DZSR
![]() | |
Pamayanan ng lisensya | Lungsod Quezon |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
Frequency | 918 kHz |
Tatak |
|
Palatuntunan | |
Wika | Filipino, English |
Format | Sports, Talk |
Network | Radyo Pilipinas |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Presidential Broadcast Service |
RP1, RP3, FM1, FM2, RP World Service, PTV 4 | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1971 |
Dating call sign | DZRP (1978–1986) DZRB (1986–1996) DWSY (2010) |
Dating pangalan | Radyo Maynila SportsCenter Sports Radio |
Dating frequency | 960 kHz (1973–1978) 738 kHz (1978–1996) |
Kahulagan ng call sign | Sports Radio (former branding) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 50,000 watts |
Link | |
Webcast | Radyo Pilipinas 2 LIVE Audio |
Website | radyopilipinas.ph/rp-two PBS |
Ang DZSR (918 AM), sumasahimpapawid bilang Radyo Pilipinas Dos (RP2 Sports), ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Presidential Broadcast Service. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 4th Floor, PIA/Media Center Building, Visayas Avenue, Barangay Vasra, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Malolos.
Tahanan ang DZSR ng Philippine Basketball Association.
History
Itinatag ang himpilang noong 1973 ito bilang DPI Radyo Maynila sa ilalim ng call letters na DZRP. Noong Mayo 10, 1986, pagkatapos ng Rebolusyong EDSA), muling inillunsad ang himpilang ito bilang Sports Radio na may format na kaugnay sa palakasan. Ang pinagmulan nito ay ang Radio Sports, isa nitong programang pangpalakasan ng DZFM. Kabilang sa mga bahagi nito nung una ay ang mga manunulat ng departamento ng palakasan ng nabanggit na himpilang.[1]
Noong Enero 2, 1995, batay sa Presidential Order No. 293, nagpalit ng talapihitan ang Sports Radio at Radyo ng Bayan na dati nasa 738 kHz.[1] Noong Marso 1, 1996, 5 taon makalipas ang pagkamatay ni Frederick Marquardt, nagpalit ang call letters nito sa DZSR.
Noong Pebrero 1, 2010, nagpalit ang call letters nito sa DWSY (kahulugan ng Sports & Youth), at pinalawig ang format nito sa mga programang pangkabataan youth-oriented programs, lalo na tuwing Sabado. Noong Disyembre ng taong ito, ibinalik ang dati nitong call letters na DZSR.[2]
Sa pamumuno ni Rizal "Bong" Aportadera, Jr. (Sonny B) bilang Director General ng PBS, noong Setyembre 18, 2017, muling inilunsad ang Sports Radio bilang Radyo Pilipinas 2, at isinama dito ang halos lahat ng mga programa ng Radyo Magasin, na namaalam sa ere nung nakaraang araw.[3]
Noong Marso 2020, sa kasagsagan ng pandemya, nawala sa ere ang Radyo Pilipinas 2. Noong Marso 7, 2022, makalipas ng halos 2 taon, bumalik ito sa ere.
Mula nung Enero 2023, ineere ng Radyo Pilipinas 2 ang mga laro ng Philippine Basketball Association. Naka-simulcast din ito sa mga piling himpilan ng Radyo Pilipinas sa probinsya.
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Terrado, Reuben (May 15, 2016). "DZSR radio stays relevant in changing times by being PH sport's link to masses". Sports Interactive Network Philippines. Nakuha noong May 16, 2016.
- ↑ Onwumechili, Chuka (August 16, 2017). Sport Communication: An International Approach. Routledge. ISBN 9781351983525. Nakuha noong August 26, 2020 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "PCOO E-Brochure" (PDF). Presidential Communications Operations Office. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong March 7, 2019. Nakuha noong June 26, 2017.