Orlando, Florida
Orlando | |||
---|---|---|---|
lungsod, big city | |||
| |||
Palayaw: The City Beautiful | |||
Mga koordinado: 28°32′01″N 81°23′12″W / 28.5336°N 81.3867°W | |||
Bansa | Estados Unidos ng Amerika | ||
Lokasyon | Orange County, Florida, Estados Unidos ng Amerika | ||
Itinatag | 31 Hulyo 1875 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor of Orlando, Florida | Buddy Dyer | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 308.41 km2 (119.08 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Abril 2020, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 307,573 | ||
• Kapal | 1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado) | ||
Websayt | https://www.orlando.gov/ |
Ang Orlando ay isang lungsod sa Florida, Estados Unidos, at ang county seat (kabisera) ng Orange County. Matatagpuan sa Central Florida, ito ay ang sentro ng Orlando metropolitan area, na mayroong populasyon na 2,387,138, ayon sa U.S. Census Bureau na inilabas noong Marso 2016. Dahil dito, ito ang naging ika-24 na pinakamalaking metropolitan area[2] sa Estados Unidos, ang ikaanim na pinakamalaking metropolitan area sa Katimogang Estados Unidos, at ang ikatlong pinakamalaking metropolitan area sa Florida. Noong 1 Hulyo 2014, tinatayang ang Orlando ay may populasyon sa city-proper (poblasyon) na 262,372, dito naging ika-73 pinakamalaking lungsod sa Estados Unidos, ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa Florida, at pinakamalaking inland city ng estado.
Ang Lungsod ng Orlando ay may palayaw na "The City Beautiful" (Ang Lungsod Maganda) at ang simbolo nito ay ang fountain sa Lake Eola. Ang Orlando ay kilala rin bilang "The Theme Park Capital of the World" at noong 2014 ang mga atraksyon at kaganapang panturista nito ay humikayat ng higit sa 62 milyong bisita.[3] Ang Orlando International Airport (MCO) ay ang ikalabintatlonng pinakaabalang paliparan sa Estados Unidos at ang ika-29 pinakaabala sa mundo.[4] Si Buddy Dyer ay ang mayor ng Orlando.
Isa sa mga pangunahing na destinasyon ng mga turista, ang mga sikat na atraksyon ng Orlando ang bumubuo sa gulugod ng industriya ng turismo: ang Walt Disney World Resort, na matatagpuan sa humigit-kumulang 21 milya (34 km) timog-kanluran ng Downtown Orlando sa Bay Lake, ay binuksan ng Walt Disney Company noong 1971; ang Universal Orlando Resort, binuksan noong 1999 bilang isang pangunahing pagpapalawak ng Universal Studios Florida; SeaWorld; Gatorland; at Wet 'n Wild. Maliban sa Walt Disney World, karamihan ng mga pangunahing atraksyon ay matatagpuan sa kahabaan ng International Drive. Ang lungsod ay isa din sa pinakaabalang lungsod sa Estados Unidos para sa mga conference at convention, ang Orange County Convention Center ay ang pangalawang pinakamalaking convention facility sa Estados Unidos.
Tulad ng iba pang mga pangunahing lungsod sa Sun Belt, mabilis na lumago ang Orlando noong dekada 1980 hanggang sa unang dekada ng ika-21 siglo. Ang Orlando ay tahanan ng University of Central Florida, ito ang ikalawang pinakamalaking university campus sa Estados Unidos sa mga tuntunin ng enrollment noong 2012. Noong 2010, ang Orlando ay nakalista bilang isang antas "Gamma−" ng world-city sa imbentaryo ng World Cities Study Group.[5] Ang Orlando ay may ranggong ikaapat na pinakasikat na lungsod sa Estados Unidos batay kagustuhan ng mga taong tirhan ayon sa isang pag-aaral ng Pew Research Center noong.[6]
Mga kapatid na lungsod
Ang Orlando ay may siyam na mga internasyonal na mga kapatid na lungsod (sister city) na nakalista sa City of Orlando Office of International Affairs.[7]
- Curitiba, Brazil
- Guilin, Guangxi, People's Republic of China
- Monterrey, Mexico
- Reykjanesbær, Iceland
- Seine-et-Marne, France
- Tainan, Taiwan
- Omsk, Russia
- Urayasu, Chiba, Japan
- Valladolid, Espanya
Sanggunian
- ↑ https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
- ↑ Brinkmann, Paul. "New stats show Orlando grew faster than 30 biggest metros". orlandosentinel.com. Orlando Sentinel. Nakuha noong March 24, 2016.
- ↑ Dineen, Caitlin (April 9, 2015). "Orlando breaks visitation record in 2014". Orlando Sentinel. Inarkibo mula sa orihinal noong July 18, 2014. Nakuha noong April 27, 2015.
- ↑ Passenger Traffic for past 12 months ending May 2011 Naka-arkibo 2011-08-12 sa Wayback Machine..
- ↑ "GaWC – The World According to GaWC 2010". Lboro.ac.uk. September 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 24, 2012. Nakuha noong December 10, 2011.
- ↑ "For Nearly Half of America, Grass Is Greener Somewhere Else; Denver Tops List of Favorite Cities | Pew Research Center's Social & Demographic Trends Project". Pewresearch.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2012. Nakuha noong August 2, 2014.
- ↑ "City of Orlando International Affairs". Cityoforlando.net. Nakuha noong November 17, 2014.