Hexadecimal

Sa matematika at kompyuting, ang hexadecimal (pagbigkas: hek•sa•de•si•mal) (gayon din base 16, o hex) ay positional na numeral system na may radix, o base, na 16. Gumagamit ito ng labing-anim na tanging simbolo, kadalasan ang mga simbolong 09 ay kumakatawan sa mga value na sero hanggang siyam, at A, B, C, D, E, F (gayon din a, b, c, d, e, f) ay kumakatawan sa mga value na sampu hanggang labinlima. Malawakang ginagamit ng mga programmer at designer ng mga computer system ang mga hexadecimal numeral. Maraming iba't ibang notation ang ginagamit upang irepresenta ang mga constant ng hexadecimal sa mga computer language; malawakan ang gamit ng prefix na "0x" dahil sa gamit nito sa Unix at C (at iba pang kaugnay na operating system at language). Ginagamit din ng ilang awtor ang mga value ng hexadecimal na may suffix o subscript. Halimbawa, maaaring isulat 0x2AF3 or 2AF316, batay sa pagpipiliang notation.

Bilang halimbawa, ang hexadecimal na bilang na 2AF316 ay maaaring i-convert sa katumbas nitong decimal representation. Pagmasdan na katumbas ng 2AF316 ay ang kabuuan ng (200016 + A0016 + F016 + 316), sa pagdecompose ng bilang sa serye ng mga term ng place value. Sa pag-convert ng bawat term sa decimal, maaaring pang maisulat na: (216 × 163) + (A16 × 162) + (F16 × 161) + (316 × 160) =
(2 × 4096) + (10 × 256) + (15 × 16) + (3 × 1) = 10995.

Kinakatawan ng bawat hexadecimal na digit ang apat na binary digit (bit), at ang pangunahing gamit ng hexadecimal notation ay upang magkaroon ng human-friendly representation ng mga binary-coded value sa pagko-compute at digital electronics. Ang isang hexadecimal digit ay kumakatawan sa isang nibble, na kalahati ng isang octet o byte (8 bit). Halimbawa, ang mga value ng byte ay maaaring ayusin mula 0 hanggang 255 (decimal), ngunit maaari ding irepresenta pa bilang dalawang digit na hexadecimal sa range na 00 hanggang FF. Karaniwan ding ginagamit ang hexadecimal upang irepresenta ang mga memory address ng kompyuter.

Mga sanggunian