Florida
Florida State of Florida | |||
---|---|---|---|
| |||
Palayaw: The Sunshine State | |||
Bansag: In God We Trust | |||
Awit: Old Folks at Home | |||
Mga koordinado: 28°06′N 81°36′W / 28.1°N 81.6°WMga koordinado: 28°06′N 81°36′W / 28.1°N 81.6°W | |||
Bansa | United States of America | ||
Lokasyon | Estados Unidos ng Amerika | ||
Itinatag | 3 Marso 1845 | ||
Ipinangalan kay (sa) | Easter | ||
Kabisera | Tallahassee | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | Florida Legislature | ||
• Governor of Florida | Ron DeSantis | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 170,304.0 km2 (65,754.7 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Abril 2020, census)[1] | |||
• Kabuuan | 21,538,187 | ||
• Kapal | 130/km2 (330/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | Eastern Time Zone | ||
Kodigo ng ISO 3166 | US-FL | ||
Wika | English | ||
Websayt | https://www.myflorida.com/ |
Ang Florida (bigkas: /fló·ri·dä/; Espanyol para sa "lupain ng mga bulaklak") ay isang estado na matatagpuan sa timog-silangang rehiyon ng Estados Unidos. Ang estado ay pinapaikutan ng Golpo of Mexico sa kanluran, Alabama at Georgia sa hilaga, Karagatang Atlantic sa silangan, at ng Straits of Florida at Cuba sa timog. Ang Florida ay ang ika-22 pinakamalawak, ang ika-3 pinakamatao,[2] at ang ika-8 pinakamakapal ang populasyon na estado sa Estados Unidos. Ang Jacksonville ay ang pinakamataong lungsod sa Florida, at ang pinakamalaking lungsod ayon sa sukat sa mainland ng Estados Unidos. Ang Miami metropolitan area ay ang ikawalong pinakamalaking metropolitan area sa Estados Unidos. Ang Tallahassee ay ang kabisera ng estado.
Isang tangway (peninsula) sa pagitan ng Golpo ng Mexico, ng Karagatang Atlantic, at ng Straits of Florida, ito ay ang may pinakamahabang baybayin sa mainland ng Estados Unidos, humigit-kumulang 1,350 milya (2,170 km), at ito ay ang tanging estado na kapuwa hinangganan ng Golpo ng Mexico at ng Karagatang Atlantic. Malaking bahagi ng estado ay nasa o malapit sa pantay-dagat (sea level) at may latak (sedimentary) na lupa. Ang klima ay nag-iiba mula sa subtropikal sa hilaga hanggang tropikal sa timog.[3] Ang American alligator, American crocodile, Florida panther, at manatee ay matatagpuan sa Everglades National Park.
Mula nang unang madayo ng mga Europeo ang pook noong 1513 sa katauhan ni Kastilang eksplorador Juan Ponce de León – na pinangalanan ang pook na La Florida ([la floˈɾiða] "lupain ng mga bulaklak") sa landing doon sa panahon ng pasko ng Pagkabuhay, Pascua Florida[4] – ang Florida ay isang hamon para sa Europeong mananakop bago makuha nito ang pagiging estado ng Estados Unidos noong 1845. Ito ay isang pangunahing lokasyon ng Digmaang Seminole laban sa mga Katutubong Amerikano, at racial segregation pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.
Ngayon, ang Florida ay katangi-tangi para sa malaking pamayanan ng expatriate mula Cuba at mataas na paglago ng populasyon, pati na rin ng pagtaas ng mga isyu sa kapaligiran. Ang ekonomiya ng estado ay nakasalalay higit sa lahat sa turismo, agrikultura, at transportasyon, na umunlad sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang Florida ay kilala rin sa amusement parks, pananim na dalandan, ang Kennedy Space Center, at isang popular na destinasyon para sa mga magreretiro.
Ang kultura ng Florida ay salamin ng mga impluwensya at maraming pamana; mga pamanang Katutubong Amerikano, Europeo-Amerikano, Hispanico, at Africano-Amerikano ay matatagpuan sa arkitektura at lutuin. Ang Florida ay nakaakit ng maraming manunulat tulad nina Marjorie Kinnan Rawlings, Ernest Hemingway at Tennessee Williams, at ay patuloy na nag-aakit ng mga sikat na artista at atleta. Ito ay kilala sa daigdig para sa golf, tennis, auto racing at water sports.
Mga pinakamalaking lungsod
Ranggo | Kondado | Pop. | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Jacksonville Miami |
1 | Jacksonville | Duval | 853,382 | Tampa Orlando | ||||
2 | Miami | Miami-Dade | 430,332 | ||||||
3 | Tampa | Hillsborough | 358,699 | ||||||
4 | Orlando | Orange | 262,372 | ||||||
5 | St. Petersburg | Pinellas | 253,693 | ||||||
6 | Hialeah | Miami-Dade | 235,563 | ||||||
7 | Tallahassee | Leon | 188,107 | ||||||
8 | Fort Lauderdale | Broward | 176,013 | ||||||
9 | Port St. Lucie | St. Lucie | 174,110 | ||||||
10 | Cape Coral | Lee | 169,854 |
Kapatid na estado
Hurisdiksyon | Bansa | Taon[6] |
---|---|---|
Languedoc-Roussillon | France | 1989 |
Taiwan Province | Taiwan, R. O. C. | 1992 |
Wakayama Prefecture | Japan | 1995 |
Western Cape | South Africa | 1995 |
Nueva Esparta | Venezuela | 1999 |
Kyonggi | South Korea | 2000 |
Tingnan din
Sanggunian
- ↑ Error: Unable to display the reference properly. See the documentation for details.
- ↑ "Florida Passes New York to Become Nation's Third Most Populous State" (Nilabas sa mamamahayag). United States Census Bureau. December 23, 2014. Nakuha noong December 23, 2014.
- ↑ "Köppen Climate Classification Map" Naka-arkibo 2011-07-06 sa Wayback Machine..
- ↑ "Historic Feature: Juan Ponce de Leon Landing – Brevard County Parks and Recreation Department on Florida's Beautiful Space Coast" Naka-arkibo 2010-12-21 sa Wayback Machine..
- ↑ "2014 Census population". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Mayo 2016. Nakuha noong 8 Pebrero 2016.
{cite web}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong) - ↑ "Florida Sister City/Sister State Directory 2001" (PDF).