumalik ang himpilang ito sa ere bilang pagsusuri sa himpapawid mula sa National Broadcast Center sa Jacinta Building 2 sa Makati. Noong Hulyo 3, 4:00 ng umaga, inilunsad ito bilang Brigada News FM Manila.

Noong Agosto 31, 2024, lumipat ito sa bago nitong tahanan sa One San Miguel Avenue Bldg. sa Pasig.

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "An AM radio story". Daily Tribune. June 13, 2020. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Crossing over to the top". Manila Standard. November 14, 1996. p. 30. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Sicam, Edmund (September 30, 2000). "Meet Louie Villar, the man behind radio's Crossover stations". Philippine Daily Inquirer. p. E2. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 Salterio, Leah (December 16, 2000). "Stay tuned, Crossover 105.1 bent on getting bigger in 2001". Philippine Daily Inquirer. The Philippine Daily Inquirer, Inc. p. 31. Nakuha noong January 27, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  5. "How Villar Records changed Philippines pop music forever". The Philippine Star. February 2, 2022. Nakuha noong July 2, 2023.
  6. "From the Music Capitals of the World: Manila". Billboard. August 10, 1968. p. 50. Nakuha noong July 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  7. Pancho Alvarez (June 14, 1989). "Radio in retrospect, part 1: The days of the dinosaurs – the AM story". Manila Standard. p. 24. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  8. The Philippines, a Country Profile. Washington, D.C.: U.S. Department of State. August 1979. p. 110. Nakuha noong July 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  9. Samonte, Danee (September 13, 2018). "Rene Garcia: The final Hotdog". The Philippine Star. Nakuha noong July 2, 2023.
  10. Samonte, Danee (January 17, 2015). "Them were the days". The Philippine Star.
  11. Post by Jay P. Mercado, Apr. 30, 2013. Manila Tonight. Retrieved July 5, 2023.
  12. National Statistics Office (1987). Philippine Yearbook 1987. Manila: Government of the Philippines. p. 902. Nakuha noong July 5, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  13. POWERful Blogpost #105, July 8, 2008. docmuzic. Retrieved July 5, 2023.
  14. WXB102 & DZBM POWER105, Aug. 24, 2007. docmuzic. Retrieved July 5, 2023.
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 "Less is more". The Philippine Star. February 21, 2010.
  16. 16.0 16.1 16.2 "Crossover drive on 105.1 dwBM". Manila Standard. November 1, 1996. p. 27. Nakuha noong July 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  17. "DWBM-CNN linkup". Manila Standard. November 18, 1992. p. 19. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  18. 18.0 18.1 "Evolution of Crossover 105.1 Manila Logo". Radio Online Now. July 22, 2011. Nakuha noong July 7, 2023.
  19. 19.0 19.1 19.2 19.3 Salterio, G. Jemuel (October 28, 2001). "Crossover: The radio station as producer". The Philippine Star. Nakuha noong July 2, 2023.
  20. 20.0 20.1 Esguerra, Tinnie (December 21, 2000). "Defining the Crossover Sound". The Philippine Star. Nakuha noong July 2, 2023.
  21. "'Crossover Drive'". Manila Standard. November 6, 1996. p. 10. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  22. "Current radio programming trends". Manila Standard. November 25, 1996. p. 29. Nakuha noong July 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  23. 23.0 23.1 Esguerra, Tinnie (May 10, 2002). "Creating the Crossover lifestyle". The Philippine Star. Nakuha noong July 2, 2023.
  24. Samio, Veronica (July 22, 2001). "MMFF 2001, binagyo". Pilipino Star Ngayon. Nakuha noong July 2, 2023.
  25. Lo, Ricky (October 10, 2002). "Jazz in time with Bobby Caldwell". The Philippine Star. Nakuha noong July 2, 2023.
  26. "Louella Hazeline Chan in Q Radio Qlassmates". Telegram. Nakuha noong June 19, 2023.
  27. Q Radio 105.1 (June 19, 2023). "To all of our amazing Qties, After a fulfilling 3-year run, filled with several viral online campaigns and exciting on-air gimmicks, it is with a heavy heart that we announce that Q Radio will be permanently signing off nationwide effective July 1, 2023". Facebook. Nakuha noong June 20, 2023.{cite web}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  28. Brigada News FM (June 27, 2023). "Konting tulog na lang mga Ka-Brigada! Mas pinalakas, mas pinalawak, at mas pinaganda! Ang No. 1 sa mga probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao - mapakikinggan na sa Metro at Mega Manila!". Facebook. Nakuha noong June 27, 2023.